CHAPTER 18

468 4 3
                                    

CHAPTER 18

...continuation.

DEEJ'S POV

nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha,unti-unti kong iminulat ang mata ko.pink na pader?teka!nasaan na ba ako bakit parang kwarto ng babae 'to.napabalikwas ako sa pagkakahiga at napansin kong wala akong T-shirt.@_@

"gising ka na pala"mula sa kaliwang bahagi ko ay lumabas ang isang babae na parang kasing edad ko lang,what the hell happen?!napatulala ako cause she's only wearing a towel around his chest... sh*t! may nangyari yata sa'min.

"I'm sorry,do I know you?"tanong ko kasi wala akong maalala na nakasama ko siya.

"you don't realy know my name?eh last night nga ang kulit mo kasi paulit-ulit mong tinatanong yan sa'kin?"she said while brushing her hair at the mirror at nakatingin siya sa'kin mula sa salamin habang kinakausap ako then humarap siya sa'kin sabay sabing"I'm Julia Montemayor,and you're here in my condo unit"tapos nag-smile siya.

"ahm,miss I don't think this is the right way to ask you this question but--"itutuloy ko pa sana yung sasabihin ko pero bigla na lamang may kumatok kaya dali-daling lumabas si Julia para buksan ang pinto at paglabukas napablikwas at napatayo sa kamang kinauupuan ko at nagtatakbo papalabasa ng condo unit hanggang sa makaabot ako sa lobby ay hinahabol pa rin nila ko but worst kinukunan ako ng ibang litrato,sh*t naalala kong wala nga pala akong suot pero buti na lang at nadala ko yung T-shirt ko kaya dali-dali ko itong sinuot hanggang sa makalabas ng lobby.

"saan na ako pupunta nito ngayon???"bulong ko sa sarili habang tumatakbo nang bigla na lamang may tumigil sa harapan ko na kotse.

"SAKAY!"wika ng babaeng nagdidrive ng kotse na bigla na lamang tumigil sa harapan ko.sa pagkagulat ko hindi ko na tinanong kung bakit siya naririto at napalundag na lamang ako papasok ng kotse tsaka niya pinaharurot ang takbo nito kaya ang media hindi na naman ako nahuli.

Habang nasa kotse napatingin ako sa katabi ko tapos nakita ko siyang nakangiti na parang pinipigilang tumawa at ganun na din ang naging reaksyon ko and then I can't help it at bigla na lang"--wahahahahaha!"hindi ko na napigilang mapatawa at pati siya nakitawa na rin.

"akala ko mamamatay na ako sa mga reporters na yun."sabi ko then she stop the car.

"eh bakit ka ba kasi nandun sa lugar na yun?"sabi niya sa'kin.

"hindi ko rin alam eh--teka?paano mo nalaman na nandun ako?"nagtataka kong tanong then bigla ulit siyang napatawa "oh?may nakakatawa ba?"nang itinanong ko iyon bigla ko namang naalala yung babae kanina sa condo.kakaiba ha?parang iisa lang sila ng mannerism kapag tumatawa.

"papaano ba namang hindi ako mapapatawa?eh sa condo ng pinsan ko pa ikaw napunta?"bigla akong napakapit sa kinauupuan ko sa mga narinig ko.

"no way!yung babaeng yun?pinsan mo?!"gulat kong tanong.

"haha.oo!pinsan ko si Julia Montemayor!" kaya pala ganun na lang yung reaksyon ko kapag nakikita ko si Julia eh naaalala ko si Kath."oh!bakit hindi ka makapagsalita?" tanong ko.

"wa-wala naman,nagulat lang ako"parang pinagpawisan ako ng malamig sa narinig ko.wews!

"she called me last night,may nakilala daw siyang cute guy sa bar and then gusto niya daw ipakilala sa'kin eh hindi ko naman akalain na ikaw pala yung tinutukoy niya"then suddenly napatahimik na lang ako at napaisip.ang gulo na ng buhay ko ah!

"oh natahimik ka na naman?"sabi ni Kath na 'di ko akalaing marunong palang magdrive.

"wala lang,dati kasi nung ikaw yung hinahabol ng media ako yung nagligtas sa'yo,tapos ngayon ikaw naman yung nagligtas sa'kin at hindi ko akalaing marunong ka palang magdrive?"sabi ko.

"matagal na akong marunong magdrive takot lang yung mommy ko na magdrive ako mag-isa"

"ganun ba?"napatameme na lang ako.parang mas magaling pa siya magdrive kesa sa'kin sa nakita ko kanina.pwede na nga siguro siya maging racer eh.

"so saan ka na ngayon?"tanong niya sa'kin.

"iwanan mo na lang ako diyan. mamamalimos na lang ako!"biro ko sa kanya.

"sira ulo ka talaga!hindi bagay sa'yo maging pulubi ano!"sabi niya.

"bakit?dahil ba sobrang gwapo ko?"tanong ko tapos humarap siya sa'kin at hinawakan ang kambyo--ng kotse niya!

"hindi 'no! Kasi sobrang yabang mo baka hindi ka nilabigyan ng limos!"tapos bigla na lamang siyang napatawa pero ako nakatitig lang sa kanya at pinagmamasdan ang napakaganda niyang ngiti.

"sana mahal mo rin ako..."bulong ko habang tumatawa siya kaya napatigil siya sa pagtawa.

"anong sabi mo?"gulat niyang tanong sa'kin pero patay malisya lang akong tumingin sa kanya.alam kong hindi niya narinig ang sinabi ko sa sobrang lakas ng pagtawa niya.

"wala--sabi ko saan mo ako balak dalhin?"tanong ko sabay tingin sa daan.

"ipapakulong kita..."tugon niya.

"saan,sa puso mo?"hindi ko alam kung anong nasa utak ko at iyon na lang ang lumabas na mga salita sa bibig ko.

"ang korni mo!huwag ka nang magtanong basta sumama ka na lang."sabi niya kaya napatahimik na lang ako pero nahuli ko siyang nakangiti.korni daw pero halata namang kinilig!

After a long ride nakarating kami sa isang subdivision tapos tinanong ko siya kung bakit kami nandun sa lugar na yun pero hindi pa rin siya sumasagot and then suddenly she stop the car sa harap ng isang two storey house which is looks like lalaki talaga yung nagdesign ng bahay dahil sa sobrang solid ng details nito.wow! kailan pa ako naging architect?haha.

Nakaupo pa ako sa shutgun seat nang tumambad sa harapan ko ang mukha ni Kath sabay sabing"bumaba ka kaya?!"pero agad naman siyang umalis tapos bumaba na ako ng kotse.

"nasaan na ba tayo?tsaka,kaninong bahay 'to?"tanong ko habang nakatingin pa rin sa structure ng bahay.

"daddy ko ang nagdesign nito?bahay namin 'to at pumupunta lang ako dito para linisin ang bahay na 'to"bigla kong naisip bakit hindi sila dito nakatira pero 'di ko na itinanong yun kasi baka may malalim siyang dahilan.

"eh bakit tayo nandito?"sa halip iyon na lamang ang naitanong ko.

"gusto mong makahanap ng ligtas na lugar?dito ka muna titira!"sabi niya at dire-diretsong pumasok ng bahay kaya wala na akong nagawa kung 'di ang sundan siya.

"pero Kath--" magsasalita pa sana ako pero bigla niyang tinakpan ang bibig ko.

"--bawal tumanggi!kung hindi mo 'to magawa sa sarili mo gawin mo 'to para sa'kin."nag-nod na lang ako sa mga sinabi niya.

"salamat Kath"sabi ko.

"you're welcome,magkaibigan tayo diba?kaya dapat magtulungan tayo"sabi niya pero di ko pa rin 'to matatanggap nang ganun na lamang.

"pero sana pumayag kang bayaran ko ang pagtira ko dito"sabi ko.

"uhm--sige na nga!kikita naman ako sa'yo eh"then she tap my head pero sa paghakbang niya paatras bigla siyang natumba at buti na lang at nasalo ko siya.nagkatitigan kami tapos magkalapit yung mukha namin at ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok na puso niya kahit yung paghinga niya.

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

END OF CHAPTER.

[A/N]:special participation lang po si Julia Barretto or "Julia Montemayor" :)

DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon