CHAPTER 17
...continuation.
"bakit mo ba gustong gawin sa'kin 'to Bea?!"bulalas ko sa mga narinig kong salita sa kanya.
"simply because I want you to be mine at gagawin ko lahat mapunta ka lang sa'kin"she grin at me na lalo kong kinainis dahil parang may mga binabalak siyang masama.
"hindi kita MAHAL!"tumaas ang boses ko tapos yung umigting yung kamao ko na parang gusto ko siyang suntukin pero hindi ko magawa dahil babae siya.
"at sinong mahal mo,yung Kath Bernardo na yun?wala kang mapapala sa kanya,ako ibibigay ko sa'yo lahat"lumapit siya sa'kin at hinawakan ang collar ng leather jacket ko and she's like teasing me.
"nababaliw ka na!"marahan ko siyang tinulak dahil naramdaman kong tatangkain niya akong halikan,wala akong nararamdamang kahit anumang pagmamahal sa kanya dahil sa simula't simula pa lang ay ayaw ko na sa kanya.
Naalala ko tuloy nung mga bata kami,palagi na lamang niya akong sinusundan saan man ako magpunta kaya madalas naiinis ako sa kanya dahil sobrang kulit niya at ngayon ay hindi pa rin niya ako tinitigilan na lalong nagpatindi ng galit ko sa kanya.
"oo,baliw ako sa pagmamahal ko sa'yo"muli niya sana akong hahalikan ngunit nakailag ako nang muntik na niya ilapit ang mukha niya sa akin.
"stop acting like that,grow up!hindi na tayo mga bata para maglaro pa nang habulan.huwag mo akong pahirapan at huwag mo ring pahirapan ang sarili mo Bea,hindi kita mahal.naintindihan mo.HINDI-KITA-MAHAL"lalo kong ipinamukha sa kanya kung ano ang ibig kong sabihin sa mga huli kong sinabi.
"don't dare me Mr.Padilla.you don't know who are you dealing with.hindi mo pa nga ako ganung kakilala,pero tandaan mo ito.no one can beat me at kahit anong gusto ko--"pinutol niya ang sasabihin niya at lumapit sa'kin tsaka humawak sa pisngi ko sabay sabing"--nakukuha ko..."and I saw her eyes with more eagerness pero di ako nagpatinag at tinabig ko ang kamay niya.
"umalis ka na bago pa may magawa ako sa'yong hindi mo magustuhan"sa pagkakataong yun hawak ko ang braso niya nang maigting at naramdaman niya ang galit ko dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko sa braso niya.
"aaw--"daing niya na parang naluluha na tapos sinabing"--Daniel,masakit ano ba?!"unti-unti kong niluwagan ang pagkakahawak ko sa kanya at nang bitawan ko siya hawak niya ang kamay niya habang dumadaing pa rin.
"umalis ka na..."pabulong kong pagkakasabi na nanlilisik ang mga matang nakatitig sa kanya.
"aalis ako,pero tandaan mo 'to,babalik ako"then she move out habang hawak pa rin ang kamay niya.
Unti-unting naglaho sa paningin ko si Bea at tumingin muli sa pinto ng room ni daddy ngunit bago ko ipinid ang pinto huminga muna ako ng malalim.
"you can do this Daniel"bulong ko sa sarili at unti-unting pinihit ang door-knob ng pinto at ang una kong nasilayan ay ang walang malay kong daddy habang hinihimas ni mommy ang ulo niya.
Unti-unti akong lumapit para hindi magambala ang sino mang nasa loob ng kwarto.
"mah..."mahina kong tinig at unti-unting lumingon si mommy mula sa direksyon ko at nang makita ko ang mukha niya ay nakita ko ang namumugto niyang mga mata na halatang galing lang sa iyak.
"mabuti naman at nagpakita ka pa.akala ko iniwan mo na kami"salubong na tugon sa'kin ni mommy.
"mah,alam ninyo namang hindi ko magagawa yun"
"but you did,nagawa mo na Daniel and now you dad is suffering because of your insensitive ego!"dinuro-duro niya ako at narealize ko na parang ako na lang ang nag-iisang tao sa mundo na walang kakampi at parang hindi nila ako anak.hindi ko alam kung bakit sa'kin pa kailangngang mangyari 'to ang gusto ko lang naman ay maging masaya pero parang ang pagkakataon na ang nagsasabing bawal aknng maging masaya.
"mom,sana maintindihan ninyo ako.may sarili akong buhay mah."nangingilid ang mga luha ko sa harap ng mommy ko.
"at yung buhay ng dad mo,naiintindihan mo ba?!"tumaas ang tono niya sa mga sinabi niya.
"pero mah--"naputol ang sasabihin ko nang magsalita si mommy.
"get out Daniel..."she said with her cold voice.
"mah--"lalapit sana ako sa kanya nang bigla siyang sumigaw.
"I said get out!!!"hindi na ako nakakilos dahil nakita ko ang galit ni mommy sa mga sinabi niya at ang tangi ko na lamang nagawa ay ang lumabas ng kwarto.
Hanggang sa paglabas ko naramdaman ko yung sakit na yung ina mo mismo ang nagtataboy sa'yo?napasandal ako sa pader at napatingala habang unti-unting bumababa ang likod ko hanggang sa mapaupo ako at mapayuko sa mga tuhod ko.hindi ko na napigilang bumuhos ang mga luha ko at lalong umigting ang kamao ko pero ilang saglit lang ay tumayo ako at inayos ang sarili.
Nandito ako sa bar at nagpapakalango sa alak na para bang wala nang bukas,gusto kong kalimutan ang problema ko kahit isang gabi lang kaya nagpunta ako dito,maya-maya lamang ay may lumapit sa'kin na babae at umupo sa tabi ko.nasa counters area lang ako kaya madali niya akong nakita
"hi handsome,new here?"she said with seductive voice at pinaikot ang baso ng tequilla at dahil nga lasing ako ay di ko siya masyadong makita pero maya-maya lamang ay nakita ko ang imahe ni Kath.pero may ibang mukha pa rin akong naaninag kapag pumupunta sa kanya ang ilaw kaya nasigurado ko na hindi si Kath ang babaeng nasa harapan ko ngayon.
"sorry miss, pero wala akong panahon makipagflirt"sabi ko tapos biglang bumusangot ang mukha nung babae.
"ang sungit mo naman, bakla ka siguro!"biglang nagpanting ang tenga ko sa narinig tapos bigla ko na lamang siyang nahalikan at hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari ang alam ko lang ay nawala ang mga problema ko ng gabing 'yon.
END OF CHAPTER
___________________________________________________________________________________
sorry for the long wait , mahirap po mag-update ng walang laman ang utak :))
![](https://img.wattpad.com/cover/1731323-288-k425991.jpg)
BINABASA MO ANG
DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)
Teen FictionInakala niyang tapos na ang lahat.hanggang sa isang iglap nagising na lamang siya sa isang napakahabang panaginip at sa paggising niya isang panibagong pagsubok sa pagmamahalan nila ang sasalubungin niya.saan hahantong ang lahat pagkatapos magising...