Tribe twenty

11.7K 217 3
                                    

Tribe 20

Kami lang tatlo ang nadito sa loob ng room binigyan kasi kami ng privacy para magkausap-usap. Nakaupos sa harap ko si ... d-daddy at katabi ko naman si m-mommy na nakahawak sa kanang kamay ko at ang isa naman si daddy ang may kawak. Hindi pa ako nasasanay na tawagin sila sa ganun sanay kung nanay at tatay pa baka hindi ako mailang.

Tahimik lang kami na nakatingin sa isa't-isa, titig na titig sila sa akin na parang gusto nilang mimoryahin ang mukha ko. Kanina nang makita ko si d-daddy akala ko magtatanong pa siya kung sino ako at kung bakit ako yakap ng asawa niya mero ganun na lang ang gulat ko ng bigla na lang ito umiyak at lumapit sa akin at niyakap ng mahigpit. Ramdam ko sa mga yakap nila ang labis na pangungulila ng mga magulang sa isang anak. Nong oras na yun alam ko na mahal na mahal nila ako kahit ngayon pa lang kami nagkita at ganun din ako sa kanila hindi man sila ang kinilala kong mga magulang at buong buhay ko ay hindi ko na kasama ramdam ko dito sa puso ko na mahal na mahal ko sila.

"hindi ako makapaniwala Lucy, nandito na ang anak natin." Nakangiti na sabi ni d-daddy habang nakatingin sa akin, ang kanilang isang kamay ay magkahawak. Hinaplos ni m-mommy ang buhok ko.

"oo nga Carlos ang tagal na nating hinihintay ang araw na ito na muli nating makikita ang anak natin." Lumuluha na sabi ni m-mommy. Ngumiti ako sa kanila, lumuluha rin ako pero hindi dahil sa lungkot kundi dahil saya na sa wakas ay nabuo rin kami.

"p-pagpasensyahan mo na ang ... ang d-daddy mo anak" pinisil nito ang kamay ko at malungkot na ngumiti. "k-kung hindi k-kung hindi lang nalugi ang hacienda natin hindi naman ako magnanakaw." Sumubsob ito, naramdaman ko na nababasa ang kamay ko at ang balikat nito ay yumuyogyog. Tumingin ako kay mommy tumango siya, tumayo ako at tumabi kay daddy niyakap ko siya mula sa likod.

"n-naiintindihan ko naman p-po kayo w-wag po kayong mag-alala tutulongan naman po tayo ng mga kaibigan ko naniniwala ako na makakalaya pa po kayo." Umalis ito sa pagkakaubob at tumingin sa akin, hinawakan nito ang magkabila kong pisnge.

"m-maraming salamat a-at dumating ka princess ... b-binigyan mo ng bagong pag-asa ang daddy mo." Pinunasan nito ang luha sa pisnge ko at mahigpit akong niyakap, niyakap ko rin siya. Tumingin ako kay mommy, pinapahid nito ang mga luha sa pisnge at nangiti na nakatingin sa aming dalawa ni daddy.

Hindi ko alam kung ilang oras kaming nagkwentuhan nila mommy at daddy matapos ang drama naming. Tinanong nila ako kung ano ang nangyari sa buhay ko, kung sino ang umampon sa akin at nagulat sila ng malaman ang istorya ng buhay ko. Hindi ko daw dapat naranasan ang lahat ng iyon dahil isa daw akong Mercado, mas lalo pang na guilty si daddy dahil kung hindi lang daw siya nakalimot at nagpadala noon ay hindi daw sana ako nawalay sa kanila. Alam ko na ang tinutukoy nila ay si Althea, gustuhin ko man sanang itanong ang tungkol kay baby Anaya ay hindi ko na ginawa baka kasi mas lalong malungkot si daddy anak rin naman niya yun. Natigil lang ang kwentuhan namin ng pumasok sila Eric, Jade at ang dalawang abogado na sila Attorney Rafael at Attorney Tan na siyang abogado na kinuha nila daddy.

"we already talk about your case Mr. Mercado and good thing na nandito si Attorney Rafael paa tumulong. We already bailed you para pansamantalang makalaya ka."

"thank you attorney Tan and attorney Rafael at maraming salamat din Jade nakwento ni misis at ni princess na ikaw daw ang nagpadala kay attorney Rafael." Tumayo si daddy at kinamayan ang dalawang attorney gayun din kay Jade.

"wala po yun Mr. Mercado, kulang pa po ito sa nagawa ng tita ko and I'm really really sorry for what she did."

"wala na tayong magagawa it's all in the past ang mahalaga nasa tabi na naming ang princess namin" ngumiti ako kay daddy ng tumingin siya sa akin, bigla akong nahiya ng tawagin niya ako na princess sa harap nila para kasi akong bata kung tawagin na princess.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon