Tribe nine

10.3K 226 4
                                    

"iho nakausap ko ang mga kasama ko." bungad sa kanya ni Mang Piko pagkalabas sa kubo. Siya na lang pala ang natutulog doon.

"kuya gusto mo, ayan ang kapi namin dito." Binigay sa kanya ni buknoy ang kawayang baso na may lamang dilaw na tubig. Mabango yung parang luya kaya ininom niya pero para siyang nagsisi dahil hindi muna niya tinikman bago ininom kaya napaubo siya.

"ay naku iho magiingat ka sa paginom, mainit pa yan." Hindi naman dahil dun kaya siya na paubo kundi sa lasa nito, ang anghang, medyo mapait medyo matamis sa lasa pa lang siguradong luya nga ang lahok ng inumin.

"ayos lang po ako." Sabi na lang niya at pilit inuubos ang laman sa baso. Napatingin siya kay Buknoy na ang lapad ng ngiti, alam na niya kung sino ang nag-utos dito.

"ano po ang sabi nila Mang Piko."

"wala daw bababa sa araw na ito, hindi ko nga alam kung bakit pero minsan talaga walang bumaba sa amin dipende kasi sa ani yan."

Napabuntong hininga na lang siya." Wala po ba pwedeng maghatid sa akin sa patag?" kumamot lang ito ng ulo. Wala na siyang magagawa, kailangan niya manirahan dito hangang sa maisipan ng kaibigan na sunduin na siya. Tiningnan niya ang paligid.

"na saan po si Anaya?"

"ay nasa punong balite yun nagtuturo sa mga bata." Sabi ni Aling Maring.

"nagtuturo?" hindi makapaniwala na sabi niya. Teacher ba si Anaya, bakit nakalimutan niya itong itanong kay Mitch.

"oo tinuturuan niya yung mga batang hindi nakakapag-aral dito sa amin. Nakatapos naman ng High School si Anaya kaya may alam din siya."

"tuwing umaga ay doon ang punta niya, nag-aabang na ang ibang bata na gustong magpaturo sa kanya." Ani ni Mang Piko. Humanga siya sa nalaman, mabait pala talaga si Anaya wag lang galitin dahil nagiging sadista at amazona.

"kuya gusto mong punta dun?" tanong ni Buknoy, duda siya sa alok nito. "pangako ligtas ka na makakapunta kay ate." Tumango na lang siya, sa wakas naubos din niya ang iniinom niya. Lumakad na sila ni Buknoy.

"may gusto ka ba sa ate ko?" nagulat siya sa tinanong nito.

"h-ha wala ah, bakit mo naman natanong." Ano ba itong bata na ito, kibata-bata may gusto ng nalalaman.

"kagabi, nakita kitang hinawakan ang kamay ni ate" muntikan na siyang matapilok pagkarinig sa sinabi ni Buknoy, pucha naman nakita pala nito iyon. Haizt bakit hindi kasi siya nagiingat. Teka, alam din kaya ni Anaya yun, naku patay baka hindi ang bato ang ibato nito sa kanya.

"a-alam ba ito ng ate mo?" kinakabahan niyang tanong

"hindi po, napaghiwalay ko na ang kamay niyo bago nagising si ate. Naku kuya magiingat ka kung si amang ang nakakita sa ginawa mo baka kasal na kayo ni ate ngayon." Pinagpawisan siya ng malamig sa sinabi ni Buknoy, ganun ba sila ka-conservative kung nagkataon na hinalikan niya si Anaya baka umuwi siya sa kanila na may dalang asawa.

"salamat Buknoy, hindi ko naman alam na ganito pala sa inyo." Wala sa sarili na napakamot sa kilay niya.

"maganda ba sa lugar niyo kuya?" tiningnan niya ito bago sumagot.

"sa Manila, maganda rin naman hindi katulad dito madaming puno, duon madaming malalaking gusali, dito malamig ang ihip ng hangin doon mainit, dito may malinaw na ilog at sapa doon may malaking lagayan lang ng tubig para languyan." Hindi niya alam kung alam ba ng bata ang swimming pool kaya pinaliwanag na lang niya.

"mas maganda dito." Napangiti siya sa sinabi nito.

"oo nga mas maganda dito." Sabi niya habang nakatingin sa nakangiting babae na nagtuturo sa mga bata.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon