CHAPTER 2.3 - Carlo

72 2 0
                                    

Aerith's POV

"Ehem. Ehem." Lumingon siya saakin. Sa wakas! Akala ko hindi niya na ako lilingunin eh.

"San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. Nginitian niya lang ako. Aish! Ayaw akong sagutin.

Naglakad pa kami. Ang gulo nitong lalaking 'to. Ang pandak pa. Whahaha! Totoo yun. Pandak talaga siya.

Huminto siya sa harap ng isang room. BPR yung nakalagay. Ano 'to? Ngayon ko lang ito nakita sa school ah. Binuksan niya yung pinto. Ang creepy! Wag niyong sabihing papasok kami dyan?

"Pasok ka." He said while smiling. Ay leche! Napapa-English ako. Nakakaloko kasi yung ngiti niya. Parang... parang...

"Rapist ka?!" Tanong ko. Umatras ako at nag-pose ng parang makikipagsuntukan. Hah! Anong akala niya saakin? Mahina? No, no, no way.

Tumawa siya. "Do I look like one?" O----kay, spoken in dollars siya. Nahiya naman yung 82 kong grade sa English.

"Pasok." Sabi niya. Sinuri ko yung loob nung room. Madilim kasi eh. Malay ko ba kung anong nasa loob niyan! Tsaka sabi ng Kuya ko, huwag sumasama basta-basta sa mga stranger.

"Safe ba dyan?"

"Tingin mo?"

"Hindi." Tumawa ulit siya. Bakit ba kasi siya yung nakasama ko? Masunurin nga siya. Nilibot niya ako eh. And here I am, nasa isang kwarto, na hindi ko alam na nag-eexist pala. Wow.

"Wala namang mangyayaring masama eh." Sabi niya. Wala daw so, pasok tayo.

Bago ako tuluyang pumasok sa pinto, huminto muna ako.

"Why?"

"Wag nalang kaya?"

Binuksan niya yung ilaw. One word to describe, WOW! Bahay na ata 'to eh. Pumasok ako at nilibot yung buong room. May entertainment set, sofa, kitchen, kwarto, banyo, at kung anu-ano pa. May ganito pala sa school? Bakit hindi ko alaaaaam? Itanong ko nga kay Kuya mamaya.

"Wait, I'll cook." Tumango nalang ako sa sinabi niya. Nakanganga parin ako because of amazement. Dito kaya siya nakatira? Pwede pala yung sariling dorm dito?

"Pwede bang manood?" Tanong ko sakanya.

"Feel free to do what you want." Nagningning ang aking mga mata sa sinabi niya. Lumundag ako at umupo sa sofa. Take note, crossed legs. Pero hindi ako nakikitaan. Duh, mahaba-haba kaya ang palda ko.

Binuksan ko yung t.v. at nanood. Anong oras na kaya? May laban ang Purefoods ng 4:30 eh.

Tumayo ako at lumapit doon sa pandak. Nagluluto ata siya ng spaghetti.

"Anong oras na?"

"2 PM."

"Aga pa pala. Sige dito lang ako ah?" Tsaka ako bumalik sa sofa at nanood. Booooooring -_-

Mga isang oras ang nakalipas bago bumalik si Pandy, short for Pandak. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya. Kaya nag-iimbento ako.

Nagserve siya saakin ng spaghetti. Mukhang masarap. Infairness ah, ang ganda ng plating.

Mayroon din siyang dala para sa sarili niya kaya sinabayan niya akong kumain.

"Wala naman sigurong poison 'to 'no?"

Ang galing kong magtanong. Malapit ko ng makalahati ang kinakain ko pero ngayon ko lang naisipan. At isa pa, muntik ng mairinan itong si Pandy.

"Tingin mo kakain ko 'to kung lalasunin kita?"

Oo nga ano. Pehehehe~ Sorry naman. Pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.

"Kanino nga pala ito bahay?"

Tapos na kaming kumain ngayon. Nanood nalang kami ng movie na Princess Diaries 2. Hindi siya bakla ah. Ako ang namili niyan dahil iyan lang ang hindi panlalaki.

"Bahay? No one lives here."

"Owww?"

Humarap ako sakanya. Uhh, kissing scene na kasi eh. Haha!

"Kung ganon, ano 'to? Para saan 'to?"

"For uhm, some purposes."

"Purposes ka dyan! Ano 'to, stock room?"

"No. This is just, just a private room."

My eyes widened. Did he say, private? What, what kind of private?

"Nagdadala ka ng mga babae dito?!" Napatayo ako. Sinasabi ko na nga ba hindi siya mapagkakatiwalaan!

Tumayo din siya. Dumampot ako ng kung anong madadampot at inamba sakanya. Pagtingin ko, yung remote lang. Pwede na 'to.

"Wag kang lalapit. Susungalngal ko sayo 'to."

Palapit siya ng palapit. Dumampot pa ako ng isa. Tinidor. Woah, galing. Maliligtas na ako.

"Hey, put that down. Wala naman akong masamang ginagawa ah."

"Rapist ka." Umaatras parin ako at patuloy parin siyang umaabante. Naman eh! Kabayaran ba ito sa naparaming kain ko ng spaghetti?

"This is not the private you are thinking. What I mean is, this room belongs to B.A.P--hey bitawan mo yan! Makakasakit ka e."

Dead end. Wall cornered na ako. Paktay na.

"Sigurado ka?"

Hinawakan niya yung tinidor at remote na nakatutok sakanya at kinuha iyon. "Yeah." sagot niya tsaka humarap palapit sa akin. Ang pangit naman tingnan! Magka-height lang kami. Hahahaha! Teka...

"Ano yung B.A.P.?!" Hinawakan ko ang leeg niya at akmang sasakalin siya. "Gang mo?! Aba't may mga kasabwat ka pa pala ah!" Sinakal ko na siya. Pero hindi naman nakakamatay. Yung tipong nagsu-sway lang yung ulo niya. Panakot ko lang 'to.

"Ano--baaaa! Take your hands off me!"

Nabitawan ko siya bigla. Nahiya naman ako. Masyado na ata akong FC (feeling close) sakanya.

Tumalikod ako sakanya. "Sorry." Sabi ko at kinuha yung bag ko sabay labas sa room.

Masyado lang naman akong nadala eh! Tsaka self-protection lang ginawa ko. Malay ko bang ayaw pala niya ng hinahawakan siya.

Aish, bakit ko nga ba siya iniisip? Erase!

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon