CHAPTER 6

49 2 0
                                    

Apple's POV

Simula noong pagbaba ko sa kotse sa parking area, naramdaman kong may sumusunod saakin habang naglalakad ako.

Nandito na ako sa tapat ng building ng fourth years pero feeling ko may sumusunod parin. Hindi ako assuming ah, pero napapansin ko kasi e.

Inilagay ko yung kanang kamay ko sa bulsa ng palda ko. Imbis na pumasok ako sa building, umiba ako ng direksyon.

Lumiko-liko ako kung saan para makita kung sino yung sumusunod saakin. Nagtago ako sa gilid ng isang drinking fountain. Mukha akong tanga pero curious talaga ako kung sino e.

Nakita ko yung isang lalaki, na lilinga-linga na parang may hinahanap. Siya yun! Siya yung lalaking sumusunod saakin.

"Ano kayang kailangan saakin nito?" Mahinang sambit ko at mas lalong yumuko para hindi niya ako makita. Mabuti nalang nakatalikod siya sa drinking fountain, kitang-kita naman kasi ako.

Kumamot siya ng ulo at naglakad na paalis. Tumayo na ako ng maayos at pinagpag yung palda ko.

Medyo nakakatakot yung lalaki ah. Hindi naman siya pangit, aaminin ko gwapo. Tsaka parang nakita ko na siya. Di ko lang matandaan.

Naglalakad na ako pabalik nang,

"Boo!"

Nagulat ako sa nanggulat. Hindi naman ako nagsalita pero nagulat talaga ako.

Humarap ako sa nanggulat at surprisingly, yung lalaking kaninang sumusunod saakin.

Ngumiti siya saakin. "Anong kailangan mo?" Tanong ko sakanya.

"Nothing."

Kinagat ko yung ibabang labi ko dahil sa inis.

"Bakit mo ako sinusundan kanina?"

"Ano...kasi..."

Nagsimulang uminit yung ulo ko.

"Ano?!" Medyo pasigaw na ako. Hindi pa naman time kaya 'di pa ako late.

Bigla siyang lumuhod sa harap ko. Napataas yung kaliwang kilay ko.

Aalis na sana ako dahil walang patutunguhan yung katangahan nung lalaking iyon pero pinigilan niya ako.

"Kuya look, kailangan ko ng pumunta sa room namin. Anong oras na o."

Hawak niya yung braso ko, nakaluhod parin.

"Saglit lang. Saglit lang 'to."

"Sige pero bitawan mo muna ako tsaka tumayo ka dyan." Sabi ko. Agad naman siyang tumayo at binitawan ako.

"Pagpagin mo 'yang slacks mo."

Nataranta siyang pinagpag 'yung slacks niya.

"Ano bang sasabihin mo?"

Ilang segundo siyang tumahimik.

"Apple." Tawag niya saakin. Kilala niya ako?

"Apple, I--I like you. Payagan mo naman akong ligawan ka."

1 second.

2 seconds.

3 seconds.

4 seconds.

5 seconds.

"Huh?" 'Yan lang ang nasagot ko.

"Please, pumayag ka."

"Kuya, pasensiya ka na ah. Pero 'wag kang magbiro. Aalis na ako."

Tumalikod na ako sakanya at naglakad papasok sa building. Ang aga-aga ang lakas ng trip nung lalaking 'yon.

Not So Ordinary Love StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon