"what's with that face girl, expect ko pa naman magka-cry-cry ka pag-alis nila kuya." Sinalubong siya ni Mitch sa pagpasok sa bahay imbis na sagutin ay nginiti niya lang ito at nagtuloy-tuloy sa sala. Naka-ayos na rin ang mga gamit nila na dadalhin pauwi sa Sabang. Binilhan din sila ni Zetrex ng mga solar lamp para ipamigay sa mga kasama. Si Cholo at Mitch ang maghahatid sa kanila gusto daw kasi nitong makita ang lugar na tinitirhan nila.
"maraming salamat po sa pagpapatuloy, ang bait bait niyo" rinig niya na sabi ng kanyang inang.
"wala yun Maring, kung may kailangan kayo wag kayong mahiya na lumapit sa amin." Ani ni Tita Eme, kaya naman pala mabait sa kanya si Mitch ay mababait ang mga magulang nito. Hindi man lang nagdalawang-isip na patuluyin sila bahay ng mga ito.
"naku salamat po ulit" sabi naman ng kanyang amang, nagpasalamat din sila ni Buknoy sa mag-asawa.
"ma, ihahatid na namin sila." Singit ni Cholo sa kanila. Nadala nap ala ang mga gamit nila sa sasakyan, van ang gagaminitin nila dahil marami sila at ang kanilang dadalhin ay nadagdagan pa dahil nagbigay ng mga pagkain ang pamilya. Sobra-sobra na yata ang natatangap nila ngayon. Matapos magpasalamat ay sumakay na sila sa sasakyan. Ang katabi ni Cholo na siya driver ay ang kanyang amang, sa likod naman ay kanyang inang at Buknoy bali sila ang nasa dulo ni Mitch.
Nakatingin lang siya sa labas ng bintana, hindi niya magawang magsaya di tulad ng pamilya niya na masaya dahil unang beses pa lang nila makasakay ng ganito. Iniisip pa rin niya kasi ang nangyari kanina, umalis ang binata na walang iniiwan na pangako na babalikan pa siya. Sabagay, bakit naman ito babalik para sa kanya kung bumalik man ito malamang dahil sisimulan na ang pagpapatayo ng rancho pero hindi na siya ang magiging dahilan. Kung may malalim ito na nararamadaman sa kanya, sana nagpahiwatig ito sa kanya o kaya sasabihin siya na hintayin ang pagbabalik niya pero tanging "take care my Zoe" tsss may pa take care take care pa iba naman ang pangalan na sasabihin.
"girl I know na hindi ka okey kasi umalis si kuya Zet pero I can sense na may something pa, care to tell promise atin-atin lang ito." Nilingon niya ito at nakita na nakataas ang kanang kamay. Binuga niya ang hangin na hindi niya alam na pinipigil na pala niya.
"may kilala ka bang Zoe?" mabuti na magtanong siya, baka kilala nito ang babae na tinatawag ni Zetrex.
"Zoe, hmmm bukod sa favorite author ko sa wattpad wala naman akong ibang kilala na Zoe. Bakit mo naman naitanong?" kuno't ang nuo na tanong nito sa kanya. Sasabihin ba niya o wag na lang pero ito lang kasi ang kilala niya na kakilala si Zetrex.
"aahh ano kasi ahmm y-yun yung t-tinawag sa akin ni Zetrex kanina." Nahihiya niyang tanong.
"what??!! Sinabi niya yun. tsss akala ko naman nagbago na siya." Naiinis na sabi nito.
"b-bakit ano ba siya dati?" kinakabahan siya sa isasagot nito, baka ang sagot nito ang makapagpaliwanag sa kanya kung bakit parang special siya sa binata. May kahulugan ba ang pinapakita nito sa kanya o tulad ng ibang kakilala niya na natural lang dito ang maging malambing at maalaga kahit wala namang malalim na nararamdaman.
"hindi ko naman sinisiraan si kuya Zet sayo pero dahil na iinis ako sa kanya dahil tinawag ka niya sa ibang pangalan na babae ay sasabihin ko na." tumigil muna ito sa pagsasalita at tumingin sa kanya. "babaero si kuya Zet"
babaero si kuya Zet
babaero si kuya Zet
babaero si kuya Zet
Ngayon alam na niya kung bakit ito malambing sa kanya, tulad rin pala ito ng iba niyang kakilala. Kaya pala patago lang siya na hinahalikan nito ay dahil natatakot ito na mapikot niya. Kaya pala hindi siya nito magawang halikan sa labi dahil wala pala talaga itong nararamdaman sa kanya. Sinabi na nga ba, hindi siya dapat umasa pero kahit na pinaghandaan na niya na mayngayari ito ay masakit pa rin sa kanya. Ito ang unang lalaki na minahal niya, ito ang unang lalaki na nagparamdam sa kanya na mahalaga siya pero hindi pala tunay iyon. Unti-unting tumulo ang luha niya, pinahid niya ito pero tuloy-tuloy lang sa pagagos mabuti na lang may music dahil kung wala baka narinig na ng pamilya niya ang mahina niya paghikbi.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomanceSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...