CHAPTER 25

424 4 3
                                    

CHAPTER 25

...continuation.

"hi hon!"akmang yayakapin ako ni Bea pero agad kong iniwas ang sarili ko sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang kanyang kamay,tinitigan ko siya na parang tigreng galit na galit. Nagpupumiglas siya ngunit hindi niya magawang kumawala sa mga kamay ko.

"a-ano ba Daniel,na-nasasaktan ako."angal niya habang pinipilit niyang alisin ang kamay niya sa pagkakahawak ko.

"talagang masasaktan ka dahil sa ginawa mo! Bakit mo pinagbantaan ang buhay ni Kath,anong gusto mong palabasin, ha Bea?!"sa galit ko nagawa kong itulag siya dahilan para mapaupo siya sa couch na nasa likurang bahagi niya. Iniinda niya ang sakit na ginawa ko kaya napahawak siya sa braso niya doon sa bahaging hinawakan ko ng mahigpit.

"kung hindi ko gagawin 'yon, hindi ka niya lalayuan."bulong niya ngunit hindi niya magawang tumingin sa'kin marahil ay dala na rin ng takot.

"listen to me!"mabilis akong lumuhod sa parte kung saan siya nakayuko at tiningnan siya ng diretso bago muling nagsalita "pumayag na ako sa marriage na 'to kaya kung pwede lang lubayan mo na si Kath dahil kung hindi--"magsasalita pa sana ako pero bigla na lamang tumayo si Bea sa harapan ko at nagsisigaw.

"--kung hindi,ano?! Iiwan mo ako! Subukan mo lang Daniel and I will do everything para maging miserable ang buhay mo!" pagbabanta niya,sa ganitong sitwasyon kayang gawin ni Bea ang lahat ng kinatatakutan ko kaya kung sakaling iwan ko siya hindi lang ako ang mahihirapan, pati na rin ang mga taong minamahal ko lalung-lalo na si Kath at ayaw kong mangyari 'yon. Pero kailangan ko pa rin magpakita ng tapang at hindi magpasindak sa mga banta niya dahil kung hindi ako mismo ang lalamunin niya ng buo.

"look Bea! kung ayaw mong iwan kita, LUBAYAN MO SI KATH!" nilagyan ko ng emphasis ang huling katagang iniwan ko sa kanya at pagkatapos noon ay tinalikuran ko siya at naglakad papalabas sa silid kung saan kami naroroon.

"DANIEL! Bumalik ka dito!"sigaw niya ngunit hindi ko pinansin at nagdiri-diretso lang ako papunta sa pinto, eksaktong pagbukas ko ng pinto may bumungad sa'kin na dalawang katulong na tila nakikinig sa pag-uusap namin ni Bea sa loob.

"anong ginagawa 'nyo?"usisa ko sa dalawang tsismosang katulong nina Bea.

"a-ah,wa-wala po ser! Naglilinis lang po." palusot ng isang katulong na may hawak na basahan at kaagad pinunasan ang door knob,psh!daming pwedeng ipapalusot 'yon pang door knob ang ginamit. Napakawalang kwenta ng mga tao dito. Hindi ko na pinansin ang dalawang katulong dahil wala rin namang mangyayari kung sisitahin ko sila.

Naglakad lang ako patungo sa kotse ko sa labas ng bahay nina Bea. Eksaktong pagkapasok ko sa kotse ay siya namang paglabas ni Bea at mabilis na kinatok ako sa bintana ng kotse.

"DANIEL, Mag-usap tayo please!"pagmamakaawa niya ngunit umakto akong walang naririnig at agad na pinatakbo ang kotse ko.

Hindi pa 'man ako nakakalayo, nakita kong may kotseng sumusunod sa'kin at nakumpirmang ka Bea ang kotseng iyon. Kahit nasa gitna ako ng daan mabilis kong pinatakbo ang sasakyan ko kahit alam kong maraming sasakyan sa harapan ko. Hindi pa rin nawawala ang kotseng nasa likuran ko kaya humanap ako ng paraan para makatakas sa mga mata ni Bea.

*RIIING*

BEA'S CALLING...

I will never answer that call! Nagri-ring ang phone ko pero hindi ko na lang pinansin at nagfocus na lang sa daan. Sakto namang may nakita akong kanto kaya hindi ako nag-atubiling tumungo doon ngunit hindi pa rin ako nilubayan ni Bea hanggang sa pinabilis ko ang kotse ko at naghanap ng maliit na espasyo kung saan eksakto lang ang kotse ko para itago at hindi ako nabigo nakakita ako ng isang kanto at doon ikinubli ang sasakyan ko.

Hinintay kong makalagpas ang sasakyan ni Bea at nang makita kong nagdiri-diretso 'yon tsaka ako binuksan muli ang makina ng kotse ko at naghintay ng tamang tiyempo para makaalis sa kinaroroonan ko hanggang sa ilang minuto ang lumipas ay tuluyan na ngang nawala sa paningin ko ang kotse ni Bea. Doon ako nagkalakas ng loob na umalis hanggang sa makarating sa condo unit ko.

"good morning sir!!"bati sa akin ng receptionist sa lobby at isang matipid na ngiti lang ang itinugon ko sa kanya at dumiretso na lang sa patutunguhan ko.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala ako sa tapat ng pinto ng unit ko dahil kanina pa akong tulala habang papasok sa loob. Tahimik kong ipininid ang seradura ng pinto papasok sa loob at tinungo ang bintana, dahan-dahan kong niluwagan ang suot kong polo na parang ang mga butones nito mismo ang sumasakal sa'kin dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Tinungo ko ang lamesa kung saan may nakalagay ng alak at naglagay ng kaunti sa basong katabi nito, nilagok ko 'yon hanggang sa maubos ko ngunit hindi pa ako nakontento at muling naglagay ng alak sa baso, sa pagkakataong 'yon pinuno ko ito at uminom. Umupo ako sa sofa at kinuha ang remote ng T.V. para buksan ito, wala akong intensyong manuod ng kahit anong programa sa telebisyon kaya pinalipat-lipat ko ang chanel nito, gusto ko lang na may marinig akong ingay sa loob ng silid na ito at maibsan ang sakit na nararamdaman ko ngunit walang nangyari kahit anong gawin ko. Tumingala ako at inimpit ang mga labi ko, sinubukan kong pigilan ang luhang nais kumawala sa mga mata ko ngunit bigo ako, umagos ang likidong sa mata ko na ayaw kong lumabas. Hindi ko napigilan ang sarili kong umiyak, ipinatong ko ang dalawang siko ko sa magkabilang tuhod ko at tinakluban ang mga mata ko ngunit kahit ang palad ko ay naramdaman ang luhang pumapatak sa mga mata ko.

"ang duwag mong gago ka!"sigaw ko sa sarili ko habang sinusuntok ang dibdib ko, pakiramdam ko wala akong magawa para maipaglaban si Kath. Palagi akong nagpapadala sa takot at pagbabanta ni Bea, hindi ko na alam ang gagawin ko.

Buong magdamag akong umiyak hanggang sa namalayan ko na lang na nakatulog ako at isang pamilyar na boses ang gumising sa'kin.

"Daniel..."

boses ni Kath ba yung naririnig ko? Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko ang mukha ni Kath na malapit sa'kin.

"Kath?"nagtataka ako sa nakikita ko, unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa maglapat ang mga labi namin, napapikit ako dala ng sensasyong nararamdaman ko. Bumibilis ang tibok ng puso ko at ilang segundo ang lumipas hanggang sa inalis niya ang labi niya sa labi ko. Unti-unti kong iminulat muli ang mga mata ko pagkatapos ng halik na 'yon ngunit halos mapatayo ako sa nakita ko nang muli kong buksan ang mga mata ko, hindi na si Kath ang nasa harap ko kundi si...

"BEA?!"gulat kong tanong ngunit siya ay abot tenga ang ngiti sa'kin.

HINDI ITO TOTOO! HINDI PWEDENG MANGYARI 'TO.

____________________________________________________________________________

End of Chapter.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

DREAMING OF YOU(Twin Love BOOK2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon