CHAPTER 1.1 - Apple

282 16 7
                                    

Chapter 1

Apple's POV

Kabababa ko lang sa kotse. First day of school ngayon, at papasuk na ako sa campus.

"Apple, 'yung mga bilin ko sa'yo. Hindi na kita mababantayan." There he goes again. Ang aking One and Only Kuya.

"Yeah." I answered.

"I'll pick you up after your class. I know your schedule. Pag hindi kita nasundo, hintayin mo si Manong Jun." Uh-huh. Tuwing first day nalang.

"I got it. I'm not a child anymore."

Nilampasan ko siya. Naglakad ako ng mabilis para makarating agad sa building ng mga fourth years at makita kung saan ang room ko at kung anong sectin ako. Dumiretso sa may bulletin kaso maraming tao, hindi ako makasingit.

"Wait here." Sabi niya tapos tinulak ako ng mahina palayo doon sa crowd. Hindi ko namalayan na nakasunod pa pala siya sakin. Siya yung nakipagsiksikan sa mga tao. Wait, mali. Hindi pala siya nakipagsiksikan. Kusang humawi yung mga estudyante. Ugh, his walang-kupas-popularity again. Naririnig ko pang nagtitilian 'yung mga babae. Jusko.

Maya-maya, pabalik na si Kuya. "Apple, section A ka---hey!" Hindi na niya natuloy 'yung sasabihin niya kasi may biglang humila saakin.

Dahil sa tinatamad akong magsalita, nagpahila nalang ako. Baka importante ang sasabihin niya. Ang problema nga lang, hindi ko siya kilala.

Natigil kami sa garden sa tapat ng 4Y-Builing (Building ng Fourth Years).

"Wait, who are you? What are you doing here?" Bungad niya, pagharap saakin. Agad niyang binitawan 'yung kamay ko. Medyo malakas nga 'yung pagkakabitaw niya kaya masakit. Ouch, 'yung buto ko.

"I said, anong ginagawa mo dito?"

"Dinala mo ako dito." I answered. Tumingin siya sa kanan at kaliwa, harap at likod niya. Nilapit niya bigla 'yung mukha niya sa mukha ko kaya napaatras ako.

"Apple?" Tanong niy. Pa'no niya ako nakilala? Hindi naman ako sikat sa school.

"Sorry, wrong hand." Sabi niya pa ulit. Sa panahong ito, umakyat 'yung dugo ko sa ulo ko. Pinagti-tripan ata niya ako.

Tumalikod na ako sakanya dahil mukhang may tama siya sa ulo at madamay pa ako. Kaso ang bwisit, hinawakan ulit 'yung kamay ko.

"Ako si Jarred." Sabi niya. Hinigit ko na 'yung kamay ko tsaka nagtatakbo palayo sakanya.

Pabalik na ako sa 4Y-Building nang makiita ko si Kuya Andrei, na kausap si Kuya Ariz (Kuya ni Aerith, one of his 'DUDE' noong High School pa siya). Nandoon sila sa dulo ng hagdan. Parang ayoko na tuloy umakyat.

Pero no choice ako kundi umakyat parin. Building namin 'yun e. Alangan naman hindi ako pumasok ng first day.

Palapit ako ng palapit sakanila kaya nao-overhear ko na 'yung pinag-uusapan nila.

"Yeah, see you later. Hinatid ko lang si Andrea." He said seriously. Uh-oh, Andrea daw. Nagalit ata saakin.

"Kuya, mauna na ako! Malapit na mag-time. I'll wait for you after class, bye! Hi Kuya Ariz!" Singit ko tapos kumaripas na ng takbo. Mahirap na, baka maabutan pa ako. Narinig ko pa si Kuya na sumigaw ng "Apple Andrea!" Ipapalinag ko nalang sakanya mamaya. Kasalanan kasi 'to nung lalaki kanina e.

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon