Chapter 16

253 29 15
                                    

Right now, on your lips just leave it.
If you don't mean it
                          - Mean it (Lauv and LANY)


Chapter 16: Mean and Rem

Ilang segundo siguro akong nakatitig sa kalangitan habang pino-proseso ang lahat ng sinabi niya.

Sinampal ko pa ang mukha ko para siguraduhing totoo 'to at hindi lang ako nananaginip.

"Hey! what are you doing?" ani ni Rem nang matapos kong sampalin ang sarili ko.

Nang maramdaman ko ang sakit ay bumangon ako galing sa pagkakahiga sa putikan at tinignan siya.

Gusto ko siyang tanungin pero hindi ko alam kung ano ang eksaktong tanong na itatanong ko sa kanya. Nang may maalala ako ay nakaramdam ako ng lungkot at pagdududa.

"Rem, are you really s----" hindi ko natapos ang itatanong ko nang may anino akong nakita sa damuhan. Kaya'y lumingon ako sa may daanan at nakakita ng matandang lalaki na nakatingin sa amin.

"Naku! mga apo! anong nangyari sa inyo?" nag-aalala niyang tanong.

Nagkatinginan kami ni Rem at biglang natawa ng mapagtantong nasa putikan pa rin kami at hindi pa tumatayo.

"Okay lang po kami Tay. Nawala lang po sa balanse." maayos kong sagot kay Tatay at ngumiti.

"Akala ko ano nang nangyari sa inyo." sabi naman ni tatay at huminga ng malalim.

  Nginitian ko ulit si Tatay at tumayo na. Nanlaki ang mata ko ng may naalala ako.

"Lagot ang shoulder bag ko!" biglaang saad ko kaya'y napatingin sila sa akin.

Kinabahan ako ng sobra ng ma-imagine na sa putikan iyon napunta at napasukan pa ng putik.

Laking-ginhawa ko ng makita ko ito sa may damuhan. Tinungo ko agad iyon at kinuha. Bumalik ako sa pwesto kanina at nakita si Rem na tinatayo na iyong bike at dinala sa gilid ng daanan kaya sumunod na ako.

Humarap kaming dalawa kay tatay at pinasalamatan siya. Pagkatapos ay nagpaalam na rin si tatay at sinabihan kaming mag-ingat at umuwi na para maka-pagbihis na daw kami.

I and Rem decided na maglakad na lang, malapit na lang din naman ang bahay. Lalakad na sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Joe"

"Hmm?"

"There's 'something' in your right feet." nagtaka ako ng pinagdiinan niya ang something.

"And it's moving." dagdag niya pa.

Nanlaki ang mata ko ng may maramdaman talaga akong gumagalaw sa paa ko.

Napalunok ako at nanindig ang balahibo ko ng magkaroon ako ng ideya kung ano iyon.

"Rem, kunin mo please." nanginginig kong pakiusap at hindi man lang tinitignan kung ano man ang nasa paa ko.

Nagtatakang tiningnan ako ni Rem pero pagkaraan ng ilang saglit ay unti-unti siyang ngumisi.

"Why don't you remove it yourself?" natatawa niyang tanong.

"Rem! Please!" naiiyak ko nang sabi sa kanya. Nang makitang tumatawa lang talaga siya ay ginalaw-galaw ko na lang ang paa ko kahit kapalit non ay mas maramdaman ko pa ang paggalaw-galaw nito sa paa ko.

Ewwwwww.

"Andyan pa ba?Rem!?" naiinis kong tanong sa kanya.

"Yes HAHAHA" unti-unti kong tinignan ang paa ko. Nang makitang wala na ay matalim ko siyang tiningnan at inirapan siya.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now