CHAPTER 22

446 4 1
                                    

CHAPTER 22'

DEEJ'S POV

alas siyete ng umaga nagising ako ng isang tunog mula sa ibaba ng bahay,may nagdoor bell sa may gate kaya nagmamadali akong bumaba,sa loob-loob ko baka si Kath yun.pero bakit ang aga naman yata niyang dumating dito?may problema kaya?

Agad kong binuksan ang gate at tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha,gulat na gulat ako nang mga oras na iyon at di ko magawang maihakbang ang mga paa ko sa pamilyar na mukha na nakita ko,si Bea!papaano niya ako natunton dito?

"a-anong ginagawa mo dito?"sabi ko na halatang hindi handa sa nakita dahil sa sobrang pagkagulat.

"kamusta Daniel,did you missed me?"taas kilay niya akong tiningnan na parang sinisindak ako sa tayo niya.

"p-paano mo nalamang nandito ako?"lalo pa akong hindi nakagalaw nang makita ko kung sino ang nasa likuran niya.

"hi Daniel"bati sa'kin ng isa pang pamilyar na mukha na lumitaw mula sa likuran ni Bea.si Julia.

"a-anong ibig sabihin nito,akala ko ba pinsan ka ni Kath ha Julia?"naguguluhan kong tanong at para bang mababaliw ako sa mga nakikita ko.

"aww poor Daniel"pang-aasar ni Bea na"hindi mo ba alam?Julia and I are bestfriends kaya huwag kang magtaka kung bakit kami magkasama."

hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko at nakikita ko,pakiramdam ko gusto kong lamunin ako ng lupa sa sobrang kaba at takot na nararamdaman ko.how could they possibly do this?

Tumawa ako ng matipid"imposible 'to,Julia.papaano mo nagawa kay Kath ito?"napailing na lang ako.

"let's just say I'm giving a favor for my best friend,dahil hindi katulad ni Kath si Bea ang mas madaling lapitan kesa sa kanya"sabi niya at nagcross-arm sabay taas ng kilay.

Mukhang pera lang naman pala 'tong si Julia,sobrang tanga naman ni Bea para magpagamit siya.sabi ko na lang sa loob-loob ko.

"so Daniel,wether you like it or not sasama ka sa'kin"sabi naman ni Bea.

"no,hindi ako sasama sa'yo"pagtanggi ko.

Isasara ko na sana ang gate pero bigla na lamang may humawak sa likod ng pinto nito at nang tingnan ko kung sino yun laking gulat ko nang isang lalaking sobrang laki ng katawan ang nasa harap ko ngayon,sa tantya ko isang kamao lang nito ang tumama sa'kin at siguradong patay ako.

"sasama ka o masasaktan ka?"malagom na tugon ng lalaking mukhang bouncer sa bar sa laki ng katawan.

"HINDI!!!"pagtanggi ko ngunit bago pa man ako makaalis sa kinatatayuan ko ay agad niya akong hinawakan sa kanang kamay at tsaka hinila papalabas ng gate at hinawakan ang magkabila kong kamay at pinuwesto sa likod ko.pakiramdam ko para akong nakaposas sa likuran sa sobrang higpit ng hawak ng lalaki.

"a-ano ba?bitawan mo nga ako"pang-angal ko pero sa halip na pakinggan ako ay tumingin lang siya kay Bea at tumango.

"kung ayaw mong mahirapan Daniel,sumunod ka na lang"sabi ni Bea at muling tumango sa lalaki.

Bigla akong ipinasok sa isang van at hindi ko magawang magpumiglas dahil pagkapasok na pagkapasok sa'kin sa kotse isa pang lalaking mukhang bouncer sa laki ng katawan ang nakatabi sa'kin at tsaka pumasok ang lalaking humawak sa'kin sa braso ko.

Piniringan nila ko at itinali ang kamay pagkapasok ko ng loob ng kotse.

"teka!kidnapping 'to ah?kalagan nyo nga ako!"sigaw ko ngunit parang bingi lang sila hanggang sa mapiringan at matalian nila ako.

DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon