Tribe eight

10.3K 227 4
                                    

Tribe 8

HINDI siya makapaniwala sa ginawa ng kaibigan, akala ba niya hindi siya iiwan nito pero ang sira ulo iniwan na lang siya nang hindi nagpapaalam at gumawa pa talaga ng kwento. Humanda ito sa kanya kapag nakauwi siya.

"Kuya kakainin na po tayo." Tinanguan niya si Buknoy, ang kapatid ni Anaya siguro siyam o sampong taon na ang bata. Pumasok siya sa kubo, hindi siya makapaniwala na ganito lang kaliit ang tirahan ng mag-anak kasing liit lang ng walk-in closet niya sa bahay niya sa Manila. Tiningnan niya sila Aling Maring at Mang Piko, nginitian siya ng mga ito at hinain sa kanya ang pagkain. Ang kanilang ulam ay dalawang lata ng sardinas at gulay na sitaw, ang sabi ni Buknoy sa kanya ay pyesta na daw sa kanila yun ang may dalawang ulam sa hapag-kainan lalo na kapag sardinas. Plato lamang ang mga gamit nila at wala silang mga kutsara at tinidor kaya kailangan nila na magkamay, ang baso nila ay pinutol na kawayan samantalang ang tubig na pinaglalagyan ng tubig ay nasa maliit na container at hindi niya alam kung saan kinuha ang tubig. Ang kanilang kinakainan ay papag lamang at yun din ang tutulugan nila mamayang gabi. Paano ba sila nabubuhay sa ganitong klaseng pamumuhay.

Matapos silang kumain at siya'y hindi naman mabusog dahil hindi siya marunong kumain ng nagkakamay ay nagboluntaryo si Anaya na siyang maghuhugas ng pinagkainan. Sasamahan sana ito ni Buknoy pero siya na ang sumama, siya ang nagdala ng mga pinagkainan nila samantalagang ang dalaga ay tahimik lang na naglalakad papuntang ilog. Gabi na pero bakit hindi man lang ito natatakot, kung ibang babae lang ito matagal na kumapit sa kanya at yumakap dahil sa takot. Natapos sa paghuhugas si Anaya ng hindi man lang siya kinakausap, hindi rin niya ito kinakausap wala naman siyang sasabihin gusto pa sana niya itong asarin pero dahil gabi na ay hindi na lang niya tinuloy bukas na lang ulit bago siya umalis.

Hindi siya nakatulog ng gabing yun, maliban sa madaming lamok na kumakagat sa kanya ay hindi maalis sa isip niya ang nangayari kanina.

Flashback

"ngayon na ako naniniwala na may magandang mangyan" bulong ni Marcus sa tabi niya. Gusto niyang batukan ang kaibigan pero hindi niya magawa dahil hindi niya maalis ang tinging sa dalaga.

"Anaya" sabi ng ginang sa tabi niya, siguro binabalaan ito na wag gumawa ng gulo sa klase naman kasi nang tingin nito sa kanya ay parang gusto na siya nitong patayin.

"ooh so siya pala si Anaya, pre nagkatutuo ang sinabi ko kahapon swerte mo nakita mo ulit siya yun nga lang sa hindi magandang pagkakataon." Ngayon niya pinagsisisihan na isinama niya ito. Mula nang malaman nito ang tungkol kay Anaya naging favorite hobby na nito ang asarin siya.

"iha tulad ng pinangako ko kahapon hinarap ko sa inyo ang may-ari at sana tuparin mo rin ang pangako mo sa akin." Biglang sabi ni Attorney, hindi niya alam kung anong pangako yun kaya tiningnan niya ito na nagtatanong.

"nangako siya na hindi ka nila sasaktan." Bulong nito sa kanya kaya napa-aahh na lang siya.Tiningnan niya ulit ang dalaga, walang nagbago dito mula nang huli niya itong nakita, yun pa rin ang damit nito hindi pa la yun dress kundi tela lang na inilibot sa buong katawan at ngayon niya natutukan ang buong katawan nito. Darn ang sexy niya men, he wonder kung sa ilalim ng tela na yun ay may suot pa ba ito. Biglang naginit ang pakiramdamn niya sa naisip. He mentally shakes his head baka sakali na mawala sa isip niya ang masamang iniisip.

"maari kop o bang makausap siya ng sarilinan?" sabi nito, bigla na naman tuloy kumabog ang dibdib niya. Seriously, ano ba talaga ang problema ng puso niya at bigla-bigla na lang tumitibok ng mabilis. Sasagot n asana siya pero naunahan siya ng kaibigan.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon