Tribe one

19.8K 345 5
                                    

"ka-la-baw"

"si Pedro ay may kalabaw" basa ng mga batang tinuturuan niya.

"magaling.. sunod"

"si Maria ay maganda"

"nakakatuwa naman marunong na kayong magbasa sigurado matutuwa ang mga amang at inang ninyo kapag nalaman ito." Masaya kong sabi sa kanila. Araw-araw tuwing sasapit ang umaga ay nagkikita-kita kami ng mga bata mula apat hangang sampong taong gulang para magaral sa ilalim ng punong balite malapit sa mga bahay namin. Sila yung mga batang hindi nakakapag-aral hindi lang dahil na mababa ang antas ng aming pamumuhay kundi dahil iba kami sa karaniwang mamayan.

Para sa mga mangyan na katulad namin mahirap ang makihalobilo sa mga tagalong sa lungsod. Sa tuwing bababa kami ay maraming mata ang tumitingin sa amin, ang iba makita lang kami ay umiiwas na natatakot sila na may gawin kami sa kanila dahil marunong 'daw' kami ng black magic like duh simpleng mamamayan lang kami na tahimik na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan. Ano naman ang mapapala namin sa mga ganyan kapag minsan talaga makitid ang mga utak ng mga tao basta iba sa kanila may ginagawa ng masama? Kapag sinabi nila na "mangyan ka" ibig nila sabihin mangmang ka, wala kang alam. Kasalanan ba namin na hindi kami makapag-aral, kasalanan ba namin na mahirap kami na ang araw-araw sa buhay namin ay malaking pagsubok na. Ang iba sa amin ay nakakapag-aral lang kapag namasukan na katulong kapalit ng pagpapaaral, yung iba swerte dahil mabait ang amo nila pero yung iba malas dahil inaalipin sila ng sobra.

Sa totoo lang hindi ko rin sila maintindihan eh, sabi nang iba "mahirap lang kami" kung mahirap sila paano nalang kami na mga magyan. Ang bahay namin ay simpleng kubo lang, limetado lang ang mga damit, wala kaming ilaw sa gabi, ang ginagamit namin sa pagluluto ay kahoy na nakukuha namin sa gubat. Kapag may mga sakit kami saan kami kukuha ng mga gamot, umaasa lang kami sa mga halaman para gumaling. Mabuti pa nga sila kasi pwede sila himingi ng gamut eh kami kapag ba huminigi kami bibigyan ba ka agad nila kami, hindi di ba. Yung iba pinagtatabuyan pa kami mababaho daw kami. Paano kami hindi babaho eh maghapon kaming nakabilad sa araw swerte na kung may sabon pampaligo at kung minsan ay shampoo.

Pero kahit ganun ang pamumuhay namin ay masasabi ko na swerte ako, dahil may pamilya ako na mapagmahal, ang aking amang at inang at ang aking makulit na kapatid na si Buknoy. Simple lang ang pamumuhay namin, makakain lang kami maghapon masaya na kami. Ang mga katribo namin, mababaw lang naman ang kaligayahan naming eh kaya nga mas gusto ko pa ang manatili dito kesa ang mamasukan sa lungsod. Nakatapos ako ng secondary pero malaki ang isinakripisyo ko matapos lang.

Tulad ng iba namasukan din ako bilang katulong mabuti na lang at mabait ang naging amo ko, siyam taon na ako ng magsimula nang pag-aaral mabuti na lang at may acceleration test nakapasa ako seventeen na ako nakatapos ng high school at ngayon ay 23 na ako. Mula nang makagraduate ako ay tinuturuan ko na ang mga ka-mangyan kong mga bata na hindi nakakapag-aral para kapag may magtanong sa kanila ay may maisasagot sila at hindi sila maloloko.

"ate Anaya! Ate Anayaaa!!" nakita ko na tumatakbo ang kapatid ko na si Buknoy.

"Buknoy!!" tumatakbo na lumapit ako sa kanya.

"ate Anayaa si Chichi nanganak na" hinihingal na sabi niya

"talaga!! Teka na saan siya gusto ko makita ang mga anak niya" masaya na sabi ko.

"oo ate kanina lang nakita ni amang tara ate" hinila niya ako

"oo sige teka lang" bumalik ako sa mga bata na tinuturuan ko. "bukas na lang tayo ulit kailangan ko kasi puntahan si Chichi"

"pwede po ba naming makita ang mga anak niya?" tanong ni Maya

"oo naman tara" sabay-sabay kami pumunta sa likod kubo namin at nandoon na nga si amang at inang.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon