CHAPTER 2 - Christian

118 6 0
                                    

Veronica's POV

*burp*

Ahhhhhhhh~

Ang sarap talagang kumain. Busog na busog ako.

Nagpahinga lang ako saglit tsaka nagtoothbrush at naghilamos. Mahirap na, baka mag-enjoy ako sa pag-upo ko at hindi na ako makapasok.

"Ingat Ver. *muah*" - Mommy

"Bye Ma."

Nagpaalam na ako tsaka lumabas ng bahay. Maglakad kaya ako? Para naman bumaba lahat ng kinain ko kanina at sexy parin ako. Pero mainit? Dapat hindi naiinitan ang isang Dyosa. *flips hair*

In the end, sumakay din ako. Naisip kong nakakapagod maglakad eh. Tapos tanghaling tapat? Ewwwwrrr.

"Ver!" Nilingon ko with poise yung tumawag. And oh, isang hampaslupa lang pala. Joke! It's Alexis.

"Lex!" I greeted back. Tumingin siya sa payong ko. Kumunot yung noo at ngumiti.

"Ano ba yang payong mo! Ang sakit sa mata! Neon green pa." Sabay hampas niya sa braso ko. Loka to ah.

"Para unique diba?" I said tapos naglakad na papunta ng room. Sumunod naman siya sakin.

"Verrrrr! Gara ng payong natin ah? Siguro walang lumalapit sayo? Haha." Bungad sakin ni Kersty. Hay, ano bang problema nila sa payong ko?

"San mo binili yan?" Tanong ni Jaahzel.

"Secret. Pang-dyosa lang 'to. Walang gaya-gaya." Sagot ko. Tumawa naman silang lahat.

Tumingin ako sa wall clock ng room. 12:52. Buti nalang nagmadali ako. At least I'm not late.

Nagdatingan na ang iba pang mga kaklase ko nang mag-bell. Kasabay nila yung homeroom teacher namin.

"Okay since first day afternoon na at mga senior na kayo, alam niyo na ang gagawin. I know, all of you memorize every details in our school but this is the rule, right? Here's your partner."

Tumango-tango kami sa sinabi ni Ma'am. Tuwing first day kasi, nagkakaroon ng partnering bawat klase at kayong dalawa ay maglilibot sa school. Weird right? Para daw makabisa yung school. Dapat kasi freshies lang ang may ganito. Duh, senior na kami. Malamang kabisa na 'to. Pero we have no choice. Kesa naman magklase agad.

"Lim Kaye Ann and Bernal Kian. And lastly, Cayabyab Veronica and Rabelle Christian. Mauna na ako sainyo. Talk now to your partner. By the way I'm Kara Paule. Bye class."

Nag-goodbye narin kami sakanya at dali-dali ng nagsitayuan ang mga kaklase ko. Ako umupo lang. Duh, ang Dyosa hindi nakikipagsabayan 'no.

After 5 minutes, unti-unti ng nagsisilabasan ang mga kaklase ko. Wait, where's my partner? Who is he anyway? Hindi ko gaano narinig kanina.

Ilang minuto pa, ako nalang ang tao dito. Scratch that, ako with someone nalang ang natitira. Nakadukmo siya sa may pinakadulong desk. Siya kaya partner ko?

Grabe! Ang isang Dyosa pinaghihintay? Patay sakin kung sinuman ang partner ko.

Tumayo na ako. I can't take this anymore. Yung mga kaibigan ko nagsisipaglibot na siguro. Samantalang ako, naiwan dito.

I was about to touch the door when I hear some noises.

"Where do you think you're going?" Nilingon ko yung nagsalita. Yung lalaking nakadukmo kanina.

"Uhhh, sa labas?" Sagot ko. Tumayo siya and walk towards me.

"And you'll leave me? Tss." So siya ang partner ko? Grabe! Kanina pa ako naghihintay.

"Aba, kanina pa ako nakatunganga dito at naghihintay! Wala ka namang sinabing ikaw ang partner ko! Siguro feeling mo napakaimportante mo, ganun? Pwes nag---"

"Shut up. Come with me."

And in a single bit, nakahawak na siya sa kamay ko at hila-hila na niya ako. Okay, where are we going?

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon