CHAPTER 2.1 - Cedrick

61 3 0
                                    

Ivy's POV

"Ibaba mo ako!"

Hayy! Ayaw talaga akong ibaba eh! Sinuntok-suntok ko na yung likod, no reaction parin! Yung totoo, hindi ba siya nasasaktan sa suntok ko?

"Ibababa kita pag pumayag kang kumain tayo." Mapang-asar ang tono ng pananalita niya.

"Busog nga diba? Kulit nito!" Pumapadyak-padyak na ako pero wala parin sakanya.

Alam niyo ba ang nangyayari? Malamang hindi, ay jusme. Hina-high blood ako dito sa kasama ko eh! Buhat-buhat lang naman ako ng isang perfect stranger na gwapo, teka nasabi ko bang gwapo? Oo gwapo nga!

Nagulat nalang ako na nasa tapat kami ng isang motor. Tkae note, big bike. Anung gagawin ba talaga namin?

"Sakay." Sabi niya habang sinusuot yung helmet niya. Hindi ako marunong sumakay sa motor eh! Pano to?

"Ayoko!"

"Kapag hindi ka sumakay, ako pa magbubuhat sayo pasakay dito."

Mabilis pa sa kulog at kidlat ay nakasakay na ako at nakakapit sa balikat niya. Pano ako nakasakay dito?

*BROOOM~!* *BROOOM~!*

"AAHHHH!" Sigaw ko. Patay na ba kami?

"Oy babae, kung gusto mo akong bingihin, wag mo na ituloy. Baka anong magawa ko sayo." Napatahimik ako. Takot ko lang dito.

*BROOOM~!* *BROOOM~!*

"Kuya naman! Dahan-dahan ka lang! Baka hindi na ako umabot ng bukas! Papakasal pa kami ni Cedrick Babe eh!" Nakapikit na ako at nakayakap sa leeg niya. Eh sa natatakot ako eh!

Natigil siya. May sinabi ba akong mali?

"Anung sabi mo?" Sabi niya. Lumipat ang mga yakap ko sa tiyan niya. Walang malisya! Takot talaga ako!

"Sabi ko bagalan mo lang!" Nakayuko ako at nakayakap parin.

"Hindi yun. Yung papakasalan mo."

Napabitaw ako. Anong nasabi ko sakanya? Nasabi ko ba yung facebook crush ko na si Cedrick Javier?

"May sinabi ba ako? Wala ah!"

"Meron kang sinabi eh. Yung babe mo. Si Cedrick." Omo! Nalaman niya na? Sana hindi niya kilala yon! *crossfingers*

"Eh anu naman? Tara na! Nagugutom ako!" Humawak ulit ako sa balikat niya.

In-start na niya at nagpatakbo na. Wala yung motor niya sa parking lot ah. For pete's sake, nasa loob pa kami ng school!

Mabilis siyang nagpapatakbo. Hanggang sa nakarating na kami sa gate pero hindi manlang kami hinarang ni Manong Guard. Bakit kaya? Masungit yon eh!

Habang nagpapatakbo siya, nagsalita ako. Hindi naman pwedeng hindi ako magsasalita eh.

"Anu palang pangalan mo?" Tanong ko. Hindi ko siya kilala. At sa tanang buhay ko sa school namin, ngayon ko lang siya nakita!

"Call me Ce--, I mean Ricky."

Napatango na lang ako. Ricky? Anong klaseng pangalan yun. Hahaha!

"Oy bakit ka tumatawa?"

Napahinto ako sa pagtawa. Eh nakakatawa talaga yung pangalan niya! Nag-isip ba yung mga magulang niya? Hahaha!

"Wala! Dalian mo na! Gutom na talaga ako!"

Sinunod niya naman ang sinabi ko. Binilisan niya nga. Napakapit nanaman ako ng mahigpit.

"Oy. Andito na tayo." Napamulat ako at nakarating pala kami sa isang fast food store.

Bumaba na kami. Nag-umpisa na siyang maglakad papasok pero ako nakatayo parin.

"Oy. Pasok na."

"Wag mo akong tawaging oy! May pangalan ako!" Sigaw ko sakanya. Buti nalang konti lang ang tao dito.

"Oh anu pala?" Tanong niya.

"Ivy! Ivy ang pangalan ko, hindi oy!"

"K. Tara pasok."

Pumasok na kami. Medyo marami naman yung mga tao. Pero walang estudyante. Class hours kasi eh. Andito na kami sa pilahan. Nauuna siya sakin.

"Anung bibilin mo?" Tanong ko. Hindi niya ako pinansin bagkus patuloy parin siya sa pagtingin dun sa menu.

Natapos kaming umorder. Halos lahat na ata ng nasa menu nila inorder namin. Matakaw din pala siya tulad ko.

"Oy!" Ayan nanaman yung tawag niya. Nakakairita!

"Wag mo sabi akong tatawaging oy eh!"

"Whatever. Yung pagkain mong inorder, babayaran mo sakin yon!"

Ano daw sabi niya? Hindi masink-in sa utak ko eh!

"Anoh?!" Napatayo na ako sa kinauupuan ko. Babayaran ko daw siya?!

"Umupo ka nga! Sabi ko babayaran mo! Wala ng libre ngayon oy."

Bumuntong hininga ako. Yung sobrang lalim ah. Parang nafe-feel ko na yung wrinkles eh! Tatanda ako ng maaga dito!

"Aish bwisit ka!" Dinuduro-duro ko siya. Leche talaga!

"Ma'am, Sir here's your order."

Napalingon kaming dalawa sa nagsalita. Yung waiter, I mean WAITERS andyan na! Ang dami nilang dalang pagkain. Ang takaw pala namin ni Ricky. Hehe.

Habang kumakain kami, natitigan ko si Ricky. Pfft! Natatawa parin talaga ako sa pangalan niya! Eto na nga seryoso, feeling ko may kamukha siya. Parang pamilyar yung mukha niya eh. Parang nakita ko na siya matagal na, pero ngayon ko lang siya nakilala ah!

"Titigan mo pa ako. Ang gwapo ko kasi eh." Anu daw? Narinig nyo ba? Ako hindi eh!

"Hooo! Lumamig lalo." Sabi ko at nagkunwaring nilalamig. Ang yabang eh!

"Ikaw babae ka talaga!"

Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. Sayang eh! Ako kaya magbabayad nito!

Pagkatapos namin kumain, nag-stay pa kami saglit sa loob.

"Oh ayan na! Kumpleto yan ah!" Inabot ko sakanya yung pera. Kainis eh! Ang malas ko dito!

"Haha salamat naman. Pasalamat ka nga hindi pa kita pinagbayad sa gasolina ng motor ko eh." Seriously?! Hindi ko siya kinakaya promise!

Lumabas na ako. Iniwan siya sa loob. Hay nakakainis! Walang kwenta yon!

Maghahanap nalang ako ng masasakyan. Kumukulo talaga dugo ko eh.

Pinara ko yung isang taxi. Papasakay na sana ako kaso may humawak sa akin.

"Anu nanamang problema?!" Andito nanaman si Ricky.

"Aano ka?" Tanong niya. Hindi parin ako binibitawan. Ay leche!

"Malamang babalik na sa school! Di mo ba nakikita? Alas singko na!"

Inalis ko yung kamay niya. Nakakahiya dun sa taxi driver. Wala talagang dangal tong lalaking to eh!

"Bakit ka sumisigaw? Naririnig naman kita eh!"

"Aish wala ka talagang kwenta!"

Tumalikod na ako sakanya. Papasakay na ako sa loob nang hilahin nanaman ako.

"Ano ba kasi!"

"Sakin ka sasabay. Manong ito oh." Nag-abot siya ng pera sa driver tapos hinigit ako papunta doon sa motor niya. Aish!

Sa huli, sakanya parin ako sumakay. Wala naman akong magagawa eh!

Pagdating namin sa school, madaming estudyanteng nakatingin samin. Ewan ko kung bakit ah. Wala naman akong kasalanan eh!

"Oy babaeng maingay!" Nilingon ko siya.

"Oh ano?" Iritang tanong ko habang naglalakad papasok sa gate. Hahanapin ko sila Bef eh. Remember Sophia? Siya yun!

"Nag-enjoy ako. Salamat." Napahinto ako sa paglalakad. Siya naman nawala na. San nagpunta yun?

Wait, nagthank you siya sakin? Himala na ba yon?

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon