Tribe five

11.7K 211 2
                                    

"ANAYA LAKAMBINI, bakit parang familiar sa akin ang pangalan niya?" tanong ni Marc.

"of coarse kuya nameet mo na siya one time ng sunduin mo ako sa school, classmate kami nun" sabi ni Mitch

"aaah pero hindi ko pa rin matandaan ang mukha niya." sumingit na siya sa usapan ng magkapatid.

"wait wait, so kilala mo talaga siya alam mo ba kung saan siya nakatira?" tanong niya.

"I'm sorry kuya Zet, hindi ko alam kung saan siya nakatira hindi naman kami close tamang naguusap lang kami paminsan-minsan."

"eh yung mga kaibigan niya, baka alam nila."

"wala siyang friends eh, ako nga lang ang kumakausap kay Anaya." Bigla siyang na awa sa dalaga, bakit walang nakikipagkaibigan dito.

"bakit ganoon, masungit ba siya masama ba ugali niya kaya wala siyang kaibigan?" tanong niya pero duda siya na masama ang ugali nito, napaka-amo kaya ang mukha ng dalaga at kung masungit talaga ito eh di sana sinungitan na siya ng magkabunguan sila.

"hindi ganun, mabait si Anaya wala lang gustong maging friends siya alam mo naman ang mga schoolmates ko kuya Marc di ba ang aarte wala namang i-aarte. Akala mo kung sinong malilinis at kung mangdiri kay Anaya wagas, sakit nila sa bangs kaya." Maarte na sabi nito.

"I don't get it, bakit naman sila ganun?" tanong ni Marc, oo nga bakit sila ganun sa Anaya niya-wait wait wait Anaya NIYA?? kalian pa niya ito pag-aari. Jeez kanina lang niya ito nakita pero kung makapag-react siya parang matagal na silang magkakilala. Ano ba talaga ang nangyayari sa kanya, seriously hindi na niya alam.

"oh sorry nakalimutan kung sabihin na .... mangyan pala si Anaya" ^__^v

"HUWAAATTT???!!!" sabay nila na tanong ni Marc. Parang lumaki ang ulo niya sa taas sa narinig. Teka si Anaya, yung babae na gumugulo sa isip niya mula kanina na makita niya ito hangang ngayon ay isang ..... mangyan?? ano ito joke.

"Hahahahahahaha ang galing mo mag-joke couz, panalo hahahaha" nakitawa na rin siya sa kaibigan, mangyan... ppfft ang layo ng itsura ni Anaya sa isang mangyan kanina nakakita siya pero hindi naman ganun si Anaya pero... yung suot niya na damit.... Ay ewan hindi mangyan si Anaya. Period.

"I'm not joking, siya yung sinasabi ko na maganda na mangyan na classmate ko dati. Kuya naman sinabi ko sayo yun dati di ba?" natigil ang pagtawa nila sa sinabi ni Mitch.

"y-you s-serious?" hindi makapaniwala na tanong niya. shit mukang namalik mata yata siya. It can't be serious right, siya magkakagusto sa isang... damn mangyan?!! teka teka may sinabi ba siyang gusto wala naman ah, ang sabi niya nagandahan lang siya.. oo tama wala naman masama ang maka-appreciate ng natural beauty.

"yes 100%!!"

"ppffft wahahahahaha s-si si hahahah epic pare, sa isang mangyan ahahahahaha" kung hindi lang kasalanan ang pumatay ng tao matagal na niyang niloblob sa tubig ang kaibigan. Asar lang.

"shut up!!" inis na sabi niya.

"relax dude hahaha sa sorang pihikan mo sa babae mangyan lang pala ang katapat mo ahahahaha- aray nakakarami ka na!!"

"serves you, may sinabi ba ako na gusto ko si Anaya wala di ba nagandahan lang talaga ako sa kanya."

"agree ako jan kuya, ilang beses ko na ngang tinanong kung mangyan ba talaga siya pero sabi niya oo daw kyaaaaah kinikilig ako para kay Anaya. Imagine may nakabighani ng beauty niya, manila boy pa I'm so kinikilig." Pariho lang sila may sapak ng pinsan niya.

aaarghh ngayon masakit na talaga ang ulo niya. bakit ganun kung kalian pa siya nagkaganun sa isang babae sablay pa. tsssk baka gumamit ang babae ng black magic kaya ganun na lang ang epekto nito sa kanya. Darn man kahit pilitin niya na iwaglit sa isipan ang mukha ni Anaya bumabalik at bumabalik pa rin. Hangang sa maghiwahiwalay sila ng gabi na yun ay mukha lang ni Anaya ang nakikita niya. Ano ba gagawin niya, ipokpok kaya niya ang ulo sa pader para makalimutan niya pero wag na lang pala Baja Nikolai lang ang mukha niya. itutulog na lang niya ito baka bukas makalimutan na niya ang babae. Sana nga.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon