CHAPTER 1.3 - Jasmin & Alexis

184 13 5
                                    

Jasmin's POV

Time check - 6:35 am.

Haaaayy! Anung oras na pero wala parin si Alexis! Arrrggh patay talaga sakin yun pagdating niya. 7 am pa naman ang time namin pero para sakin male-late na. Ayokong pinaghihintay ako eh!

Eto ako nakatayo sa gilid ng gate ng school. Bakit? Siyempre hinihintay ang makupad na si Alexis. Tch.

Nakatititg ako sa phone ko, hoping na makakatanggap ng reply mula sakanya. Fifteen minutes na ang nakakaraan mula ng mahreply siya sa'kin ng "OTW na." Grabe, anong way kaya ang ginamit niya?

Sinend ko ulit 'yung message ko, asking kung nasaan na siya. At hindi ako nakuntento sa isa. Paste ako ng paste at send ng send. Hindi ko siya titigilan.

*poke*

*poke*

*poke*

"Anu ba?! Teka lang!" sagot ko, continuing what I am doing.

*poke*

*poke*

"Arrgh sabing tek---"

"Nandito na ako." Sabi ng isang familiar voice.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"O, bakit ang sama ng tingin mo? Smile! First day ngayon o. Gayahin mo ako, para gumanda ka r--awwww! Bitawan mo ako! 'Wag mo akong--awww!"

"Say Lex, tingin mo bakit hindi ako nakangiti?"

"Kasi.....aaaaah! Bitawan mo na ako please? Maaga pa nam--aaah! Maawa ka na!"

So I did. Naglakad na ako papasok sa school.

"Ang sakit mo talaga mangurot. Namumula na 'yung braso ko."

"Sino bang may kasalanan?"

"Maaga pa nga kasi."

"Palibhasa, ganitong oras 'yung totoong gising mo!"

"S'yempre, excited na akong makapasok sa 4YB no! Hindi ako makuntento sa mga kwento ni Kuya e."

With that, nakaisip ako ng magandang idea.

"Hoy, Jasmin! Ba't ka didiretso? Eto 'yung way papuntang 4YB e!"

"Alam ko."

"O, aano ka dyan?"

"Sabi mo kasi, excited ka na makapasok sa 4YB. Kaya naisip kong, du'n muna tayo sa garden."

Hinila ko na siya. Nagpumiglas pa siya, pero nanahimik din pagtapos kong sabihin na kukurutin ko ulit siya 'pag hindi siya sumunod.

"Good dog." Sabi ko. Nakaupo kami sa isang bench ngayon.

"Balik na kasi tayo doon!"

"Dito muna tayo. Makikita mo rin 'yun mamaya." Nanahimik na siya.

Ang peaceful pala dito sa garden. Hindi naman kasi ako nagtatagal dito. Ang sarap ng hangin, ang tahimik pa.

"KUYA PATRICK! SIGEE NA PLEEEASE? ISANG PICTURE LANG PO!"

"OO NGA POOO! KUYAA CARLOO~ PUMAYAG NA KAYOOO!"

Okay, binabawi ko na ang sinabi kong peaceful ito.

"Sino ba 'yun?" tanong ko. Nag-shrug lang siya.

"Tara tingnan natin!" sabay hila ko sakanya papalapit du'n sa may nagsisigawan.

"Last na 'to." Sabi ng isang lalaki. Nakalapit na kami. Isang kumpol lang pala ng mga babae na may pinagkakaguluhang dalawang lalaki.

"Ate, picturan mo naman kami o!" Inabot sa'kin ng isang babae 'yung cellphone niya.

"Ate, ready na kami!"

Ako? Photographer nila? Psh,

"Game, 1 2 3!" Sabi ko. Nagtilian naman 'yung mga babae pagkatapos. Hinablot pa nu'ng isang babae sa'kin 'yung cellphone bigla. Nagtatakbo na sila paalis. Hindi manlang nag-thank you.

"Buti pumayag kang picturan sila?" Tanong ni Alexis sa'kin.

"Wala lang." Sagot ko. Pero sa totoo lang, nagdidiwang talaga ako.

Hindi ko naman kasi talaga sila pinicturan. Joke ko lang 'yung pagbibilang ko kanina. Kaya, wala talaga silang picture. Akala nila sa'kin.

"Pasensiya na sa inasal nu'ng mga babae. Ako na humihingi ng thank you sa pag-pipicture mo." Sabi ng isang lalaki, na kanina 'yung tinitilian ng mga babae.

"Di mo naman kelangan sabihin 'án. Hindi ko naman talaga kayo pinicturan." 'Yan ang nasa isip ko na sasabihin ko kaso di ko ginawa. Ngumiti lang ako ng pilit tsaka tumalikod sakanila.

"Tara na Alexis."

"Wait!" Hinawakan ng isang lalaki 'yung braso ko. Tinitigan ko 'yun ng masama kaya bumitaw siya.

"Kami 'yung nakokonsensiya sa ginawa nu'ng mga babae kanina. Kaya in return, gusto niyong magpa-picture din samin?" Sabi nu'ng isa pang lalaki.

"Nagpapatawa ba kayo? Halika na Lex."

Hindi gumalaw si Alexis.

"Wait Miss! Ayaw mo talaga 'yung picture?" Ano bang picture pinagsasasabi nito?

"Ang kulit mo ah! Mukha ba akong interesado?"

Hindi na sumagot 'yung lalaki. Bumulong pa siya ng "Sungit." Akala niya ata di ko narinig 'yun.

"Tara na kasi Lex."

Hahawakan ko palang sana siya kaso, "Kilala ko na! Ikaw si Carlo!"

"Pa'no mo ako nakilala?"

Naguluhan kaming tatlo sa sinabi ni Alexis.

"Naaalala mo pa ako? Ako si Alexis! 'Yung kalaro mo dati."

"Joyce? Ikaw na ba 'yan?"

"Ako na nga! Kelan ka pa nakabalik?"

I rolled my eyes. So, nagkaroon pa ng instant reunion ngayon?

Aalis na sana ako nang, "Teka lang Miss." Sabi nu'ng isa pang lalaki. 'Yung kasama nu'ng Carlo.

"Hindi nga ako interesado sa picture." Sabi ko. Natawa siya.

"Sayang naunahan mo ako. Tatanungin pa sana kita ulit kung gusto mo na ngayon."

"Wala kang sense." Sabi ko.

"Hindi mo ba ako kilala?"

"Ano bang klaseng tanong 'yan?"

"Ako si Patrick." Nilahad niya 'yung isang kamay niya para makipagkamay.

Inextend ko 'yung kamay ko.  "I..." tapos tinabig ko 'yung kamay niya palayo. "...don't care."

Naglakad na ako, ulit. Sumigaw pa siya ng, "Ang sungit mo talaga!" Pero hindi ko na pinansin.

Bwisit.

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon