Tribe twelve

10K 254 5
                                    

Sa tulong ni Zetrex ay nailipat sa private room ang kapatid, pasalamat sila dito dahil mas nababantayan ang kalagayan ni Buknoy.

"Zetrex salamat talaga sa tulong mo." Sabi niya sa binata, nakaupo sila sa plastic na upuan sa tabi ng higaan ni Buknoy samantalang ang mga magulang niya ay natutulog sa sofa.

Hinawakan nito ang kamay niya at mariing pinisil. "ano ka ba, para ko na ring kapatid si Buknoy kaya wag kang magpasalamat dahil ginawa ko lang ang gusto kong gawin." Sinuklian niya ang ngiti nito sa kanya.

"alam mo hindi ko talaga akalain na ikaw ang bagong may-ari ng lupain kasi ang nasa isip ko noon matandang panot at malaki ang tiyan." Natawa ito sa sinabi niya kaya natawa na rin siya.

"pero yun pala ano, hmmm?"

"yun pala, bata pa at hindi panot at ......" sadyang binitin niya ang sasabihin para asarin ito.

"at ano pa sabihin mo na wag mo na akong bitinin." Sinundot-sundot nito ang tagliran niya kaya natatawa siya lalo.

"alam mo na eh.. hindi malaki ang tiyan.." sabi niya.

"sus alam ko naman na pinagnasaan mo ang six packs ko noong nagsuot ako ng bahag." Namula siya sa sinabi nito dahil totoo naman yun, pinalo niya ito sa braso para pagtakpan ang pagkapahiya.

"see guilty ka talaga, hahaha" asar pa nito kaya hinampas ulit niya ang braso nito.

"tumigil ka na nga, tsk." Nagkunwari siya na naghikab para tigilan na siya nito.

"halika dito, hinila nito ang inuupuan niya at nilapit pa sa upuan nito saka siya pinasandig sa dibdib nito, ang dalawang braso nito ay nakapalibot sa bewang niya.

"sleep my Zoe" nilingon niya ito.

"hindi ako si Zoe" bigla na lang nag-init ang ulo niya sa sinabi nito. Ito ba ang pangalan ng yung nobya nito sa Manila at napagkamalan siya na siya ito. Aalis na sana siya sa pagkakayakap nito sa kanya pero humigpit lang yun kaya hindi rin siya nakaalis.

"I know" hinihintay niya na may idugsong pa ito sa sasabihin pero wala na kasi pinikit na nito ang mga mata. Binalik na rin niya ang pagkakasandig sa dibdib nito, maya-maya narinig niya na bulong nito. "coz your my Zoe" . Sino ba talaga ang Zoe na yun, nakatulugan na lang niya ang isipin.

Pagising niya ay nagtaka pa siya dahil sa sofa na siya nakahiga. Nakita niya ang mga magulang na nagbabantay sa kapatid niya.

"inang na saan po si Zetrex?"

"lumabas, bibili lang dawn g makakain." Tumango siya at binalingan ang amang,

"amang hindi po ba kayo giniginaw?"

"ito nga giniginaw na ako." Naawa siya sa amang, ang dala nilang kumot ay dinoble sa kumot ni Buknoy. Maya-maya ay bumukas ang pinto akala niya doctor pero si Zetrex lang pala at kasama nito si Marcus at si ..

"Mitch?"

"Anaya!!" lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya. "sumama ako kay kuya Marcus hope you don't mind." nginitian niya ito.

"okey lang" hinihintay niya na magtanong ito kung mangyan ba talaga siya pero hindi nangyari yun. Lumapit sa kanya si Zetrex at umupo sa kabila niya.

"kamusta ang tulog mo, masakit ba ang leeg mo?" tanong nito, hahawakan pa sana ang leeh niya pero pinigilan niya ang kamay nito.

"walang masakit sa akin, ikaw ba ang naglipat sa akin dito?"

"yup para makahiga ka nang maayos." Hinawi nito ang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha niya.

"ehem ehem" napatingin sila kay Marcus.

"Hi Anaya, ang tagal nating hindi nagkita pero maganda ka pa rin." Sabi nito sabay taas ng dalawang kamay, anong ginagawa nito?

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon