CHAPTER 8

32 2 0
                                    

Farah's POV

Pagbaba ko sa kotse namin, medyo nailang ako dahil all eyes are on me. Ano ba 'yan. Kahit hindi school days, pinagtitinginan parin ako.

Sabay-sabay kaming pumasok nila Mommy sa simbahan. Umupo kami sa may bandang gitna. Nakita ko 'yung mga kaklase ko, na magkakatabi sa isang pew, pero hindi na ako nakitabi sakanila dahil baka ano pang sabihin nila saakin at magka-issue nanaman ako. Nakakasawa na.

Hindi pa nag-uumpisa 'yung misa, kaya pinagmasdan ko 'yung mga tao sa simbahan. May couple sa harap namin. Nag-uusap sila at nagtatawanan. Hindi naman kagandahan 'yung babae. In fact, ang pangit ng ilong niya (nakita ko nung tumagilid siya para harapin 'yung boyfriend niya). Napaisip tuloy ako kung bakit niligawan siya nung lalaki at naging sila. I mean, may itsura 'yung lalaki. Ang daming babaeng maganda diyan pero bakit 'yun pa ang napili niya? Tss, walang taste.

May isang babae naman sa tabi nila na nakasuot ng isang blue dress na above the knee. Mahaba na medyo wavy 'yung hair niya. Just like the other girl, hindi din siya kagandahan. I accidentally saw her fair white legs, may mga peklat. Hindi naman ito super visible pero ang pangit tingnan. Sana hindi nalang siya nagsuot nun. Ako 'yung nahihiya para sakanya.

*kriiiiing*

Tumunog 'yung bell kaya tumayo na kaming lahat. Tumalikod ako para humarap sa pari, na kapapasok lang, pero naalis din agad ang tingin ko nang may nakita akong lalaki na tumabi saakin. Nung makatapat na namin 'yung pari, nagbow ako at humarap sa altar. Medyo sumusulyap ako sa katabi ko, dahil ang gwapo niya talaga.

Maya-maya,

I felt disappointed nung lumipat siya sa pew na nasa harap ko (tabi ni peklat-girl), dahil mas maluwag ang pwesto doon, hindi gaya dito saamin.

And the mass started.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

The Guy Beside The Peklat-Girl's POV

Akala ko mas kumportable dito sa pwesto ko ngayon dahil mas maluwag. Mali pala.

Ang init dito, pinagpapawisan ang ako. Mayroon pang poop ng ibon sa dulo ng pew (tabi ko). Mas maayos pala dun sa kanina. Kaya siguro walang umuupo dito. Lilipat ako. Babalik ako du'n sa tabi ng babae sa likod ko. Lilipat ako bago basahin ni Father 'yung gospel.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Farah's POV

Kanina ko pang tinitingnan 'yung lalaking kaninang nasa tabi ko. He doesn't seem to be comfortable. Lumilinga-linga siya at nahihilo ako doon. Maybe he already saw the peklats on the girl beside him. That's a big turn off. Akala niya siguro, jackpot siya.

Tumayo na kami dahil tapos ng basahin 'yung ikalawang pagbasa, gospel reading na. At nagulat ako, nung biglang tumabi ulit saakin 'yung lalaki. Maybe he realized na mas okay akong katabi kesa doon sa babaeng 'yun.

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

*AFTER THE MASS*

Nakasakay na kami sa kotse, on our way to a restaurant. Family day namin 'pag Sunday. Magsisimba kami, then dinner after. Mabuti nalang at hindi masyadong workaholic ang parents ko. Hindi sila nagkukulang sa time sa aming magkapatid.

Naalala ko naman 'yung lalaki kanina. Tahimik siya pero cool. Sumasabay siya sa mga response pero hindi siya kumakanta. Ako nga medyo nilalakas ko pa 'yung pagkanta ko para marinig niya. Sabi kasi sakin, maganda daw 'yung boses ko. Siguro, turn on siya saakin nu'n.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 16, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon