CHAPTER 1
DEEJ'S POV
"KAATTH!!!"yumakap ako kay Kath ng sobrang higpit.pero hindi siya nag-ha-hug back sa'kin,oo nga pala!ang tanga ko rin talaga minsan.bakit di ko naisip kaagad!sa panaginip nga lang pala kami magkakilala.bigla niya lang ako tinulak tapos tinitigan na parang di kilala.eh hindi niya nga pala ako kilala.
"ahm--sorry but,do I know you?"okay!hindi nga ako nagpunta sa states pero nag-eenglish naman si Kath.
"ah Kath!sorry ha--ganito lang talaga yung pinsan ko masyadong harsh minsan sa babae?"isang boses ng lalaki ang narinig ko habang kausap ko si Kath.wait!he looks familiar.
"sino ka naman?"tanong ko.
"don't you remember me Deej?"anong tawag niya sa'kin?Deej?isa lang naman yung tumatawag sa'kin nun ah.tama!si Khalil lang yung tumatatawag sa'kin nun ah.
"Kha!?ikaw nga!"si Khalil or Kha for short.step brother ni Julia and simula pagkabata namin close na kami.maagang naulila si Julia sa ama pero di niya pinigilan si tita na mag-asawa ulit kaya si Khalil yung naging step brother niya.
"oo--tagal na nating di nagkita ah!kamusta?"paano ko ba ikekwento sa kanya yung mga nangyari eh parang nakalimutan ko na lahat ng mga nangyari sa'kin nun dahil sa panaginip ko.
"okey naman! ikaw?"magsasalita pa sana si Khalil pero biglang nagsalita si Kath.
"ehem--hello! may tao po dito?"sabi ni Kath.
"ah!oo nga pala...Kath this is Daniel,Daniel this is Kath"pagpapakilala ni Khalil sa'min ni Kath.magkukunwari na lang akong di ko siya kilala para hindi maguluhan si Kath.
"ahm hi"shakehands kami tapos alam mo yun?pakiramdam ko nung hinawakan ko yung kamay niya biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.naramdaman ko na naman."alam mo you look familiar?"ako?familiar?ibig sabihin nakita na niya ako!wow!hindi ko na pala kailangang magpakilala kasi parang kilala na daw niya ako..
"baka kamukha ko yung ex boyfriend mo?"sabi ko.
"hahahahahaha!nagpapatawa ka ba?"huh?my nakakatawa ba sa sinabi ko parang wala naman ah?
"anong nakakatawa dun?"weird ha?parang ewan 'tong si Kath na nasa harap ko!si Kath ba talaga 'to?
"eh paanong hindi ako matatawa sa sinabi mo eh never pa kaya ako nagkakaboyfriend--tapos sabi mo kahawig mo ex ko?ahahahaha!nakakatawa talaga!"what?!never pa daw siya nagkakaboyfriend?
"ha?!sa ganda mong yan di ka pa nagkakaboyfriend?"bigla siyang natigilan sa sinabi ko tapos tiningnan ako ng seryoso.
"ewan ko sa'yo!diyan na nga kayo!"ouch!hampasin ba naman ako sa tiyan tapos sabay alis.problema nun?
"yan kasi,sinabihan mo ng maganda--nagalit tuloy"sabi ni Khalil.
"bakit?totoo naman ah?"
"ayaw kaya nun ng sinasabihan siya ng maganda!--kasi may pagkaboyish si Kath"oh no! si Kath?tomboy?NOOOOOOOOOOO!!!
"magiging babae din siya kapag naging kami"evil eye!wahahahaha!
"huwag mo na subukan bro! eh mas maton pa sa'yo yan eh!"sabi ni Khalil nung inakbayan niya ako.kahit kelan kontrabida talaga ang magkapatid na 'to sa buhay ko--aist! wala naman ako magagawa eh dito na kasi kami titira.
"kontra ka naman bro eh!sakyan mo na lang trip ko!--tara na nga!"inakbayan ko na din si Khalil at pumunta na kami sa bahay nila.pagkapasok namin ni Khali sa bahay nila,naabutan ko naman sina Kath at Cha na magkatabi sa couch nina Khalil.
"syet!Kath--ang gwapo naman niya Kath"narinig kong bulong ni Cha pero di ko na pinansin at lalayuan ko na lang siya kasi baka mangyari na naman yung nasa panaginip ko.
"hi Kath!"bati ko kay Kath pero death glare lang ang binigay niya sa akin.ouch naman!pero ok lang yan,lubus-lubusin mo na ang pagiging single mo Kath dahil mapapasakin ka rin at marerealize mo na ako si Daniel--ang lalaking mamahalin mo at magmamahal sa'yo hanggang sa huli.
_____________________________________________________________________________
.end of Chapter 1.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)
Teen FictionInakala niyang tapos na ang lahat.hanggang sa isang iglap nagising na lamang siya sa isang napakahabang panaginip at sa paggising niya isang panibagong pagsubok sa pagmamahalan nila ang sasalubungin niya.saan hahantong ang lahat pagkatapos magising...