CHAPTER 13

620 4 0
                                    

CHAPTER 13

...continuation.

DEEJ'S POV

"saan tayo dadaan niyan?mukhang wala tayong lulusutan sa mga media ah?"nag-aalalang tanong ng pinsan kong si Khalil.

"doon sa likod ng bahay namin,doon tayo dumaan!"sabi ni Kath.

"pero sis,mataas yung fence dun baka mahulog lang tayo"--Cha.

"sige,kung gusto mo ikaw yung humarap sa kanila at dun kami dadaan?"tugon ni Kath na kanina pang nakayuko upang di siya makita ng media sa labas ng kotse.

"haist!tara na nga Deej.wala din naman akong magagawa" wika ni Cha na walang nagawa sa kapatid niya kaya agad ko namang iniatras ang kotse at humanap ng daan patungo sa likuran ng bahay nila.

At nang makarating na kami doon halus mapanganga si Cha sa ginawa ni Kath,umakyat siya sa puno ng mangga para lang makatawid sa likuran ng bahay nila.

"oh ano Cha,kaya mo ba?"tanong ko sa kanya na may halong pang-aasar.

"parang ang hirap gawin eh,pwede bang mauna na lang kayo?"tanong niya na halatang napipilitan.

"ikaw ang bahala"aakyat na sana ako sa puno pero bigla akong hinawakan ni Cha sa braso.

"wait!wait!alalayan nyo na lang muna ako please"pakiusap niya.

"sige na nga,di ka naman namin pwede iwanan dito mag-isa kasi baka kuyugin ka ng mga yun"sabi ko tapos agad ko siyang pinatungtong sa balikat ko para maabot ang sanga ng puno at pagkatapos nun ay dahan-dahan siyang bumaba sa loob ng bakuran nila.

Naiwan kaming dalawa ni Khalil pero bago pa niya mahawakan ang puno ay agad ko siyang himawakan sa balikat.

"Kha,ikaw muna ang bahala sa kanila."sabi ko.

"pero papaano ka?hindi mo ba sila sasamahan?"tanong ng pinsan ko na kanina pang nag-aalala sa'kin.hindi na kasi kami sa kanila nakatira ngayon dahil na rin sa kagustuhan ng tatay ko na ipakasal ako kay Bea pati yun naging dahilan para mapalayo ako kay Kath.

"kailangan ko lang tapusin ang gulong sinimulan ko brod."ilang segundo rin kaming nagkatitigan ni Khalil at niyakap niya ako.

"mag-iingat ka Deej,kung kailangan mo ng tulong tawagan mo lang ako."

"tama na nga yang arte mo,sige na kailangan ko nang umalis."agad niyang inalis ang pagkakayakap niya at tinapik ako sa balikat.binigyan ko na lang siya ng matipid na ngiti at sumakay na ako sa aking kotse.

FLASHBACK

...nagpatawag si daddy ng isang press conference dahil may mahalagang anunsyo daw siyang sasabihin.pero ang di ko maintindihan ay kung bakit kailangang kasama pa ako dito.

"Mr.Padilla,nabalitaan namin na magkakaroon ng merger ang Padilla Corporation at ang Vidanes Corporation?" tanong ng isang reporter.wala naman akong pakeaalam dun eh,bakit ba kasi ako nandito?

"yes,at may mga pagbabago ding magaganap kapag nagmerge ang companies namin ni Mr.Vidanes."well,matagal nang magkaibigan ang daddy ko at ang daddy ni Bea kaya patay na patay sa'kin si Bea nang ipakilala ako ng daddy ko kay Bea.malay ko bang ma-i-inlove ng ganun si Bea sa'kin eh magkalaro lang naman kami nung mga bata pa kami.

"pero may bali-balita daw na bago mangyari ang merger ay may kasalan munang magaganap?"isang tanong na nakapukaw sa aking atensyon. What?sinong ikakasal?don't tell me magpapakasal ulit si mommy at daddy?

"yes,at gusto kong ipakilala sa inyo ang anak kong si Daniel.ang magiging kabiyak ng anak ni Mr.Vidanes"isang nakakagulat na anunsyo ng aking ama.agad nagpalakpakan ang media ang iba kumukuha ng litrato.hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko at parang gusto kong magwala sa sinabi ng daddy ko.

"Daniel pwede ka ba naming mahingan ng pahayag tungkol sa kasal nyo ng anak ni Mr.Vidanes?"tanong ng isang reporter at inilapit sa'kin ang mic.ano bang dapat kong isagot eh wala naman akong alam dito.

Lumapit ako sa isang microphone tapos nagsalita.

"I'm sorry guys pero hindi ko alam kung anong isasagot ko sa inyo pero ito lang ang masasabi ko..." tumingin muna ako kay daddy na halatang masaya pero hindi niya alam kung anong nasa isip ko"...HINDI-AKO-MAGPAPAKASAL!" dugtong ko at muli kong tiningnan si daddy na halatang nadismaya at nagulat sa ginawa ko pero ilang segundo lang ay nagwalk-out na ako nagdrive ako pauwi at hindi lumabas ng kwarto ng ilang araw.at nabalitaan ko na lamang na may mga lumabas na mga litrato namin ni Kath na magkasama.hindi ko naisip na madadamay siya dito.

END OF FLASHBACK

dumating ako sa bahay at pumasok sa kwarto ko,inilabas ko ang maleta ko at nag-impake.

"yan ba ang igaganti mo sa'kin pagkatapos kitang palakihin!"sigaw sa'kin ni dad nang makita niya akong nag-iimpake ng gamit ko pero hindi ko lang siya pinakinggan at bagkus lumabas ako ng kwarto pagkatapos kong ayusin ang gamit ko.

"sige umalis ka at hindi na kita pamamanahan!sige Daniel umalis ka!"patuloy na pagsigaw ng daddy ko at nang makita ako ni mommy na papaalis ay pilit niya akong pinipigilan.

"Daniel please,huwag mong gawin 'to."pakiusap sa'kin ni mommy habang umiiyak kaya di ko na rin napigilan ang mga luha ko pero nanatili pa rin akong tahimik.at nang makalabas ako ng bahay namin isang sigaw ang narinig ko.

"HON!"sigaw ni mommy na may halong pag-iyak

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

.END OF CHAPTER.

DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon