Tribe nineteen

10K 200 2
                                    

Tribe 19

Ang sabi nila masakit daw kapag nasaktan ka ng taong mahal mo pero hindi ko akalain na ganito pala kasakit yun na sa sobrang sakit hindi mo na kakayaning huminga na ang pakiramdam mo ay manhid na ang buong katawan. Ang sabi ko hindi ako aasa sa binata pero kahit na hinanda ko na ang sarili ay hindi pa rin ako nakaligtas sa sakit na nararamdaman.

Pilit kong inayos ang sarili ng may dalawang babae na pumasok sa elevator, pinagtitinginan ako ng mga ito siguro iniisip ng mga ito nababaliw na ako dahil hilam na hilam sa luha ang mukha kung sabagay baliw nga ako kasi nagmahal ako ng lalaking malayo ang antas ng buhay sa akin nagmahal ako ng lalaki na kabilang sa ibang mundo sino nga ba si Anaya isang mangyan hindi nakapagtapos kumpara sa ... sa babaeng kahalikan nito na maganda, sexy, mayaman at mukang nakapagtapos ng pag-aaral wala nga naman akong panama don.

Pagdating sa ground floor ay pinauna kong lumabas ang dalawang babae pero nakita ko pang tiningnan ako ng mga ito bago umalis. Pinunasan ko na ang basang mukha at pilit na inayos ang sarili gusto ko mang humagulgol sa sakit ay hindi ko magawa dahil pagtitinginan ako ng mga tao at yun ang hindi pwedeng mangyari lagapak na nga ako sa taong mahal ko pati ba naman sa ibang tao ay lagapak pa rin.

Lumabas ako ng hindi ko alam kung saan pupunta, si Eric na lang ang inaasahan ko pero kanina pa siya naka-alis malang malayo na dito. Naglalakad na ako walang direction basta malayo lang dito malayo lang kay Zetrex dahil ngayon hindi pa ako handa na makita siya. Ano kayang ginagawa nila ngayon malamang may ... naman eh bakit ko ba pinapahirapan ang sarili ko! bakit ko pa ba iniisip kung ano ang ginagawa nila ano naman kung may mangyari sa kanila may relasyon naman sila! Pinunasan ko ang luha na tumutulo na naman sa pisngi ko.

"Yana! ... Yana!" napalingon ako at nakita ko si Eric na kumakaway mula sa sasakyan niya. Thank you po Lord bumalik si Eric kung hindi hindi ko alam ang gagawin ko. Mabilis akong lumapit sa sasakyan at pumasok sa loob.

"umiyak ka ba?" natigil ako sa pagkabit ng seatbelt at humarap kay Eric, parang yun lang ang hinihintay ko dahil natagpuan ko na lang ang sarili ko na yakap niya at humahagulgol sa iyak.

"E-eric *hik* a-ang sakit *hik* ang sakit sakit dito oh huhuhu" tinuro ko ang puso ko na sobrang nasasaktan.

"ssshh I know masakit talaga yan pero dapat kayanin mo ... matatag ka di ba alam kong kaya mo yan." Hinimas-himas niya ang buhok. Matatag? Hindi ko alam kung magiging matatag pa ba ako ang daming nangyayari sa buhay ko na hindi ko na alam kung ano pa gagawin ko hindi pa nga tapos ang problema ko sa pamilya tapos ito naman wala bang break.

Humiwalay ako sa yakap ni Eric at pinunasan ang luha ko.

"h-hindi ko na alam Eric" umiling-iling ako "h-hindi ko a-alam kung kakayanin ko pa huhuhu masyado kasing masakit huhuhu"

"iiyak ka na lang ba, susuko ka na ba hindi ganyan ang mga mangyan Yana ang mga mangyan lumalaban hindi ka agad sumusuko kaya lumaban ka hindi pa ito ang katapusan nagsisimula ka pa lang marami pang mangyayari na kailangan mong paghandaan." Sabi ni Eric habang pinupunasan ang mga luha ko.

"k-kung kung ... umuwi na lang kaya ako *hik*"

"hindi solution ang pagtakas, kapag ba umuwi ka mawawala na ang sakit na nararamdaman mo hindi naman di ba, nandito lang naman ako eh hindi kita iiwan kaya tumahan ka na may sasabihin pa ako na mas ikagugulat mo."

Hilam man sa luha ang mata ko ay nagawa ko pang tingnan ng may pagtataka si Eric.

"a-anong sasabihin mo s-saka bakit ka bumalik?"

"J-jade called may ... may report na daw tungkol sa tatay mo." Dapat nakangiti si Eric kasi alam na naming kung na saan ang tatay ko pero bakit mas lumungkot ang itsura nito, may problema kaya sa tatay niya?

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon