Special Chapter I
"Ang ganda naman ng anak ko"
Nakangiti akong lumingon sa nagsalita, nakita ko sila Amang, Inang at Buknoy nakatayo at katulad ng mga tao sa paligid ay nakagayak din sila ng pangkasal.
"Inang! Amang!" Patakbo akong lumapit sa kanila. Niyakap ko sila ng mahigpit si Buknoy naman ay pinugpog ko ng halik. Namiss ko sila ng sobra isang buwan din kasi na hindi ko sila nakita. Ayaw kasi nila Amang na manirahan ng matagal sa Manila, namimiss daw nila ang Pinamalayan at mas gusto nila manirahan dun kesa dito.
5 months
Five months na ang nagdaan mula ng magpropose sa akin si Zetrex. Marami rin ang nangyari mula noon. Una, nakalaya na si Daddy at nagkapatawaran na rin ang dalawa, nagulat nga kaming lahat na nandoon ng biglang lumuhod si Zetrex sa harap ni Daddy para humingi ng tawad dahil sa pagpapakulong niya dito at hiningi rin niya ang kamay ko kay Daddy. Noong una nagulat sila, hindi kasi nila alam na magkakilala kami ni Zetrex at hindi rin nila alam na may namamagitan sa amin pero yun lang yun dahil pumayag na rin si Daddy na magpakasal ako sa dating amo niya. Masaya kami ng araw na yun nagkaroon ng biglaang party sa bahay nila Mommy pero hindi pa engagement party dahil sinabi ko sa kanila na gusto ko munang ipaalam kina Amang at Inang kaya kinabukasan ng araw na yun ay nagtungo kami sa Mindoro.
Pagdating namin sa Sabang ay nagulat ang mga katribo ko dahil magkasama kami ni Zetrex na dumating. Agad naman ako niyakap nila Amang at Inang, kinamusta nila ako kung nahanap ko ba ang tunay kung mga magulang sinabi kung oo dun na sila umiyak ibig daw sabihin iiwan ko na sila ang sabi ko naman hindi dahil isasama ko sila sa Manila pagbalik ko. Matapos kami magkamustahan at ikwento ang tungkol sa mga magulang ko ay doon na namin sinabi na balak namin magpakasal ni Zetrex at hihingi kami ng basbas nila. Katulad din ng mga tunay kung magulang nagulat din sila akala kasi nila hindi mauuwi sa kasalan ang relasyon namin dito sa Sabang pero masaya daw sila dahil nakahanap na ako ng lalaking magaalaga at magmamahal sa akin hanggang sa pagtanda. Matapos sa pamilya ko ay ibinalita na namin sa buong tribo ang tungkol sa pagpapakasal. Tuwang-tuwa naman sila at nagkaroon pa ng munting salo-salo, binasbasan din kami nila Apoy bahagi ng tradisyon ng mga mangyan.
Pagsapit ng gabi ay tuloy pa rin ang sayahan, may malaking apoy sa gitna habang ang iba ay nagsasayaw paikot dito. Ang saya lang tingnan ang mga kasama ko na nagsasaya, sigurado akong mamimiss ko sila ayuko mang umalis dito pero kailangan dahil hindi naman dito ang buhay ni Zetrex.
Habang nagsasayan ang lahat ay lumapit sa akin si Zet at niyakap hindi ko alam na may sorpresa pala siya sa akin at sa mga kasama ko.
"Magandang gabi po sa ating lahat" tumigil ang mga nagsasayaw at nagpapatugtog at nakinig sa ano mang sasabihin ni Zetrex "gusto ko pong magpasalamat sa pagkakataon na makilala kayo, marami po akong natutunan sa inyo. Ang mamuhay ng napakasimple ay ni minsan hindi sumagi sa isip ko dahil akala ko hindi ako mabubuhay pero mali pala ako dahil ng mga panahon na tumira ako dito nahiling ko na pwede bang dito na lang ako habang buhay pero malabo yung mangyari dahil maraming pamilya ang umaasa sa akin sa Manila at kailangan kong magbalik doon. Ngayon po na nakatakda na ang pagpapakasal namin ni Anaya alam kong malulungkot siya ng todo kapag tuluyan na siyang malayo dito" tumingin siya sa akin at mahigpit na hinawakan ang kamay ko. "Kaya napagdesisyunan ko po na hindi na ituloy ang rancho at patayuan nalang ng malaking bahay sa bandang dulo para po kung may mga bagyo o sakuna ay pwede po kayong tumira doon at dun din po kami tutuloy sa tuwing magbabakasyon dito. Ang lupa po na ito at lahat ng bahagi ng ari-arian ko na hindi magagalaw ng malaking bahay ay ipapangalan ko na po sa inyo"
Nagulat ako sa sinabi niya at ganun din ang mga kasamahan ko pero maya-maya ay nagsaya na rin sila. Nakatingin lang ako kay Zet habang lumuluha sa saya. Hinawakan niya ang magkabila kong pisnge at pinunasan ang mga luha ko. "Nagustuhan mo ba?" Sunod-sunod akong tumango, niyakap ko siya ng mahigpit "salamat, salamat, salamat Zet hindi mo alam kung gaano mo kami pinasaya salamat talaga malaking utang na loob namin ito sayo.""Ssh ito ang paraan ng pagpapasalamat ko dahil inalagaan ka nila sa mga panahon na wala pa ako sa buhay mo pero ito ang pangako ko sayo Anaya mula ngayon ako naman ang magaalaga sayo, babawi ako sa 23 years na wala ako sa tabi mo." Napangiti ako sa sinabi niya. Lord marami pong salamat dahil ibinigay niyo sa akin ang lalaking ito.
Ganun nga ang nangyari. Pagbalik namin sa Manila ay kasama ko na ang pamilya ko, ipinakilala ko sila kina Mommy at Daddy pasalamat na lang ako na hindi sila matapobre at tinanggap nila ng maluwag ang pamilya ko sa Mindoro. Sinisimulan na rin ang bahay sa Sabang dalawang buwan na lang ay matatapos na ito.
"Ate tama na!!!" nagbalik ako sa kasalukuyan ng sumigaw si Boknoy, natawa ako dahil ang dami niyang lipstick sa mukha "ate naman eh"
"hahaha sorry na miss ka kasi ni ate"
"namiss rin naman kita ate eh wala na akong kalaro sa ilog"
Niyakap ko ang kapatid ko "wag kang magalala malapit ng umuwi si ate, maglalaro ulit tayo namiss ko rin ang ilog teka kamusta na si Chie-chie at ang mga anak niya"
"Ate ang lalaki na nila sila Meng at Deng may mga anak na"
"Talaga ang babata pa nila"
Napakamot sa ulo ang kapatid ko at parang tatay na namomroblema sa mga anak "hindi ko nga rin po alam ate eh nalaman nalang namin nila Amang buntis na sila."
"Tsk tsk dapat pagsabihan mo sila"
"Opo ate pagsasabihan ko sila paguwi namin, sana makinig sila"
"Makikinig yun"
"Anaya ija, it's time" ngumiti ako kay Mommy, inadopt na kasi ang pangalan ko na Anaya kaya ang panglan ko na ngayon ay Sandra Anaya Mercado.
"Masaya kami para sayo anak at wag mong kakalimutan na mahal na mahal ka namin nila Amang mo" niyakap ko si Inang, niyakap din kami ni Amang mula sa likod ko, naramdaman ko na may maliit na mga kamay ang humawak sa bewang namin. Maraming salamat po Lord sa pagbigay niyo sa akin ng mapagmahal na pamilya.
"Okey where is my princess" naghiwalay kami sa yakapan ng dumating si Daddy
"Daddy" tawag ko sa kanya
"Princess! Ang ganda ng anak ko kamukh ka talaga ng Mommy mo noong dalaga pa siya, napakaganda" niyakap niya ako ng mahigpit.
"At ngayon?" Singit ni Mommy habang nakataas ang isang kilay at nakapamewang.
"Maganda pa rin" lumapit sa kanya si Daddy at humalik sa pisnge. Napangiti ako doon, sana pagtanda namin ni
Zetrex ay ganyan din kami kasweet.*tok*tok*tok*
Bumukas ang pinto at sumilip si Jessa, ang wedding coordinator.
"Sorry po kung maiistorbo ko ang family bonding niyo pero hinihintay na po ang bride sa simbahan" tumingin sa akin ang lahat ng tao sa loob ng room. Ang kanina na kaba ko ay muling bumalik sa dibdib ko. Ito na, ito na talaga magpapakasal na ako sa lalaking mahal ko. Huminga ako ng malalim saka ngumiti at tumango.
____________________________________
This is suppose to be one chapter lang kaso masyadong sinipag ang mga daliri na magtype kaya ito nahati sila..
Read the Special Chapter II susunod na. Salamat.*^▁^*
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomanceSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...