Chapter 27

156 27 29
                                    


The stars are so beautiful tonight right?



Chapter 27: Ideal

Few days had past at balik na naman kami sa dati ni Rem. Nandito kami ngayon sa sala at nagseselpon.

Katatapos lang naming pumunta don sa C.A. yung 'cultivating area' niya.

Si Rem mukhang naglalaro, kasi naka-landscape ang phone niya. Though 'di ako sure. While ako naman ay nagsko-scroll lang ng videos sa tiktok.

"HAHAHAHAHAHAHA" malakas kong tawa dahil sa video ni Spencer. Ang galing niya talaga magpatawa.

Nakakaloka!

"Tsk." hininaan ko ang pagtawa ko dahil sa pag-tsk ni Rem.

I tap Spencer's profile tapos pinanood ko yung mga videos niya. May ibang videos na tapos ko nang panoorin non, kaso pinanood ko pa rin.

"Ay taena! HAHAHAHAHA loko talaga to si Spencer HAHAHA." tawa ko ng naging para siyang si Jessica Sojo.

Natatawa talaga ako sa Diwatang Belat na pangalan HAHAHA iba kasi ang meaning ng 'belat' sa bisaya.

"HAHAHA---ay!" naputol ang tawa ko ng may biglang humila ng phone ko at nakita ko si Rem na nakatayo sa harap ko.

"Rem!?" I exclaimed at tumayo din. Kahit hanggang dibdib niya lang ako ay tinitigan ko parin siya at pinang-ningkitan ng mata.

"Why are you laughing?" he asked.

"Really!? Kailangan pa ba talagang itanong yan Rem? Siyempre tumatawa ako kasi may nakakatawa."

"Really Joe? Pero bakit parang kinikilig ka?"

"Siyempre nakakakilig naman talaga si Spencer kahit nakakatawa siya!" I stated but when I realized what I said. My eyes widened and I exaggeratedly covered my mouth.

"Nakakakilig? Spencer? Did I heard it right?" taas kilay niyang tanong.

I swallowed first before answering his questions.

"No! I mean Rem, nakakatuwa si Spencer. Ang galing niyang magpatawa. As in, talaga!"

"No" sabi niya at umiling-iling pa.

Kinakabahan na tuloy ako kahit hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan.

"That's not what I heard." he said as his forehead creased.

"N-no R-rem--"

"Shhhhh" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil iminuwestra niya ang daliri niya malapit sa labi ko.

"Sit down Joe." dahan-dahan naman akong umupo.

Ewan ko ba pero parang mas lalong nakaka-intimidate si Rem ngayon.

"As your punishment for lying to me, I won't give your phone back until I change my mind." my mouth parted because of what he said.

"Punishment? Lying to you? Rem naman eh!"

"What? Do you have any complaints?" he asked while furrowing his forehead.

"A-ano balik mo phone ko, hoy Rem!" nakangusong sabi ko.

"No"

"Remmm" nakanguso ko paring sabi.

"Stop that, it won't work on me." mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi niya. 

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now