Chapter 19

264 27 22
                                    

I love Ulan but 'lan' is silent.
- Joe Castro   



Chapter 19: Ulan.

   Mabigat ang kalooban ko ng magising ako ngayong umaga. Kagabi binuhos ko lahat ng sakit at frustrations ko sa pag-iyak. Pagtingin ko sa salamin kanina ay medyo namamaga ang talukap ng mata ko.

Lumapit ako sa may bintana at binuksan iyon. Kumuha ako ng upuan at inilagay ito malapit don. Pagkatapos ay umupo ako at pinagmasdan ang kalangitan.

Makulimlim, mukhang uulan.

Hindi nga maganda ang panahon ngayon. Parang pakiramdam ko lang din, hindi rin maganda.

Bandang alas-nuwebe ng umaga, ng mapag-pasyahan kong lumabas na ng kwarto para mag almusal.

Pagkarating ko sa sala ay nakita ko si Rem na nakaupo sa sofa at nagse-cellphone. Napatingin siya sa gawi ko, kaya iniwas ko ang aking tingin sa kanya at dumiretso na sa kusina.

Okay lang naman siguro no?

May karapatan naman siguro akong magtampo, hindi ba?

Sa kalagitnaaan ng pagkain ko ay may umupo sa harap ko. Hindi ko na ito kailangang tingnan kasi alam kung si Rem iyon. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain.

"Joe" he coughed first before saying my name.

"Bakit?" sagot ko pero patuloy pa rin ako sa pagkain.

"Sorry Joe."

Uminom ako ng tubig at tinignan siya.

"Ba't ka nagso-sorry Jeremiah?"

"Galit nga." mahina niyang sabi kaya kumunot ang noo ko.

"I mean, sorry Joe. Kasi late ko na naalala. Sorry, I'm really sorry." nakayuko niyang sabi. Biglang tumulo ang luha ko ng nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. Pinahid ko iyon.

I cleared my throat first para mawala yung bara sa lalamunan ko.

"It's fine. Okay lang Rem. Alam ko namang................busy ka." sabi ko at niligpit na ang pinag-kainan ko.

"Jo------"

"Sige, babalik muna ako sa kwarto. Gusto ko pang magpahinga. Medyo masama kasi ang.................pakiramdam ko" sabi ko at nginitian siya.

"Talk to me fir------"

"Ge, bye." tipid kong sabi.




*****************




Nagising lamang ako dahil sa lamig ng kwarto. Nang makita ko ang bintana ay naalala kong hindi ko nga pala yun nasarado kanina. Linapitan ko iyon at nakitang umuulan na sa labas pero hindi na masyadong makulimlim.

Nagbihis ako damit at isinuot ang bestida kong pangbahay na lagpas tuhod.

Mga alas-dos ng lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala. Dala-dala ang cellphone at headphone ko.

Nasa sala pa rin si Rem at mukhang nagfe-facebook dahil sunod-sunod ang tunog ng notif niya. Umupo ako sa kanilang banda at nagconnect sa Wi-Fi. At inopen ang wattpad ko para mag-tingin kung may update na ba at mag-download ng bagong books.

Pagkatapos ko sa wattpad, ay nanood naman ako ng mga videos sa Tiktok kaya patawa-tawa ako. Si Rem naman napapansin kong paubo-ubo. Kaya di ko na napigilan ang sarili ko.

"Uminom ka na ba ng gamot?" tanong ko at nilingon siya.

"Huh? why would I?" kumunot ang noo ko sa sagot niya.

Be la mia Stella (Be my Star)Where stories live. Discover now