Chapter 24

220 25 18
                                    

I should've probably already left
but I never listen to my head.
- Heart won't let me (LANY)


Chapter 24: Picture


"Waaaahhhhhh" impit kong sigaw ng maalala ang nangyari kanina.

Nakakahiya talaga huhu.

Kanina paglabas ko ng kusina ay nakita ko si Rem. Oo si Rem, na nakatayo sa labas ng kusina. Pagkakita na pagkakita ko sa kanya ay literal talagang nanlaki ang mata ko.

Magsasalita pa sana siya non kaso dumiretso na agad ako papunta dito sa kwarto ko.

Nakakahiya talaga!

Pano pala pagnarinig niya yung mga sinabi ko kanina?

My eyes widened when I remembered something. Kaya bigla akong napabangon.

Si Rem pamangkin ni Tita Mary.

Si Kiarra inaanak ni Tita Mary.

Tapos ako?

Hamak na nakikitira lang dito.

Hala!

Baka bukas paggising ko nasa labas na lahat ng gamit ko.

"Waaaaahhhhhhh!"

Pabagsak akong humiga at inisip ang mga maaring mangyayari bukas.

Bukas.

Baka bukas, mag-isa na naman ako.

Ang bilis lumipas ng araw. Tomorrow, July 26 na. Magdadalawang buwan na kami.

Minsan nahihiya akong sabihin to kasi feeling ko parang ako lang naman ang nakakaalala at nag-iisip ng ganito.

Hayssss

Hindi na ako lumabas ng kwarto at mas pinili na lang na matulog.

Bandang 11:50 pm nang lumabas na ako ng kwarto para maghapunan. Ewan ko ba kung matatawag pa rin tong hapunan. HAHA.

Mga ganitong oras, si Kiarra nasa kwarto na niya. Ewan ko lang kay Rem.

Susubo na sana ulit ako ng marinig ko ang paglangitngit ng pinto. Dahan-dahan kong nilingon ang likuran ko dahil nakatalikod ako sa may pinto.

Nang makitang walang tao ay kinabahan ako.

Taena parang nawalan na ako ng ganang kumain. Tinignan ko ang wall clock at nakitang 12 am na, kaya mas lalo akong kinabahan.

"Ahhhhhhhh!" biglang sigaw ko nang biglang maramdamang may umihip sa kabilang pisnge ko.

Unti-unting humina ang pagsigaw ko ng makita ang nasa gilid ko.

Isang lalaking parang ngayon lang nakaranas tumawa.

Ang takot at kabang naramdaman ko kanina ay unti-unting napalitan ng inis.

"Nakakatawa? Jeremiah?" sarkastikong tanong ko.

"HAHAHAHAHAHAHAHA damn HAHAHA your reaction was so priceless! HAHAHAHA."

"Heh! ewan ko talaga sayo Rem." saad ko at nagpatuloy na sa pagkain.

Malapit na akong matapos kumain ng tumigil na si Rem sa pagtawa.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now