SUMUNOD na araw nga ay nakipagkita sa kanya si Marc, sa Arc pa rin sila nagusap. Launch na siya nakapunta dun dahil may inasikaso pa siya sa opisina.
" Congratulations pare, nadagdagan na naman ang pag-aari mo. Hahaha " Tinawanan lang niya ang sinabi ng kaibigan.
" Kailan mo nga pala sisimulan ang plano mo na rancho? " tanong nito. Nasa taas sila ng bahay, parehas umiinom ng alak.
" After I saw the place, sasama ako sayo sa pag-uwi. Kailan ba ang uwi mo? "
" Next week, tama lang yan pare para naman makapag-enjoy ka rin dun. " Tawa-tawang sabi nito. Hindi na siya makapaghintay na simulan ang project niya. Sa katunayan ay may tinawagan na siya na architect upang magdesinyo ng rancho niya. Syempre pa, siya lahat nagbigay ng detalye kung ano ang gusto niya ang kailangan lang nito gawin ay gumawa ng blueprint ng ranch.
Isang linggo pa bago sila umuwi sa probinsya ng kaibigan. Tama lang para matapos niya lahat ng tambak na trabaho sa opisina. Yung mga dapat ayusin ay inayus na rin niya para hindi na siya magkaproblema sakaling umalis siya. Plano niya ay manatili dun ng dalawang linggo, kaya ngayon pa lang ay hinahanda na niya ang mga documents na kailangan pirmahan at pag-aralan para sa pagbalik niya ay hindi na ga-bundok ang dami ng trabaho niya. Sinabihan na rin niya ang mga staff na aalis siya at inaasahan niya na hindi magpapabaya ang mga ito. Nagbilin naman siya sa assistant niya na ito na ang bahala sa lahat at tawagan na lamang siya sakaling magkaproblema.
Pagdating ng araw ng pag-alis niya ay maayos na ang lahat. Kalahating araw lang naman ang byahe papuntang Mindoro, ang probinsya nila Marcus. Ang sasakyan niya ang ginamit papunta dun, 10am sila umalis sa Manila at nakarating sila sa bayan ng Pinamalayan sa oras ng 6pm. Salitan lang sila sa pagmamaneho ni Marcus. Sa tagal na nilang mag-kaibigan ni Marc ay ngayon lang siya nakapunta sa lugar nito. Tanging siya lamang sa magkakaibigan ang hindi nakakasama sa bakasyon nuon kasi noong mga panahon na dapat ay mag-enjoy siya bilang teenager ay tinuturuan na siyang ama na magpatakbo ng kompanya. Kaya hindi siya lagi nakakasama sa mga ito nagagawa pa rin niya na makasama sa mga ito kaya nga lang tuwing summer ay hindi na siya nakakasama.
Naalala niya ang sinabi ni Iro, na maganda daw ang lugar nila Marc at ngayon alam niya na hindi ito nagsisinungaling. Mga puno at malalawak na palayan ang makikita mo, malamig at sariwa ang hangin, ang mga tao ay napakasimple lang pati ang mga bahay. Kung gugustuhin mo na mag soul searching ay angkop ang lugar na puntahan.
Ang bahay ng kaibigan ay nasa mismong bayan ng Pinamalayan, hindi na niya napansin kung anong itsura niyo dahil gabi na sila nakarating at nakatulog pa siya sa daan. Ginising na lamang siya ni Marc sa mismong garage na bahay. Hindi katulad sa bahay sa Manila mas maliit ito at mas simple. Pero kita mo pa rin na may kaya sa buhay ang nagmamay-ari. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong kaagad sila ng Mommy ni Marc. Kinamusta kung ayos lang daw ang naging byahe nila. Maraming tao sa bahay ng gabing iyon, hinihintay daw kasi ang pag-uwi ni Marc ng mga kamag-anak nito. Ipinakilala siya ni Marc sa mga kamag-anak nito, ang iba ay kinausap ka agad siya at nakasundo. Mababait naman ang mga ito kaya hindi siya nahirapan makipagkaibigan. Di nag-tagal ay sabay-sabay silang kumain sa dinning table, napuno ng kwentuhan at tawanan ang loob ng room. Pagkatapos magkaiinan ay nagpatuloy lang ang kwentuhan sa sala at gustohin man niyang makipagkwentuhan pa sa mga kamag-anak ng kaibigan ay sobrang pagod na rin niya at gusto na niyang makapagahinga. Kaya nagpaalam na siya sa mga ito at sinabing bukas na lang nila itutuloy ang kwentuhan.
Ang pinsan ni Marcus na si Mitch ang naghatid sa kanya sa room na gagamitin niya. Pagkapasok niya sa loob sa sumalampak kaagad siya sa kama. Hinubad lang niya ang sapatos at medyas, polo at pantulan at natulog na siya.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomanceSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...