"ZETREX may problema tayo" yaan ang bungad ni Marcus sa kanya pagdating palang sa bahay ng mga ito, galing kasi siya ng park ayaw man niyang aminin pero nagbabakasakali siya na makita si- basta kilala niyo na kung sino. Baka kapag nagkita ulit sila mawala ang paghanga niya sa dalaga.
"what is it?" sabi niya at dumiretso sa reef para kumuha ng tubig.
"hindi pumayag ang mga naninirahan sa lupain na umalis doon."
"what!! Akala ko ba walang nakatira doon?" Kuno't ang nuo niya na tinanong ito.
"may sinabi ba ako na walang nakatira dun?" kuno't nuo ding tanong sa kanya. Aist ang hirap kausap ng lalaking ito, tatanda siya ng maaga kapag kasama niya si Marcus.
"okei sabihin mo na lang sa akin kung ano ang nangyari." Sabi na lang niya at umupo sa couch. Umupo din naman ang kaibigan at hinarap siya.
"ang sabi ni Attorney Nuguit, hindi daw pumayag ang mga mangyan na basta basta umalis sa lugar-" pinutol niya ang sinasabi nito
"wait did you say mangyan?" tumango ito at ngumiti ng nakakaloko, right sana hindi na lang niya tinanong.
"don't tell me dude may soft spot kana sa mga mangyan dahil kay An-"
"shut up, ituloy mo na lang ang sasabihin mo." Putol niya ulit sa kaibigan, knowing him kapag hinayaan lang magsalita tuloy-tulog lang sa kadadakdak.
"sabi ko nga, mga mangyan ang nakatira doon sa lupain na nabili mo mahinahon naman nila na napagusapan na may bago na ngang nagmamay-ari pero gusto muna nilang makausap ka bago sila umalis."
"what for?"
"I don't know baka makiusap na wag mo na lang sila paalisin."
"tsk hindi pwede yun matagal ko nang hinihintay ito, nakakuha na ako ng architect para sa rancho, may pundo na rin ako hindi pwedeng mapurnada pa yun."
"pero what if dude na doon pala nakatira si Anaya?" sinamaan niya ito ng tingin, ayaw na nga niya marinig ang pangalan ng babae di ba.
"impossible maraming mangyan dito at saka malayo na dito ang lugar na nabili ko."
"sabi mo eh so kalian tayo pupunta doon?"
"sasama ka?"
"of coarse pababayaan ko ba naman ang kaibigan ko, baka makidnap ka doon at hindi na makabalik pa. hahaha" binato lang niya ito ng unan saka umakyat papuntang kwarto niya. Napabuntong hininga na lang siya ang daming nangyari sa buhay niya sa loob pa lang ng tatlong araw. Tsk..
Sumunod na araw ay nag-ayos sila ng gamit na dadalhin. Wala daw kasing daanan ng sasakyan papunta sa tinitirhan ng mga mangyan kaya kailangan nila maglakad ng malayo. Checkered shirt and maong pants lang ang suot niya,
may dala rin siya na bag, nandoon ang gadgets niya hindi pwede na hindi niya dala yun dahil maya-maya ang tawag niya sa opisina para alamin ang mga nangyayari. May dala rin siyang extra shirt, mineral water at sandwich. Handa na siya kaya tinawag na niya ang kaibigan. Dalawang sasakyan ang gamit nila ang isa ay silang dalawa ni Marcus ang magkasama ang isa naman ay sila Attorney Nuguit at isa pa nitong kasama. Pagpunta daw doon ay magpapasama sila sa opisyal ng barangay. Madyo malayo ang barangay Sabang mula sa bayan, may matatarik na daanan at lubak-lubak na kalsada.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomanceSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...