Chapter 20

259 26 28
                                    

With your embraced, it felt like eternity.
- Joe Castro

Chapter 20: Embraced

Pagkatapos naming maligo ni Rem ng ulan ay naligo ulit kami sa kanya-kanya naming banyo. Nauna akong dumating sa sala at sumunod siya pagkaraan ng ilang minuto.

Nagtaka ako dahil parang matamlay siya ngayon at mas lalo akong nagtaka ng marinig ko ang pag-ubo niya.

"Rem?" tawag ko sa kanya.

"Hmm?" mahinang saad niya at nilingon ako.

"Akala ko ba, hindi ka talaga inu-ubo?... Teka..... don't tell me it's because of the rain?" tanong ko at pinangningkitan siya.

"No, this is nothing. There's just something in my throat, I guess..." namamaos niyang sabi.

"Alr-----" maniniwala na sana ako ng sa kanya kaso bigla siyang umubo.

I sighed and stood up.

"Kain na tayo Rem, para makainom ka ng gamot." pag-aaya ko sa kanya.

"Alright." he said, then he sighed afterwards.

Pagkatapos naming kumain ay pinainom ko si Rem ng gamot at pinauna ko na siya sa sala kasi maghuhugas muna ako.

After kong maghugas ay dumiretso ako sa hagdanan para k-

"Joe!?" nilingon ko si Rem ng marinig kong tinawag niya ako.

"Bakit?"

"You'll na sleep na?" he asked.

My forehead creased when I noticed something in his eyes and with his expression.

"No, kukunin ko lang yung kumot ko. Ang lamig kasi." I said and smiled at him.

I immediately went to my room and get my blanket.

"Are you okay Rem?" seryoso kong tanong sa kanya nang makaupo na ako sa sofa. He look at me with his tired eyes.

"I'm fine Joe, don't worry about me." he said softly as he smiled genuinely.

I admit. Naningkit iyong mata ko. Parang ayaw maniwala ng kalooblooban ko sa kanya na kahit genuine na genuine na iyong ngiti niya. Para kasing hindi si Rem ang kaharap ko ngayon.

"Parang ang bait-bait mo ngayon Rem." natatawang sabi ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya.

Para ngang ang bait-bait niya ngayon. O siguro nasanay lang talaga ako sa Jeremiah na nakangisi at pinagtatawanan ako.

After a couple of minutes, my eyes widened when an idea suddenly popped out inside my head.

"What are you doing?" tanong niya ng makitang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya.

I held both of his shoulder and stares at his handsome face.

Oo handsome face.

"Joe?" saad niya at kasabay non ay ang paglapat ng kanang kamay ko sa noo niya.

"I knew it!" I exclaimed as I removed my hand from his forehead.

Tumayo ako at nameywang sa harapan niya.

"Oh diba tignan mo, nilagnat ka nga Jeremiah. Sabi ko naman kasi kanina na wag......" natigil ako sa pagsasalita ng makita ko ang itsura ni Rem.

Nakasandal sa backrest ng sofa habang naka-crossarm at nakanguso.

"Nilalagnat na nga ako pero pinapagalitan mo pa 'ko." nakangusong sabi niya at may tonong nagpapa-awa kaya nanlaki ang mata ko. As in, literal.

I faked a coughed.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now