Chapter 30

248 26 16
                                    

   That should be me..
     I can treat you better...
- J and J


Chapter 30: If only. -J

Today's another day but it still feels like yesterday. I can still feel and remember Rem's exact words. His words, his words that really pained me.

Nakatulog ako kagabing umiiyak, ni hindi ko rin nalaman kung anong oras ba siyang uwuwi o umuwi nga ba siya.

Haysss

Ayaw kong dumating sa point na mapagod ako, na mawalan na ako ng gana. Ayaw ko sa ganon. Masasayang kasi lahat, lahat ng mga paghihirap ko kung titigil na ako. Ayaw ko, ayaw kong dumating ang point na yun. Ayaw kong magsawa.

Aalis ako ngayon, today's sunday kaya magsisimba ako. Jacob also told me na magcelebrate raw kami sa birthday ko. Dapat daw ilibre ko siya kasi di ko daw siya pinakain kahapon, kaya ayun gora.

"Good morning Ma'am Joe!" bati ni Yaya Annie ng makita niya akong padaan sa kusina.

"Good Morning din Ya!" pabalik kong bati.

"Aalis po kayo Ma'am?" tanong niya at tinignan niya ako ulo hanggang paa.

"Oo, ininvite ako ni Jaco----" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig kong may umubo sa kusina kaya napalingon ako din at nakita ko si Rem na nakaupo at kumakain.

Nang magtama ang mata namin ay agad akong umiwas at ibinalik ang tingin kay Yaya.

"Magsisimba po kami Yaya, tsaka don na po ako mag-aalmusal sa kanila. Sige po..!" saad ko sa kanya at tinungo na ang pinto palabas.

Lalabas na sana ako ng bahay ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Joe!" nilingon ko ito at nakita so Rem na papalapit.

"U-uuwi ka a-agad?" tanong niya pero hindi sa akin nakatingin.

"Hindi ko alam. Geh, alis na'ko." madali kong sabi at agad na lumabas ng bahay.

Narinig ko pang tinawag niya ako pero hindi na ako lumingon pa.

Masama bang magtampo?





******************


"Hoy Hakob! wag ka ngang mangvideo! Hoy HAHAHA!" natatawang saad ko kay Jacob.

"Okay lang yan Joe, medyo okay naman ang itsura mo HAHAHA!" sabi niya at malakas na tumawa.

"HA. HA. HA."

Kakarating lang namin ni Jacob dito sa cafe nila galing simbahan. Imbes na ako ang manlilibre ay siya ang nanlibre sa akin. Gift niya na daw.

"Hoy Hakob talaga! undangi na ang pagvideo ba! Ulaw kaayo!"

"Huh? Ansabe mo? pagvideo lang naintindihan ko." litong saad niya.

"Basta! Wala HAHA!" natatawang sabi ko.

"Wala daw pero tumatawa." rinig kong bulong niya kaya please nagtaasan ko siya ng kabilang kilay.

"May sinasabi ka?" tanong ko.

"Tss! Wala! Sarili ko kausap ko." nakangusong sabi niya.

"Oh san ka punta?" tanong ko ng makitang tumayo siya.

"Diyan ka lang may kukunin ako!" kunot  noo ko siyang tiningnan paalis, nalilito ako kung galit ba yun sa akin o hindi.

"Oh!" gulat akong napatingin kay Jacob ng may bigla siyang nagsalita.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now