"whaaat?!!?" inagaw niya kay Marcus ang cellphone at siya ang kumausap kay Mitch pero bago yun ay ino-off niya muna ang speaker at naglakad palayo sa mga kaibigan.
"what do you mean na nandito si Anaya?"bungad niya kay Mitch, paano mapupunta si Anaya sa Manila at isa pa bakit naman ito pupunta dito, dahil kaya gusto siyang sundan? Mas maganda yun dahil mas malapit na sila sa isa't-isa hindi na siya magiging parang tanga na matutulala na lang dahil kakaisip dito. Mabuti rin na malapit ito sa kanya para mabantayan niya baka magkatotoo ang sinabi ni Marcus na baka may ibang lalaki na lumapit kay Anaya mahirap na baka masalisihan siya.
"oh hello there Kuya Zet" bakit sa pandinig niya sarcastic ang pagkakasabi nito.
"Mitch tell me bakit nandito si Anaya anong ginagawa niya sa Manila?" hindi na lang niya pinansin ang conclusion niya..
"ooh don't worry kuya hindi dahil sayo kung bakit pumunta siya jan." what did she mean?
"could you please just tell me the reason?" naiinis na siya dito ano ba ang problema sa kanya ni Mitch hindi naman ganun ang pakikitungo sa kanya ng babae nung nasa Mindoro pa sila, may nagawa ba siyang kasalanan dito.
"okei fine, nalaman lang naman ni Anaya na adopted lang pala siya-"
"whaaat?" gusto niyang makita si Anaya so he could comfort her, may pinagdadaanan na pala ito hindi manlang niya alam.. ano klase siyang boyf- teka hindi naman sila ah pero kahit na responsibilidad niya ang babae kasi.. Kasi... basta mahalaga ito sa kanya kaya dapat lagi siyang nasa tabi nito.
"yeah yeah you heard me right and by the way kasama pala niya si Eric papunta jan?"
"sinong Eric?!" nagpanting ata ang pandinig niya ng marinig ang pangalan ng lalaki, sino ang tukmol na yun bakit sumama sa kanya ang Anaya niya! wala naman siyang kakilala na Eric!! Arrghh wag lang ito magkakamali na hawakan ni dulo ng buhok ni Anaya, makikita nito ang wrath of Zetrex Vash Auston!
"don't act like a jealous boyfriend kuya if i know my Zoe kana" hindi niya narinig ang huling sinabi nito.
"did you know that guy, bakit sumama si Anaya sa kanya magpapakatiwalaan ba yun, saan sila dito sa Manila tell me Mitch" he almost beg, almost lang naman dahil hindi kaya ng ego niya.
"sorry kuya pero hindi ko rin kilala si Eric ang sabi ni Mang Piko nang magkita kami ay matagal na daw kakilala nila yung Eric ang pamilya daw nito ang nagpaaral kay Anaya and I'm sorry ulit pero hindi rin nila alam ang address ng lalaki basta ang sabi ni Mang Piko ay gustong hanapin ni Anaya ang biological mother niya." bigla siyang nanghina sa nalaman, saan naman niya hahanapin si Anaya ang laki-laki ng Manila!
Isang linggo na siya sa Manila pero nasa loob lang siya ng bahay ni Eric. Nangako ito sa kanya na sasamahan siya na puntahan ang address ng kanyang ina, hindi lang nito magawa ngayon dahil marami itong ginagawa sa opisina sa sabado pa daw ay masasamahan na siya.
Hindi niya inaakala na mangyayari nga ang paghahanap niya sa tunay na ina. Nang sabihin niya kasi sa inang na gusto niyang makita si Althea ay napakaimposible yun dahil wala silang pera para pamasahe at panggastos niya, hindi rin niya alam ang papunta sa Manila at wala siyang alam sa lugar na yun. Kung kasama pa niya siguro si Zetrex noong malaman niya na ampon siya baka ito ang kasama niya ngayon at hindi si Eric. Wala naman siyang reklamo kay Eric dahil napakabait nito sa kanya mula pa noong nakatira siya sa mga ito. Magrereklamo pa ba siya kung lahat ng gastos niya at ito ang nagbibigay, kaya nga tumutulong siya sa gawaing bahay para man lang makabawi sa kabaitan ng binata. Hindi naman gusto nito na kumikilos siya kaya kapag wala si Eric sa bahay ay kakontsaba niya si Manang Ising ang tanging kasama nito at siya ay tumutulong sa trabaho nito.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomanceSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...