CHAPTER 1.5 - Ivy, Aerith, Veronica, & Sophia

145 8 1
                                    

Third Person's POV

Medyo maingay na sa loob ng 4Y-Building. Marami naring estudyante ang nasa loob kaya ganito.

Sa isang banda, mapapansin mo na may isang grupo ng mga babae na tawa ng tawa at parang may sariling mundo, na kapapasok lang ng building.

Sila ay sina Ivy, Sophia, Veronica, at Aerith. Pinapaalala ko lang, hindi sila baliw. Sadyang focus lang sila sa isa't-isa at walang pakealam sa iba.

"Veronica, naalala ko 'yung ginawa natin bago magvacation, hahaha, 'yung kay Alexis. Hahaha!" ani ni Ivy. Nagtawanan naman silang apat nang maalala ang sinabi ng nito.

"Oo! Hahaha, nasan na kaya 'yung Alexis na 'yun. Mamaya pagtripan ulit natin." sagot ni Veronica at sa pangalawang pagkakataon nagtawanan ulit sila.

Si Veronica, ang pinakamaloko sa lahat sakanila. She is a self-proclaimed Goddess. Napakarami niyang alam na biro at kalokohan.

Si Aerith, ang silent type sakanila. Hindi siya masyadong nagsasalita sa mga bagay-bagay at laging tulog. Siya 'yung tipo na kahit hindi nakakatawa o walang kwenta 'yung sinasabi, matatawa ka parin.

Si Ivy, ang pinakamadaldal. Napakalakas ng boses ng babaeng ito. Bestfriend niya si Sophia.

Si Sophia, ang tatahi-tahimik din na babae pero nasa loob an kalokohan. Kapag tiningnan mo, parang sobrang silent at innocent-type, pero nagkakamali ka.

Because they're very focused on they're topic about Alexis (na sana lang ay hindi matapilok o mabilaukan), hindi nila namalayan na may mga lalaking nakatayo sa harap nila.

Nabunggo nila ito. Pero dahil masyado talaga silang nadala sa pag-uusap about sa pambu-bully nila sa kawawang si Alexis, hindi nila ito pinansin.

Hindi iyon pinansin ng mga babae kasi busy sila sa isa't-isa. Hindi sila nauubusan ng kwento.

Mukhang nainis naman 'yung mga lalaki sa inasal ng mga babae. Usually kasi, ang mga babae ang nananadyang banggain sila, madikit lang sakanila or para mapansin sila. Sabi nga ni Paolo ng Eat Bulaga, IBA 'TO.

Sila nga pala ay miyembro ng B.A.P. Sila Gabriel, Nathan, Chan Yeol, at Xander. OA na kung OA, pero hindi tlaga sila makapaniwala na hindi isla pinansin nu'ng mga babae. Ni tingnan sila, hindi nagawa.

Humarap ang mga lalaki sa mga babae na kasaukuyang naglalakad ngayon at siyempre, nagtatawanan. Hindi pa sila nakakalayo.

"Hoy!" sigaw ni Nathan. Hindi lumingon ang mga babae. Paano naman kasi llingon kung hoy ang tinawag ni Nathan. E kahit sino pwedeng lumingon doon e.

"Kayo! Babaeng may white, pink, red, at yellow na bag!" sigaw din ni Chan Yeol. Napahinto naman ang mga babae kasi alam nilang sila na ang tinatawag ng mga ito. Mabuti pa si Chan Yeol specific. Ganun ang tamang pagtawag.

Lumapit ang mga lalaki sakanila.

"Anong kelangan niyo?" tanong ni Veronica.

"Bakit niyo kami binunggo?" tanong din ni Chan Yeol. Nagtaka ang mga babae. Hindi nila alam na may nabunggo pala sila.

"Hindi namin alam ang sinasabi niyo." Kalmadong sabi ni Aerith. Uminit ang ulo ni Chan Yeol at Nathan. Si Gabriel at Xander, cool lang. Hindi naman sobrang big deal sakanila iyon.

"Niloloko niyo ba kami? Binunggo niyo kami tapos hindi naman kayo nagsorry!"

"Hindi nga namin alam na may nabunggo kami. Kung sorry ang gusto mo, edi fine! Sorry! Happy?!" Sigaw ni Ivy with her Oh-So-Loud-Voice. Hays.

"Aba at sumasagot ka pa! Hindi niyo alam kung sino binabangga niyo!" High-blood na si Nathan. Nagtawanan ang mga babae at nagbulungan.

"Eh sino ba kayo? Yayabang!" sabi ni Sophia. Nagulat nanaman ang mga lalaki. "Kami hindi kilala? Lalo pa ng mga babae? Bago ito." sa isip ng mga lalaki.

Mukha namang napahiya ang mga miyembro ng B.A.P. at nainip na ang mga babae kaya tumalikod na sila.

"Sino ba 'yung mga 'yun? Panira sila ng umaga ah!" sabi ni Veronica habang naglalakad sila.

"Hindi natin alam at wala tayong pakialam." sagot ni Aerith.

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon