CHAPTER 2.4 - Jherwynn

73 3 0
                                    

Kersty's POV

"Ang bagal mo naman!"

Hooooh! Nakakapagod naman tumakbo. Ngayon ko lang nagawa ito sa life ko. Bwisit kasi 'tong lalaking 'to. Tama bang ilagay yung dalawang kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko. Aba lintek! Ang manyak!

Huminto ako saglit. Kapag talaga naabutan ko ang walanghiyang kumag na iyon, mapapatay ko talaga siya! Ano nalang ang mangyayari sa akin? Ang duming babae ko na!

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Hindi ako dapat tumatakbo ng pang-sprint eh. Baka atakihin ako ng asthma ko.

Nakita kong huminto siya at naglakad papalapit sa akin. Aish! Parang gusto kong sumigaw sa frustration!

"Hey wha--"

"AAAAAAAAHHHHH!" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita niya bagkus sumigaw nalang ng malakas.

Tumayo ako at humarap sakanya. Binigyan ko siya ng masamang tingin. Yung sobrang sama ah. Yung nakakapatay.

"What's with that face?" Nakangiti at masigla niyang sabi. Seriously? Akala ko magsosorry na siya sa ginawa niya eh! Nakuha pang ngumiti ng loko!

Hinihingal na ako. Parang naninikip na yung dibdib ko eh. Wag ngayon. Wag ngayon please.

"Walanghiya kang manyak ka!"
Sa sobrang galit ko sakanya, hahampasin ko sana ng bag ko, kaso nakuha niya ito at nakatakbo pa. At eto nanaman kami, maghahabulan.

"Bumalik ka dito!" Sigaw ko habang hinahabol siya.

"Habulin mo ako. Pag nahabol mo ako, may prize ka sa akin." Nakangiti parin siya. Leche naman oh! Ang bastos niya talaga!

Wala akong nagawa kundi tumakbo nalang. Nasa kanya yung bag ko, at ipaglalaban ko pa ang pagmamanyak niya sakin.

"Jherwynn!" Sigaw ko. Alam ko pangalan niya eh. Narinig ko kanina.

Napahinto ako sa pagtakbo sa sobrang pagod. Nilagay ko ang mga kamay ko sa binti ko tsaka huminga ng malalalim.

Parang biglang hindi ako makahinga. Unti-unting hindi ako makatayo. Tuluyan na akong napaupo sa daan. Good thing nasa garden kami at may mga damo.

"Hoooooy!" sigaw ko pero hindi parin siya lumilingon. Inaatake na ako ng asthma ko! Yung inhaler ko nasa bag ko!

Humawak ako sa dibdib ko. Aish bwisit talaga yung Jherwynn na iyon! Mamamatay ata ako dahil sakanya eh! Lord, Lord, Lord. Wag niyo muna po akong kunin. Please? Please?

Unti-unti ng nanghihina yung katawan ko na parang babagsak na. Kasabay nito ang pagtulo ng luha ko.

"Huy miss!"

Medyo nagising ako dahil may tumapik-tapik sa pisngi ko at inaalog-alog ako. Tae! Hindi parin ako makahinga.

"Oy napapano ka ba?!" Taranta na siya. Kasalanan niya to eh!

"In...ha...ler..."

Kinalkal niya yung bag ko tsaka nilabas yung inhaler at ibinigay sa akin. Nakahinga na ako ng maayos.

Itinayo niya ako tsaka inupo sa isang bench.

Tumutulo parin ang mga luha ko. Akala ko mamamatay na ako dun. Buti talaga naagapan.

"Huy sorry!" Rinig kong sabi niya. Nakayuko lang ako. Ayoko muna siyang kausapin.

"Sorry na nga eh! Ayaw mo pa akong pansinin!"

Hindi ko parin siya nililingon. Kinuha ko sakanya yung bag ko tsaka nag-umpisang maglakad. Kelangan kong magrelax.

Habang naglalakad ako, ginawa kong mag-inhale-exhale. Ayokong ma-stress.

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon