Epilogue
Nakagat ko ang labi ko. Ngayon ko lang na realize na ganito ko pala na miss si Zetrex. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya ng mahigpit. Sabihin sa kanya na sobra ko siyang na miss at mahal na mahal ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pwede ang gusto kong mangyari unang-una ano ang karapatan ko na gawin yun hindi niya ako girlfriend at hindi matatawag na relasyon ang pinagsaluhan naming mga halik. Ako lang naman ang umasa na baka sakali may nararamadaman siya sa akin pero asa naman ako may nobya na pala siya. Biglang bumalik sa alaala ko ang nasaksihan bago umalis sa poder nito at kasabay nun ay ang muling pagbalik ng sakit sa dibdib ko. Pilit ko mang kalimutan ang eksena ay hindi pa rin ito maalis sa isipan ko at parang sirang plaka na paulit-ulit na lumalabas.
"A-anaya" bumalik ang isip ko sa kaharap. Naka-upo pa rin ito at gulat na nakatingin sa akin. Siguro hindi nito inaasahan na ako ang gustong kumausap sa kanya.
"Z-zetrex" balik na tawag ko sa kanya. Tumayo ito sa pagkakaupo at unti-unting lumapit sa akin.
"y-you're here" parang hindi makapaniwala na sabi nito. Ngayon ko lang napansin ang maitim sa ilalim ng kanyang mga mata parang wala pa itong tulong at may maliliit na bigote ito sa gilid ng mukha. Mukhang pumayat din ito mula ng huli kong Makita at gusto ko mang isipin na ako ang dahilan kung bakit ito nagka ganoon ay hindi ko na lang itinuloy. Siguro problemado talaga ito sa kaso ng daddy ko hatalat naman yun sa sinabi niya kanina na wala itong balak i-urong ang kaso.
Gusto kong umalis dahil mukhang hindi naman magbabago ang desisyon nito pero pinigilan ko ang sarili. Ako na lang ang inaasahan nila mommy at daddy at kahit hindi nila alam na nandito ako para makiusap ay dapat hindi ko sila biguin. Masakit man sa puso ko na kaharap ang lalaking nanakit sa akin kahit wala man lang itong ideya na nasasaktan niya ako ay titiisin ko na lang. Baka tama si Eric baka ito na ang pagkakataon na malaman ko rin ang tunay niyang nararamdaman yun ay kung meron nga. Pero malabo yun may nobya na nga ito di ba bakit hindi tumatak sa isip ko na wala na akong pag-asa na ang lalaking una kong minahal ay hindi mapapasaakin na hindi kami para sa isa't-isa kundi sa babaeng nabibilang sa mundo nito hindi katulad niya ... isang mangyan laki sa bundok at kahit hindi siya tunay na mangyan sa puso niya mananatili pa rin siyang ganun. Dapat taposin na niya ang kahibangan taposin na din dapat niya ang kailangan sa lalaking nagturo sa kanya na magmahal.
"Z-zetrex nan-hmmm" hindi natuloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong niyakap. Hindi ako nakagalaw sa pagkabigla. Ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko natatakot ako na maramdaman niya yun dahil sa higpit ng pagkakayakap sa akin.
"Z-zetrex" tawag niya ditto ng matauhan siya.
"God I miss you Anaya ... I miss you I miss you" himiwalay ito sa pagkakayakap pero hindi ako binitawan hinawakan niya ang magkabilang pisnge ko at may pinunasan doon. Ngayon ko lang nalaman na umiiyak na pala ako kaya pala medyo malabo na ang tingin ko. Nakakahiya! Ano ang sasabihin ko kung bakit ako umiiyak? Na sobra ko siyang na miss at ang salitang na miss rin siya nito ay labis na nagbigay ng kaligayan sa puso ko. Para ko na ring inamin na mahal ko siya!
"h-hindi ko alam kung bakit ka umalis Anaya but please ... please pagusapan natin to wag mo lang gawin yun wag mo lang akong iwan ulit please." Mas bumilis ang pag-tulo ng mga luha niya sa nabasa sa mga mata nito. Ayaw niyang umasa na naman dahil sa pinapakita nito sa kanya. Ayaw niyang isipin na pagmamahal ang nababasa niya baka nagkakamali lang siya at baka masaktan na naman siya.
"z-zetrex" umiling-iling siya. Laking gulat niya ng bigla na lang itong lumuhod sa harap niya. "Zetrex!!" saway niya ditto. Hindi niya ito mainitindihan ano ba nag ginagawa nito. Nanlaki ang mata niya ng yumogyug ang mga balikat nito. Umiiyak ba ito.
"A-anaya please ... g-gawin mo na ang lahat sa akin wag mo lang akong iwan ... hindi ko kaya ... hindi ko kakayanin baka mabaliw ako kaiisip sayo." Lumuhod din siya para makita ang mukha nito at ganun na lang ang pagkabigla niya ng makita na basa ang mukha nito. Umiiyak nga siya.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomantikSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...