CHAPTER 5

1K 15 5
                                    

CHAPTER 5

KATH'S POV

mga six na nang gabi nang makauwi na kami ni Daniel ng bahay.

"so paano yan Kath,kita na lang tayo bukas?"sabi ni Daniel na basang-basa ng ulan.

"sige,bukas na lang ulit,uwi ka na--"sabi ko tapos tumalikod na siya at naglakad papasok ng bahay nila pero bago pa ako pumasok sa gate...

"ahm--Kath"napalingon ulit ako sa kinatatayuan ni Daniel.

"yes?may sasabihin ka pa?"

"ah wala naman,sige.good night!"sabi ni Daniel.

"good night din"napangiti naman ako dun.first time kasi may bumati sa'kin ng GOOD NIGHT na ganito ang nararamdaman ko.parang?kinikilig?ah ewan.

Pagpasok ko ng bahay sumalubong sa'kin ay si Cha nakahawak sa waist niya at nakataas ang isang kilay.hantaray ng kapatid ko ah.daig pa si mommy kung makatingin mukhang alam ko na ang unang tanong niya.

"bakit gabi ka na umuwi?"ang tipikal na tanong ni Cha kapag umuuwi ako ng gabi.

"ha?!ah--eh,inabot kasi ako ng ulan kanina eh!"leshe!bakit kailangan kong magpaliwanag sa kapatid kong ito eh mas matanda pa naman ako sa kanya.pero sabagay,hindi naman masamang magtanong.

"halata nga,basang-basa ka eh.tapos nakangiti ka pa nung makita kitang papasok ng gate"ohmagash! nakita yata ni Cha na magkasama kami ni Daniel.

"ah--wala!ang dami mong tanong!diyan ka na nga!"sabi ko sa kanya.hindi ko na lang siya pinansin at umakyat na lang ako ng kwarto.

"kasama mo si Daniel ano?"nagulat ako sa sumunod na sinabi ni Cha kaya napahinto ako sa pag-akyat sa kwarto.

"e-ewan ko sa'yo!"sigaw ko kay Cha then umakyat na ulit ako papasok ng kwarto at habang paakyat ako narinig ko yung tili niya na kinikilig.ah ewan,di ko na lang papansinin.

DEEJ'S POV

"hoi!"syet!si Khalil talaga,nag-eemot ako dito tapos bigla na lang se-segway ng panggugulat.

"ano ba?!nanggugulat ka naman eh!"sabi ko sa kontrabida kong pinsan.

"eh kasi para kang baliw diyan.kanina ka pang tulala tapos nakangiti,ano bang iniisip mo?"ang dakilang tsismoso kong pinsan.nang-usisa na naman.

"hindi ano?sino?"sana naman magets niya yung ibig kong sabihin.

"ah,mukhang alam ko na--si Kath"sabi niya habang naglalagay ng tubig sa baso.ewan ko ba kung bakit sa kusina ako napapunta pagkapasok ko ng bahay.pakiramdam ko kasi kanina lutang ako after namin mag-enjoy ni Kath sa ulan.

"ang galing mo talaga manghula.para kang si madam Auring. hahahaha"biro ko pero hindi siya tumawa,korni ba yung joke ko!?

"alam mo ang korni mo Deej,diyan ka na nga.BALIW!"sabi niya.iwanan ba ako?makapag-emote na nga lang ulit!

.sobrang saya ng araw ko ngayon ah.bukas kaya.sana ganun pa rin,umakyat na lang ako ng kwarto para magpalit ng damit at dahil nga may pasok bukas maaga akong nakatulog.

AT THE SCHOOL

"hi Kath"nakita ko si Kath na nakaupo sa isang bench pero yung mukha niya parang hindi niya ako gustong makita.ang ganda ng mood niya kagabi tapos bigla na lang magiging ganito?

"matanong nga kita Daniel,ano ba yung intention mo kung bakit ka nakikipagkaibigan sa'kin?"sabi niya.

"bakit?gusto ko lang talaga makipagkaibigan sa'yo,yun lang!"pero ang totoo kasi gusto ko siya.teka!kailan ba ako naging torpe? WAAHH!hindi pwede 'to.

"ganun ba?mabuti naman kung ganun kasi wala akong balak na magpaligaw"prangkahan lang?ouch!huhuhu.pero di pa rin ako susuko sa'yo Kath.magiging tayo din.

"ah--sus!yun lang pala eh,okay!"gusto ko na mamatay! T.T huhu.

"tayo na!"oh no!ayaw niya magpaligaw pero gusto niya maging kami agad.yun naman pala eh.wahahaha.

"ha?tayo na agad?!"

"sira!sabi ko tayo na sa classroom"syet!ang slow ko naman.kahiya tuloy.

Kasalukuyang nagkaklase si Mr.M,bakit Mr.M?kasi naman napakaMANYAKIS ng matandang 'to,subukan lang niyang manyakin si Kath makakatikim siya hindi lang mag-asawang suntok,kung di mag-anak na suntok wahaha!ang boring naman magturo ni Mr.M,tsk!nagtatap lang ako ng pen ko sa desk habang nagtuturo siya.pero naboring pa rin ako.

"Kath,may gagawin ka ba mamayang lunch?"bulong ko para hindi marinig ni Mr.M

"wala naman, bakit?"bulong din niya.at nagbulungan kaming dalawa.hahaha.

"pwede mo ba akong samahan?"another murmur from me.

"saan naman?"

"basta?sumama ka na lang?"

"eh saan nga kasi tayo pupunta?"ang kulit naman ayaw pa kasing pumayag.

"sumama ka na lang kasi,sige na...please..."bulong ko.sana naman pumayag na siya.

"oh sige na nga--" yes!sisiguraduhin kong mag-eenjoy siya sa pupuntahan namin.

"yes!basta mamaya ha?"sabi ko pero pabulong pa rin.

"e-ehem"woops!nakita ko si Mr.M na naka-cross-arms sa harapan ko.

"ah--eh.hehe,hi sir!"ayan na lumalabas na yung wrinkles niya sa noo.natatakot na talaga ako.naalala ko tuloy yung nabasa kong THE 13th FLOOR.

"Mr. Padilla!who is the Father of @*#/?" ha?sino daw?ano daw?

"si Pilosopo Tasyo sir!"ayan na!lumaki na naman yung butas ng ilong niya.tapos nagtawanan yung mga classmates ko.

"TAHIMEEEK!--Mr.Padilla!OUT!"BOOM!sabog agad,pero bago pa ako makalabas...

"Kath,mamaya ha?"bulong ko kay Kath.

"PADILLA!"sigaw ni Mr.M

"ito na nga sir,lalabas na--nanginginig pa"wala naman akong magagawa eh.hihintayin ko na lang makalabas si Kath at dadalhin ko siya sa lugar kung saan ko siya masosolo at magiging masaya siya sa piling ko.haha

_______________________________________________________________________________

.END OF CHAPTER 5.

DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon