CHAPTER 1.2 - Charylle

224 10 5
                                    

Charylle's POV

♪♪Careless, careless.

    Shoot anonymous, anonymous.

    Heartless, mindless

    No one who care abou-----

Pinatigil ko na yung alarm ko. Haha nakakaloka talaga pag naririnig ko yun, nagugulat ako eh. Gising agad buong diwa ko.

Pumunta na ako sa c.r. para maghilamos. Pagkatapos nun, dumiretso na ako sa kusina namin.

"Good morning Mother!" masigla kong bati sakanya.

"Good morning baby. Excited ka sa first day ah. Halika kain na." sabi niya tapos kumuha na ng pagkain. Ako naman umupo na at pagkadating niya kumain agad ako. Excited na kasi akong pumasok.

Pagkatapos kong kumain dumiretso na ako sa paliligo tapos nagbihis na. Nung ready na talaga, pumunta na ako kay Mother. Oo mother, nasanay na kasi ako na ganun tawag eh.

"Ingat sa pagpasok ah? Anong sabi ko sayo?"

"Hindi po papagabi. Babye!" Hinalikan ko siya sa pisngi at nagwave ng isang kamay bago lumabas ng bahay. Sumakay agad ako sa kotse at umalis na.

Oo nga pala hindi pa ako nakakapagpakilala. Ako nga pala si Charylle Lyca Cruz. Cute, cute, at cute. That's all thank you.

Pagkadating ko sa school, hinanap agad ng mata ko si Apple. Bakit? Kasi siya ang bestfriend ko. Oo bestfriend. Hindi niya ako nabanggit? Sama talaga nun. T^T

Biglang nawala ang tampo ko kay Apple nang matapat na ako sa 4Y-Building. Waaaaaaah! This is it!

Lumakad na ako sa daan na parang Runway. Waaaah, feeling ko isa akong model na nasa isang fashion show. May hagdan pa doon sa dulo, para papunta sa main door.

Habang paakyat ako sa hagdan, feel na feel ko talaga. Off limits kasi ang building na ito sa mga lower years, pang Fourth years lang talaga. Nu'ng third year kami, sinubukan kong yayaing lumapit si Apple sa building na ito pero ayaw niya. Tinatamad daw siya eh.

"I.D.?" Bungad saakin nu'ng Guard sa main door. Umalis muna ako sa tapat niya at pumunta sa isang tabi para hanapin 'yung I.D. ko. Basag-imagination naman 'yun.

Habang kinakalkal ko 'yung bag ko, napa-angat saglit 'yung ulo ko. Nagulat naman ako nang dumaan sa harap ko si Apple, na hila-hila ng isang lalaki pababa sa hagdan. Susundan ko sana sila kaso nakasalubong ko si Kuya Andrei (Kuya ni Apple), may kausap na isang gwapong lalaki. *^___^*

"I don't know. She's---oh Charylle. 'Sup?"

"Kuya Andrei! Sa'n pupunta si Apple? Sino yung kasama niya?" Excited na tanong ko sakanya.

"Dunno. Bigla siyang hinatak ng isang donkey. I didn't see his face." What? Donkey daw? Haha laughtrip!

"Hahahaha! Donkey? Akala ko boyfriend niya." Biglang siyang sumeryoso yung tingin niya. Uh-oh (ˍ ˍ")

"Tss. Sabihin mo sakin kung boyfriend niya nga. That girl, naglilihim na sakin." Sumama 'yung aura niya. Parang si Misa-chan lang pag pinagagalitan 'yung mga lalaking hindi sumusunod sa school rules, haha.

Inangkla ko 'yung kamay ko sa braso niya tapos sinundot-sundot ko 'yung tagiliran niya. Close kami, wag kayo.

"Si Kuya naman o. Ngiti ka naman, nawawala 'yung handsomeness mo e. Hindi pa naman natin sigurado kung boyfriend niya nga 'yun. Teka, tetext ko lang siya."

Inalis ko 'yung pagkakahawak ko saknya at kinalkal 'yung phone ko sa bulsa ng palda ko. Surprisingly, isang flat rectangular shape ang nakapa ko.

"Bakit ka nakangiti ng ganyan?" Tanong ni Kuya Andrei.

"Waaaaaaah!" Kinuha ko 'yung I.D. ko tsaka nagtatalon.

"Kuya, mauuna na ako ah? Nakita ko na 'yung I.D. ko! Makakapasok na ako! Bye bye!" Nagwave ako sakanya tsaka nagtatakbo palapit ulit sa main door.

Taas-noo at nakangiti akong humarap muli sa guard. "Eto na po!"

Kinuha niya 'yung I.D. tapos ini-swipe sa isang machine na ewan ko kung anong tawag. I don't care, basta ako makakapasok na!

Binalik niya na sa'kin 'yung I.D. ko tapos bumukas na 'yung pinto. Waaaaaah, this is it!

"Woooooooow." Napanganga ako sa nakita ko, pagpasok ko.

Centralized 'yung buong building. *O*

From left to right, una kong nakita ay 'yung students' center. Kinuha ko sa bag ko 'yung students' guide namin. Nandito lahat ng information about sa building. Hindi ko ito binasa nu'ng bakasyon dahil ayokong ma-spoil. Gusto ko surprise.

Students' Center, dito kine-claim 'yung uniforms, lost and founds, and anything concerning the students. Nasa loob din nito ang Student Council's Office. So ibig sabihin, may rooms pa sa loob niyan? Kaya pala ang laki. Sakop niya na 'yung half ng first floor.

Next, is 'yung guidance office. No, ayoko diyan.

Then, the clinic, and the students' lounge.

Inikot ko 'yung sarili ko para makita ang kabuoan ng first floor.  "Waaaaah, ang ganda di----ouch!"

Napaupo ako. Ouch, yung p'wet ko. Ang sakit ng pagkakabunggo sa'kin.

"Sorry."

Napatingala nalang ao sa nagsalita. There, naglalakad na siya paalis.

"Wait!" Sigaw ko, still sitting on the floor.

Huminto 'yung lalaki. "What?" Ang gwapo niyaaaaa~ *O*

"H-hindi mo ba ako tutulungan?"

"Hindi." Sabi niya then lumakad ng mabilis palayo. Ugh, ang p'wet ko. T_T

Inayos ko na 'yung pagkakasuot ng backpack ko tsaka pinulot 'yung Students' Guide. Kaso sa ilalim nito, may isang flat rectangular shaped, again.

Kinuha ko iyon sa pagaakalang I.D. ko, kaso I was wrong. It's not mine.

"Cedrick Paulo Javier?" Then nakita ko sa picture, 'yung lalaking nakabunggo sa'kin kanina.

Ito na ba ulit ang simula ng love story ko? Base sa mga napanood ko, magkakaroon kami ng second encounter.
Kyaaaah, Im so excited.

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon