CHAPTER 7

24 1 0
                                    

Therese' POV

Friday.

Medyo tanghali nanaman ang gising ko, kaya late na ako. Nakakabwisit kasi dahil ang aga-aga ng pasok ng school nayun. Nakakatamad lang talaga.

Ipinark ko ang motor ko tsaka nagmadaling maglakad. Nakangiting sinalubong ako ng guard sa gate. Tss, eto nanaman kami.

Inabot ko sakanya 'yung handbook ko.

"Kuya pakibilisan naman." Sabi ko. Ang bagal kasing pirmahan e. Bwisit 'to.

"Bilis-bilisan mo din kasi ang pagpasok. Late ka nalang---"

Hinigit ko na sakanya 'yung handbook ko tsaka nagtatakbo. Sumigaw pa ako ng, "Sa susunod ko nalang kayo pakikinggan!" Tsaka nag-wave ng kamay. Wala siyang nagawa, muahahaha.

Nakarating ako ng maluwalhati sa room namin. Medyo hinihingal pa nga ako dahil second floor 'yung classroom at nakakapagod umakyat ng hagdan.

"Oy, good morning Bae. Ang aga mo para sa second subject ah?" Bungad sakin ng Physics teacher na boring as ever. Hindi ko siya sinagot. Pumasok ako tsaka dumiretso sa pwesto ko, kahit na nasa akin 'yung atensyon ng mga kaklase ko. Psh.

"Ayos." Sabi ni Aerith saakin. Nakipag-apir ako sakanya tsaka umupo sa tabi niya.
Bumalik na 'yung teacher sa pagdidiscuss. Seriously, ang boring niya talaga. Kundi lang siya strict, baka nag-cutting na ako dito. Bakit kasi major subject pa siya. -____-

.

Natapos ang oras niya. Napa-"thanks God" pa ako nung nag-ring 'yung bell. Ang problema nga lang ay nagbigay siya ng assignment. Nagreklamo pa nga 'yung mga kaklase ko na ayon sa batas, bawal magpa-assignment pag Friday. Sumagot lang siya ng, "Sa Tuesday pa 'yan checheckan. So, it will serve as your Monday assignment. I just gave it earlier dahil alam kong mahaba 'yan. Good luck! Bye class." Muntik na talaga akong tumayo nun at magcomplain. Ang utak talaga niya.

"Sagutan na natin. Tinatamad akong magsagot sa bahay e." Sabi ko kay Aerith. Katabi niya sa left side si Sophia at kanan naman ako.

Sa totoo lang, kaya gusto ko ng sagutan ay dahil sagabal lang ito sa trabaho ko. Baka hindi ko masagutan dahil wala akong time. Malagot pa ako dun sa demonyitang boring na Physics teacher.

Nag-umpisa na kaming magsagot. Sakto namang dumating 'yung next teacher namin. Tinigil nila 'yung pagsagot, pero not me. Multi-tasking nanaman ako neto.

Natapos din ang second subject. Nayari ko narin 'yung assignment. Medyo sabit nga lang dahil nahuli ako nung teacher. Muntik pa nga niyang punitin 'yung papel ko. Itinago ko lang saglit pero nilabas ko at nagsagot ulit. Paki ko naman sa discussion niyang isa pang boring.

*AFTER CLASS*

Nagmamadali akong inayos 'yung mga gamit ko. Nilagay ko sa drawer ng desk ko 'yung mga aklat na hindi ko naman binuksan. Chineck kasi kanina kaya napilitan akong ilabas.

"Therese, sama ka?" Nilingon ko 'yung nagsalita. Si Jaahzel. Nilagay ko 'yung huling aklat bago sumagot,

"Saan?"

"Sa tabi-tabi. Food trip daw."

Sinuot ko na 'yung bag ko. "Hindi ako pwede e. Sa susunod nalang."

"Guys, di daw pwede si Therese!" Sigaw niya. Kaya nagsilapitan saakin 'yung mga babae.

"Bakit hindi ka sasama? Masaya 'to." -Ivy

"Maaga kasi akong pinapauwi ni Mama e. Sorry talaga." Kalmadong sagot ko. Nagbuntong-hininga 'yung iba sakanila.

"Ganun ba? Sige, sabay-sabay nalang tayong lumabas ng school." -Farah

Sabay-sabay nga kaming lumabas ng school. Dumiretso kami sa parking lot. Naglalakad na ako palapit sa motor ko nang maramdaman kong nakasunod sila sakin. Ako lang ba 'to o sumusunod talaga sila?

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon