CHAPTER 14
...continuation.
"HON!"nasa labas na ako ng bahay nang marinig ko ang malakas na sigaw ni mommy at sa sobrang pag-aalala muli akong bumalik sa loob ng bahay at tiningnan kung ano ang dahilan ng malakas na pagsigaw ni mommy.
"mah anong nangyari?!"tanong ko at nakita ko na lang si daddy na nakahandusay sa sahig at walang malay.
"Daniel,ang daddy mo inatake sa puso!",umiiyak na tugon ng mommy ko habang tinatapik niya ang mukha ni daddy at nagbabakasakaling magkamalay.
"YAYA!TUMAWAG KA NG AMBULANSYA!", sigaw ko sa maid namin at agad naman niyang sinunod ang utos ko."dad,gumising ka dad!"hindi ito pwedeng mangyari.bakit ngayon pa?!
Ilang minuto lang ay dumating na ang ambulansya sa bahay namin,tumulong ako sa pagdadala kay daddy sa ospital. Nang makarating kami sa ospital ay agad ipinasok si daddy sa emergency room at naiwan kaming dalawa ni mommy sa waiting area.kitang-kita ko sa mukha ni mommy ang pag-aalala kaya ang tangi ko na lang nagawa ay ang yakapin siya.
"don't worry mah,gagaling si daddy."bulong ko kay mommy pero bigla na lang niya akong itinulak at sinabing...
"kasalanan mo 'to,kung sinunod mo lang ang kagustuhan ng daddy mo hindi sana mangyayari 'to"nagulat ako sa mga sinabi sa'kin ni mommy na para bang hindi niya ako anak kung pagsalitaan niya ako nang ganun-ganun na lamang,"makinig ka Daniel,kapag may nangyaring masama sa daddy mo,hinding-hindi kita mapapatawad" dugtong ni mommy tsaka umalis.naiwan akong tulala at nanatiling gulat sa mga nangyayari.
Ilang oras din ang lumipas nang lumabas ang doktor sa emergency room,agad akong lumapit sa doktor"doc,kamusta yun daddy ko?"tanong ko.
"ikaw ba ang anak ni Mr.Padilla"I nodded to him bago siya muling nagsalita"your dad is fine"nakahinga ako sa sinabi ng doktor"nagkaroon lang siya ng cardiac arrest dahil sa sobrang stress kaya hangga't maaari huwag natin siyang papagurin o bibigyan problema",bigla akong napaisip sa sinabi ng doktor,dahil nga siguro sa pag-a-attempt ko na maglayas kaya nangyari ito.
"ganun po ba doc,salamat po."yun na lamang ang naging tugon ko.
"sige aalis muna ako,mamaya dadalhin na yung dad mo sa private admitting room"sabi niya at pagkatapos noo'y umalis na siya sa harap ko pero bago pa man siya makalayo ay nakasalubong niya ang mommy ko at nagkaroon sila ng masinsinang usapan dahil kitang-kita ko sa mukha ni mommy ang lungkot at pagkadismaya habang kausap siya ng doktor at makalipas lamang ang ilang minuto ay dinala na si dad sa isang kwarto.
"mom,can we talk?"I ask my mom to talk to me dahil kanina pa niya ako hindi kinakausap mula nang ipasok si daddy sa kwarto ng ospital na 'to.pero wala pa rin akong naririnig na tugon galing sa kanya."mah,kausapin mo naman ako oh,nahihirapn na ako eh",pagmamakaawa ko.
"kakausapin lang kita kapag nagising na ang daddy mo."malamig ang boses niya na halatang galit sa'kin kaya ang tangi ko na lamang nagawa ay umalis.
Nag-abang ako ng taxi sa labas at nang makapara ako ng taxi ay agad akong sumakay.
"sir,saan po tayo?"tanong ng driver.
"magdrive ka lang,akong bahala sa metro mo."tugon ko sa driver at tsaka niya muling pinatakbo ang taxi,diri-diretso lang siya sa pagdidrive habang ako naman ay tahimik na nakatingin sa labas.hindi ko alam ang gagawin ko o saan ako pupunta,alas dose na nang gabi at halos wala nang tao sa simbahan.maya-maya lamang ay napansin kong malakas ang ulan mula sa labas.
"kuya,dito na ako."sabi ko sa driver at iniabot ko ang isang libo.
"pero sir,malakas po ang ulan baka magkasakit kayo?"tugon ng driver.
"hindi ko kailangan ng pag-aalala mo kunin mo na ito at umalis ka na"agad naman niyang kinuha ang bayad ko at bumaba sa taxi.
Para akong naglalakad si kawalan habang patuloy pa rin ang malakas na pag-ulan.wala akong pakealam kung nasaan ako o anong lugar ang binabaan ko ang gusto ko lang ay maglabas ng sama ng loob mula sa malakas na ulan.
Tumingala ako at dinama ang patak ng ulan,kasabay noon ay ang pagpatak ng mga luga sa aking mata,sobrang nahihirapan ako ngayon.naiipit ako sa sitwasyon na hindi naman dapat mangyari at higit sa lahat bakit may mga taong dapat madamay sa sitwasyon ko.paano na sila?paano na si Kath na walang alam sa nangyayari?
"WAAAAH!!!"sumigaw ako ng sumigaw hanggang sa makakaya ko at nang mapagod ako ay nagpatuloy akong muli sa paglalakad.
Medyo nananakit na ang mga paa ko,nakaramdam na rin ako ng lamig at pagkahilo dahil sa malakas na patak ng ulan.basang-basa na ako ng ulan pero patuloy pa rin ako sa paglalakad at nang makaramdam ako ng pagod ay umupo ako sa gutter.
"wala kang kwentang anak Daniel",bulong ko sa sarili ko habang nakayuko at umiiyak.walang katao-tao sa paligid ko at tanging patak lang ng malakas na ulan ang naririnig ko hindi ko na rin magawang mailakad ang mga paa ko dahil nanghihina na ako sa ilang minutong paglalakad sa malakas na ulan.napansin kong tao mula sa harapan ko at nang tumingala ako"Daniel?"imahe ng babaeng nakapayong pero bago ako makatugon ay hinimatay na ako.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
.END OF CHAPTER.
BINABASA MO ANG
DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)
Подростковая литератураInakala niyang tapos na ang lahat.hanggang sa isang iglap nagising na lamang siya sa isang napakahabang panaginip at sa paggising niya isang panibagong pagsubok sa pagmamahalan nila ang sasalubungin niya.saan hahantong ang lahat pagkatapos magising...