Kersty's POV
Asan na ba yun? Tae ang tagal! Tss.
First day na first day male-late ako? No way! Tsssh, sabi ko kasi kay Mommy wag na akong ipapaservice eh. Ayaw pa akong ipasabay sa motor ni kuya, baka madisgrasya daw kami (and magka-iba ng time ng pasok dahil college na siya). Sa kotse naman ni Daddy, hindi ako makasabay kasi male-late ako (mas nauuna 'yung pasok ko kesa sakanya). So, no choice talaga kundi mag-service.Buhay talaga!
Andito ako sa tapat ng gate namin, hinihintay 'yung ever-super-duper-long-lasting service ko! Arrrgh, ang kukupad talaga ng mga kasabay ko!
"Kersty, anak." Nilingon ko kung sino 'yung tumawag. Si Mommy.
"Bakit po?"
"Hindi daw papasok 'yung kuya mong matamad."
Hindi na ako nagtaka. Ano pa bang bago sakanya bukod sa hairstyle niya?
"Hayaan mo na siya Mommy. 'Pag bumagsak iyon, magdidiwang tayo." Sabi ko tsaka tumawa ng malakas.
"Hindi pwedeng bumgsak 'yung batang 'yun. Ikaw Kersty pagbuttihin mo 'yang pag-aaral mo. Kapag ikaw 'yung bumagsak diyan! Huwag kang magbo-boyfriend boyfriend. Pag nalaman kong---"
*beep* *beep*
Waaaaah! I love you Service! Iniligtas mo ako kay Mommy. Akala ko hindi na ako makakapasok sa sermon niya. Buti nalang talaga.
"Bye Mommy! Muah!" Tumakbo ako palapit doon sa van. Nagflying kiss pa ako sakanya.
Akala ko umpisa na ng magandang mangyayari pero it turns out na hindi pala. Kasi pagbukas ng pinto ng van,
=______= << my reaction
Puno na. Titig na titig pasilang lahat saakin.
"Kersty! May pwesto pa dito o! Halika!" Nagliwanag ang mundo ko sa nagsalita. Ang problema nga lang, nasa likod pa sila. Paano ako makakapunta du'n?
"Tutunganga ka nalang ba dyan? Male-late na o! Paimportante."
Sumakay na ako sa loob. Bwisit na babae 'yon. Siya kaya lumugar sa'kin? Nakipag-siksikan pa ako dahil nasa dulo nga 'yung vacant. Ang hirap lang dumaan.
Pagka-upo ko, du'n ko na-realize na sana umusog nalang 'yung iba para mas napadali. Kaso, mababait nga pala itong mga ka-seervice ko. Nice.
Habang nasa biyahe, tahimik lang ako na nilalaro 'yung ballpen ko. Iniwan ko kasi ang phone ko sa bahay.
Nu'ng nag-stop na 'yung van, sumilip ako sa bintana. Nasa school na kami.
Hinintay ko pa muna silang makababa lahat dahil ayokong makipagsiksikan, baka masuffocate ako.
Dahil sa nakalabas na silang lahat, turn ko na. Tatayo na ako ng malaglag 'yung ballpen na hawak ko. Hindi ko pa ito agad nahanap kaya medyo nagtagal ako.
Pababa na ako ng van ng biglang,
*BOOOGSSSH*
Ouch! T_T
Saktong pagbaba ko biglang bumukas 'yung pinto nu'ng kotseng katabi namin at kung sinuswerte ka nga naman sapul na sapul saakin!
Wow, ang swerte ko ngayong araw ah. Grabe! Baka mahiya pa kayo, sige pati sa school gawin niyo akong malas. Ganyan naman kayo sakin eh. T^T
Nakaupo parin ako sa daan. Hindi ako makatayo dahil sa pagkakabagsak ko, at paghampas nu'ng pinto saakin. Imagine pinto ng kotse 'yun, matigas, masakit.
Naramdaman kong may bumaba sa kotse. "Miss, are you okay?" Sabi niya.
Ako, mukhang okay? Sakanya ko kaya iparanas 'to! Nagasgasan ako at ang sakit nu'n. Kainis!
"Miss, Miss, tinatanong kita."
Hindi parin ako sumasagot sa lalaki. Nakatingin lang ako sakanya.
Inabot niya sakin 'yung kamay niya tapos inalalayan akong makatayo. Pinagpag ko naman yung damit ko pati binti ko. Napangiwi pa ako dahil may sugat ako sa binti. Ang sakit. T_T
"I'm sorry Miss. Di ko sinasadya. Dadalhin kita sa clinic." Offer niya. Hindi na ako tumanggi dahil baka ma-infection pa ito kung hindi ko ipapagamot.
Habang naglalakad kami, on our way to clinic, naiilang ako kasi maraming nakatingin sa gawi namin. Hindi ko alam kung sa mga sugat ko ba sila nakatingin, o sa kasama ko. Maybe dito sa kasama ko.
Medyo naiirita din ako dahil he kept on asking me kung okay lang daw ba ako. Hindi ako sumasagot. Mahapdi lang naman kas ng konti.
Nu'ng makarating kami sa clinic (Clinic ng lower years, dahil mas malapit ito kaysa sa clinic ng 4YB), ginamot nu'ng nurse 'yung sugat ko. Mayroon din pala sa siko ko. Hindi ko pansin 'yun kanina.
"Ako nga pala si Ethan." Nilahad niya yung kamay niya. Papunta na kami ngayon sa 4YB. Fourth year nadin pala siya kaya sabay na kaming pumunta doon."Kersty." Tapos nakipagshake hands ako sakanya.
BINABASA MO ANG
Not So Ordinary Love Stories
Novela Juvenil[Former When Exo Enter Your World] Group story. Come with me. Let's find the story out.