PROLOGUE
KATH'S POV
Sa bawat paghakbang ng mga paa,bawat pagpasok ng mga tao sa mga pintuan at bawat paglabas ng mga to sa kanilang panitunguhan isa lang ang nakatawag sa aking pansin isang lalaking nakatalikod sa harap ko at nakaleather jacket na black.teka! nasaan ba ako?bakit ang daming taong naglalakad sa harapan ko at halos lahat sila ay nakaputi?at tsaka sino naman 'tong nasa harapan ko na nakaleather jacket na parang si Robin Padilla kung makatayo? nakatalikod lang siya sa akin at parang may hinihintay...ako kaya yun?nasa langit na ba ako...
"kuya?"lumapit ako dun sa lalaki.makakuya naman ako parang di kami magkasing-edad.haharap na siya!ayan na!ayan na!
*tooooot*
"GOOD MORNING SISTER!!!"syet!panaginip lang pala,akala ko totoo na.nagising na lang ako na hawak ni Cha yung alarm clock at nakatapat sa tenga ko.
"grabe ka manggising ha?ang ganda na ng panaginip ko eh"sabi ko habang kinukusot yung mata ko.ako nga pala si Kathryn Bernardo at yung gumising naman sa'kin,yan naman yung kapatid ko slash! kakambal slash! kadugtong ng bituka ko.eeew!bituka talaga!intestine na lang.
"eh ano ba yung napanaginipan mo--ay hindi!hindi!--I mean,sino yung napanaginipan mo?gwapo ba?"mapang-usisa kong kapatid.parang ewan,di ko nga nakita kung sino yung nasa panaginip ko tapos itatanong pa niya kung gwapo ba siya?haay...ewan!pero sino nga kaya yung lalaking nasa panaginip ko?gwapo kaya siya.sana maulit yung panaginip ko.CHOS!
"hindi ko nga nakita kung sino yung nasa panaginip ko kasi ginising mo kaagad ako!"andun na eh!malapit na!haharap na sa'kin yung lalaki bigla lang ako ginising ni Cha.
"ai ganun?--sayang naman!sorry..."sabi niya sabay nagpeace-sign(o.o)\/
"eh bakit ba kasi ginising mo ako?--ang aga-aga pa eh,tsaka sabado ngayon,walang pasok oh"ang sarap ng tulog ko kasi nga walang pasok tapos gigisingin ako.grabe naman!badtrip eh.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)
Teen FictionInakala niyang tapos na ang lahat.hanggang sa isang iglap nagising na lamang siya sa isang napakahabang panaginip at sa paggising niya isang panibagong pagsubok sa pagmamahalan nila ang sasalubungin niya.saan hahantong ang lahat pagkatapos magising...