CHAPTER 5

42 2 0
                                    

Aerith's POV

Monday.

My most hated day. Kailangan ko nanamang pumasok sa school. Nakakatamad lang talaga.

Maaga akong nagising kaya maaga din akong nakapasok sa school. Habang naglalakad ako sa hallway, nakasalubong ko si Storm, yung taong pinaka-kinabubwisitan ko.

"Good morning Aerith." Bati niya saakin. Lalampasan ko lang sana siya kaso hinarang niya ako.

"Ayaw mo parin bang pumayag?"

"Ayoko, please lang."

Nagpatuloy na ako sa paglalakad.

"Payagan mo na kasi akong manligaw!" Rinig kong sigaw niya pero hindi ko pinansin. Walang sawa.

Pagpasok ko sa room, konti palang yung tao. Binati ako ng "good morning" nung iba at ngumiti ako in response. Umupo ako sa seat ko na pinakadulo, dahil iyon ang gusto kong pwesto.

Tahimik lang akong nakaupo habang nakatitig sa blackboard.

Badtrip na ang araw ko dahil kay Storm. Bagay na bagay sakanya yung pangalan niya, naninira ng buhay ng tao.

Matagal nang ganon ang set-up naming dalawa. Kapag nakikita niya ako, lagi niya akong tinatanong kung pwede bang manligaw, lagi din namang "ayoko" ang sagot ko. Wala kasi akong panahon sa mga love-love na yan at lalong wala akong panahon sakanya. Kung yung lessons nga namin ang hirap intindihin, lovelife pa kaya.

"Good morning Aerith." Bati ng papalapit na si Sophia saakin.

"Morning."

Umupo siya sa tabi ko. Ipinagpatuloy ko naman ang pagtitig sa blackboard.

"Si Storm ulet 'no?" Sabi niya.

"Huh?"

"Siya ang dahilan kung bakit wala ka sa mood ngayon."

"Pano mo nalaman?"

"Nakasalubong ko siya sa hallway. Ibigay ko daw sayo 'to dahil inisnob mo daw siya."

Iniabot niya sakin ang isang sobre. Mukhang sulat nanaman ito. Pinilas ko ito sa gitna tsaka binukas yung bintana at tinapon doon. Natawa naman si Sophia saakin.

.

Lumipas ang oras at di ko namalayang uwian na pala. Ang galing. Tulala nanaman ako sa klase. Mabuti nalang na-set ko na yung paningin ko sa blackboard mula nung umaga kaya hindi halatang hindi ako nakikinig. Patay lang talaga ako neto kapag nagquiz o recitation kami.

Pagbaba ko ng tricycle, may van sa labas ng bahay namin at may mga taong naglalabas ng boxes doon at pinapasok sa bahay namin.

"Andito na ako." Bati ko pagpasok. Nakita ko naman si Mama na may kausap sa sala.

Hinalikan ko siya sa pisngi at nagmano doon sa babae na si Tita Marivic pala, bestfriend ni Mama.

"Hello po." Bati ko doon kay Tita. Ngumiti siya saakin.

Oo nga pala, itong bahay namin ay ginawa for two families. I mean, marami itong kwarto at malaki yung dining area, kalat din yung comfort rooms. Nung mga bata pa daw kasi si Mama at Tita Marivic, pangarap daw nilang tumira sa isang bahay. Nilista pa daw nila noon ang features na gusto nila sa kanilang dream house. At eto nga, napagawa nila. Dito nakatira sila Tita noong bata pa ako pero lumipat din sila. Hindi ko alam kung bakit, pero ang importante babalik na sila dito.

"Ah Tita, si Jade po?" Tanong ko. Si Jade ay yung anak ni Tita na kalaro ko dati.

"Ah hindi pa umuuwi eh. Sa school mo siya nag-aaral ah? Hindi mo ba siya nakikita doon?"

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon