CHAPTER 1.7 - Farah

113 6 0
                                    

Farah's POV

Last year.

This will be my last year here in this school. I thought it will be memorable because I got it all. Richness, looks, brain, friends, everything. Akala ko lang pala iyon.

'Siya nalang mag-isa oh.'

'Oo nga. Hindi na siya nakasabay sa Muses.'

'Tingin mo okay lang umalis siya doon?'

'Oo naman! Ang sasama kaya nun.'

'No! Duh, di lang talaga siya bagay doon.'

Okay. Bulungan ba iyon o announcing? Naguguluhan kasi ako eh. Pwede naman siguro nilang hinaan yung boses nila lalo na't ang pinag-uusapan ay nasa harap lang? Great. What a great start.

Okay lang naman sa akin na ako lang mag-isa. Kaya ko naman eh. Hindi naman ako dependent na tao. Kaso, ang iniisip ko ay yung iisipin ng iba tungkol sa akin? What if they'd misinterpret what just happened? Ako ang kawawa dito.

Ang sabi sakin ay Section A ako. Sino naman kaya ang aking magiging kaibigan? O kung mayroon ba akong magiging kaibigan? Hahaha. Ang galing.

"Anu ba! Get your hands off me!" Rinig kong sigaw ng isang babae inside the classroom. Ano kayang nangyayari?

"How dare you! That's our Christian! You have no rights to lapit sakanya!" Bingo. That conyo talk and that voice. Si Shaine panigurado.

"Tama siya! Malandi ka!" Base on the voice, si Kaye to?

"Aba sumosob---aray!"

Hindi ko na napigilan. Pumasok na ako sa loob. Then, voila! Muses with one poor girl.

"Stop it." I said. Yung babae kasi, ang gulo na ng buhok at gusot na yung blouse.

"And who are you to talk---oh. Hi Farah." Shaine said with a plastic smile. Tiningnan ko lang siya ng blangko.

"Nice to see you again. How are you?" Tanong niya. Nilayuan naman nila yung babae at lumapit sa akin. Oh God.

"Kami, hindi mo ba itatanung if we're okay, without you?"

That's it. Ayoko na. Hindi na ako magsasalita.

"We are so happy. Like, there's no chipipay on our group."

Tiningnan ko silang lahat. 2, 4, 6, 8. Okay, complete attendance. Ako lang pala ang kulang.

Habang nagtatawanan sila, I grab the opportunity na makaalis doon. Hinawakan ko ang braso nung babaeng ginugulo nila at lumabas ng room. Lord, wag mo pong sabihing kaklase ko silang walo? Maawa po kayo saakin.

Nakarating kami nung babae sa may canteen. Ewan ko ba, dito ako dinala ng mga paa ko. I checked my wristwatch. 6:40. Pwede pa kaming tumambay dito.

"Uhh, Farah." In-extend ko yung kamay ko.

"Therese." At nakipagkamay siya saakin.

Umupo kami sa isang table na may 2 chairs. Okay. School na namin ang pinapaboran ang mga couples sa mga dates nila chuchu.

"Tell me, ano talagang nangyari?" Tanong ko. Inaayos niya yung sarili niya. Hindi naman kasi magandang first day na first day, eh hindi siya presentable.

"Nakakulo ng dugo. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataon, gagantihan ko talaga yung mga yun!"

Nakatitig lang ako sakanya. I badly want to know what really happened. Uhm, siguro dahil sa wala na ako sa grupo nila kaya nagkakaroon ako ng interes sa mga iniisip ng ibang tao tungkol sakanila.

"Teka, salamat pala kanina. May utang na loob ako sayo ah! Ipaalala mo sakin."

Natawa naman ako sa sinabi niya. Looks like magkakaroon na ako ng bagong kaibigan. Pwede na siguro siya, I guess?

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon