Alexis' POV
Takboooooo!
Takboooooo!
Malapit na, malapit na.
And when I reached the gate,
"Handbook?"
Boom! Late na ako. Kainis! Tinapos ko pa kasi yung last episode ng Kimi Ni Todoke kagabi eh. Ayun tinanghali ako ng gising kanina. Hindi na nga ako nag-almusal pero late parin ako.
Iniabot ko sa guard yung handbook ko. Pinirmahan niya, ngumiti sakin, at iniabot yun. Kilalang-kilala na talaga niya ako. Since first year, ang dalas kong ma-late. Sanay na si Manong Guard saakin.
Tiningnan ko yung Tardiness page ng handbook ko. Second day palang may pirma na. Haha, great start.
Hindi na ako nagmadali pa sa paglalakad. Late narin ako, so bakit hindi pa sulitin diba? Tsaka baka mapag-share pa ako sa gospel reading.
"Alexiiiiiiiiiis." Mahina pero mahabang tawag saakin. I looked back. Si Therese pala. Classmate ko siya at kahapon naging close friend. Well, not literally. FC lang talaga ako, inaamin ko.
Sabay kaming naglakad papunta sa room. Pagpasok namin, tahimik silang lahat. Malamang Alexis, gospel reading yun. Alangan naman mag-ingay diba?
Pinapasok na kami ni Ma'am Kara. Buti nalang tapos na siya, hindi kami napag-share. Dumiretso ako sa seat ko kung saan katabi si Jaahzel.
Bumulong siya saakin. "Naks! Magandang panimula yan Lex! Nararamdaman kong ten lang."
"Anung ten? Ang late ko? Ganda namang pangitain, parang ako."
One more thing about me, mapagmaganda ako. Yes, I admit it. Baka kasi sa susunod, hindi niyo na ma-take ang mga sinasabi ko. So, be forwarned.
"Baliw! Ten ang maaga mong pasok! The rest, late na. Oh diba, ang galing at ganda ko!"
Nagkunwari akong nasamid. Ano ba itong mga sinasabi niya.
"Are you crazy?" Tanong ko with matching British accent pa.
"No, I'm pretty and sexy!" Saka siya kumindat. Eww.
Lumingon ako sa likod at tinawag si Sophia. Patay kang Jaahzel ka. *evil laugh*
"Sophia! Si Jaahzel oh! Pretty at sexy daw siya!" Sumbong ko. Nanlaki ang mga mata niya. Kinulbit ko naman si Jaahzel at pinalingon. Tinuro ko si Sophia.
Nag-umpisa na akong tumawa. Huli nanaman siya.
"Ay bakit ganyan tingin teh?" Tanong ni Jaahzel kay Sophia.
"Ikaw. Humanda ka mamaya." Tsaka siya dinuro-duro. Serves her right! Tinatalo niya ang ganda ko eh.
"Uy Alexis! Bakit ako ginanun ni Sophia? May sinabi ka sakanya neh?!"
Tumawa lang ako. Wala akong alaaaaaam~
"Bye class."
Ay, nagpaalam na pala si Ma'am Kara. Umupo ako ng maayos. Ayan na eh, Physics na.
Pagpasok ni Ma'am, agad akong tumayo. Ayoko ngang mapag-lead ng prayer.
Pagkatapos naming magdasal, nag-start na siyang mag-discuss. Ako ay nakatitig sa teacher buong discussion. Ang saya. Wala namang pumasok sa utak ko.
Natapos ang second subject. Ganun parin, wala parin akong naintindihan. Bakit ganun? Nakikinig naman ako?
Recess.
Inayos ko ang gamit ko at kumuha ng pera. Gutom na gutom na ako.
"Hoy Alexis!" Pagtawag sakin ni Sophia nang may hampas pa.
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Love Stories
Teen Fiction[Former When Exo Enter Your World] Group story. Come with me. Let's find the story out.