Jaahzel's POV
Umiiyak akong tumatakbo paakyat sa rooftop ng building ng lower years.
Ayoko na. Hindi ko na kaya ang ginagawa nila. Nahihirapan na ako.
Mas mabuting gawin ko 'to para matapos na ang lahat.
Nang makarating ako sa rooftop, huminga muna ako ng malalim. Nakakapagod din pala tumakbo at umakyat habang umiiyak.
Umakyat ako sa edge ng rooftop. Hindi ko first time dto. Tuwing depressed ako at nalulungkot, dito ako laging pumupunta.
*Flashback*
"Bakit gan'to?! Gan'to lang ang nakuha mong grade?! Napakababa!" Sigaw saakin ni Papa. Hawak-hawak niya 'yung report card ko.
"'Pa I'm sorry. Nag-aral naman po akong mabuti." Pagmamakaawa ko. Umiiyak narin ako.
"Hindi ka nag-aral ng mabuti! Ang sabihin mo puro ka lakwatsa!" Tinulak niya ako dahilan para bumagsak ako. Lalo namang naglabasan ang mga luha sa mata ko.
"'Pa hindi po...nag-aral...po talaga ako.. " nakaluhod ako at nakayuko sa harap niya.
"Walang kwentang anak! Hindi mo gayahin ang mga kuya mo!"
Ayan, kinukumpara nanaman nila ako sa mga Kuya ko.
"Tama na. Jaahzel! Go to your room now!"
*End of Flashback*
Tama na siguro ang desisyon ko. Kung uuwi pa ako sa bahay ganu'n din ang mangyayari. Hindi ko alam kung pamilya ko ba talaga sila. Napakasakit para sa akin nu'n. Okay lang sana kung sinasaktan lang ako eh. Kaso ang hindi ko makaya, ay 'yung hindi nila ako tanggap. Porke ba babae ako gan'to nalang?
Pinunasan ko 'yung mga luha ko at pumikit.
Paalam.
Teka.... bakit parang may nakakapit sa akin? Nalaglag na ba ako?
Binukas ko ang mata ko at ang malas naman, buhay pa ako.
May lalaking nakakapit sa mga binti ko.
"Kuya bitawan mo ako! Tatalon na ako e!"
"'Wag kang magpakamatay."
"Bitawan mo ako sabi!"
"Bumaba ka muna."
"Ayo---"
"Bumaba ka na please?"
Bumaba na nga ako. Umupo kaming dalawa at sumandal sa pader. Nakatingin lang ako sakanya at ganun din siya.
"Bakit mo gagawin 'yon? Mapapakamatay ka talaga?" Mahinahong tanong niya.
Patuloy na bumabagsak ang mga luha ko.
"Wala kang pakelam!....Pabayaan mo ako!"
"Nasa tamang pag-iisip ka ba?" Tanong niya ulit.
"'Wag mo sabi akong pakelaman! Wala kang alam!"
Dapat talaga namatay na lang ako. Siguro hindi naman sila malulungkot nu'n. Baka matuwa pa nga sila e.
"Bakit mo inisip magpakamatay?" Sasagutin ko ba?
"Pwede mong sabihin sa akin lahat. Ako nga pala si Chase. Ikaw?"
"Ja--Jaahzel." Sagot ko, ng humihikbi parin.
"Itigil mo na nga yang pag-iyak. Eto oh panyo." Kinuha ko ang panyo niiya tapos pinunasan ang mukha ko. Hindi muna ako nagsalita. Hinintay ko lang na kumalma ako.
"Salamat pala sa panyo. Babalik ko sayo pag nalabhan ko na."
"Hindi ok lang. Sayo na yan. Haha." Umupo ako ng maayos.
"Ikwento mo na dali.' Wag muna tayo pumasok. Magaát namumula pa ang mata mo."
Kinuwento ko sakanya ang lahat. Mula sa pananakit ng magulang ko, hindi tamang pagtrato sakin pati narin sa pagkumpara nila sa mga kapatid ko.
"Half-Chinese ako. Diba lalaki ang priority du'n? Kaya minsan iniintindi ko nalang sila."
"Ganu'n ba yun? May lahi din akong chinese eh. Pero hindi mo parin dapat ginawa 'yun. Dapat nagpursigi ka pa para maipakita mong mali sila at mapatunayan mo ang sarili mo sakanila." Siguro tama siya. May mali din ako.
"Anong oras na?" Tanong ko.
"9."
Niyaya ko na siyang umalis. Sabay kaming pumasok sa 4YB at inalam ang section namin. Magkaklase pala kami.
"Salamat Chase." Sabi ko bago kami pumasok sa room. Ngumiti lang siya pabalik.
As I entered the room,
"Oy Jaahzel! Sa'n ka galing?!" Bungad saakin ng mga kaibigan ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/16654235-288-k715996.jpg)
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Love Stories
Teen Fiction[Former When Exo Enter Your World] Group story. Come with me. Let's find the story out.