CHAPTER 4

68 2 0
                                    

Sophia's POV

Days passed. Saturday na ngayon. Buti nalang talaga. Muntik na kasing sumabog ang utak ko sa mga lessons. First week palang hell-like na. Paano pa kaya sa susunod?

Biglang nag-vibrate ang phone ko.

*Apple calling*

Omegesh si Apple pala. Sinagot ko.

"Hello?"

(Hello Sophia. Mall daw. 10 am. Go ka?) Eto na ang gusto ko. Nagyayaya na sila. May gala nanaman kami.

"Ahhh, sige. Lahat ba tayo?"

(Yeah. Andito kasi ako kila Charylle, sabay kaming pupunta.)

Tss. Andun talaga siya? Umaano siya doon? Sana dito nalang saamin.

"Ah ganun ba. Sige kita-kits."

(Sige bye.)

In-end ko na yung call. Apple. Siya yung taong pinaka-gusto kong maka-close. I wanna be her bestfriend. I don't know but I got this feeling. Don't get me wrong, hindi ako lesbian. It's just, merong something siya na gusto ko. Na nasasakyan ng ugali ko. Ang problema, may bestfriend na siyang iba.

Nagvibrate muli ang phone ko. Unknown. Nireject ko ang call. Malay ko ba kung sino siya diba? Pero makulit ang lahi niya. Tumawag pa ulit.

"Sinu to?"

(Patrick. Yo!)

"Sinong Patrick?"

(Ay bilis makalimot. Kasama mo lang ako manood ng sine.)

"Ah, I know na. So, anung kailangan mo?"

(Kapag tumawag, may kailangan agad? Hindi ba pwedeng miss lang kita?)

"Maiyak ka pa. Ano nga? Aalis kasi ako."

(Ay ganun ba? Sige mamaya nalang.)

Kita mo siya. In-end agad yung call. May tama ata siya eh. Well, si Patrick yung partner ko nung Monday. Yung kasama ko manood sa sine. I don't know why all of a sudden ang daldal na niya. Dati kasi parang pipi eh. Siguro comfortable na siya saakin kaya ganun.

Naligo ako at nagbihis. Naka-plain green shirt lang ako at tokong. Tsaka slippers pambaba. Gusto kasi yun ni Apple. Lagi kaming naka-tsinelas pag naglilibot. Pero yung matino naman at panlakad talaga.

Hindi na ako nagpahatid pa. Nagtricycle nalang ako. Pagkadating ko sa mall, andun na sila.

"Late! Libre na yan!" Sigaw ni Ivy.

"Bef, wag ngayon. Taghirap ako. Haha." Ang totoo, may pera talaga ako. Ayoko lang maisahan nila ako. Hindi naman ako utu-uto para ilibre silang eleven.

Tiningnan ko sila. Bakit may mga lalaki?

"Bakit andito yang mga iyan?" Tanong ko. Paano, andito yung ibang miyembro ng B.A.P chuchu na yun.

"Bef, alam mo naman na diba? Si Jaahzel kasama itong si Lucas, si Jasmin kay Nathan, si Kersty dito kay Jherwynn, si Chanyeol ang bestfriend kuno nitong si Alexis, at yang si Ricky o Cedrick, wala panggulo lang." Natawa naman ako sa huli niyang sinabi. Ivy talaga, crush niya yun pero ginaganun niya.

"Bye! Sosolohin daw ako!" Nagulat nalang ako, medyo nakakalayo na si Ivy at Cedrick. Oh well, yaan na sila.

Pumasok kami sa mall. Nagkahiwalay-hiwalay kami bigla. Hindi ko alam kung anung nangyari. Akala ko group hangout namin ito. Date pala nila.

Eto ako ngayon, mag-isa sa isang bench. Kainis naman kasi eh. Dapat pala hindi na ako sumama.

"Sophia?" Napalingon ako sa tumawag. Si Patrick. Anong ginagawa niya dito?

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon