BIGLA na lang niyang nakalimutan ang sasabihin, nakalimutan niya kung bakit nasa harap niya ang lalaki, nakalimutan niya kung bakit nasa ilog sila ang tanging alam niya lang ay ito lamang ang nakikita niya, ang gwapo nitong mukha, ang kulay abo na mga mata nito, ang matangos nitong ilong, ang mapula nitong labi, ang butil ng pawis sa bandang nuo nito na lalong nagpagwapo dito. Ang pagtaas baba ng balikat nito sa paghinga, ang paggalaw ng adams apple nito na parang may ininom. Oh Anaya mali yang nararamdaman mo, dapat magalit ka hindi hangaan ang lalaki na aagaw ng tirahan niyo. Paano na lang ang pamilya mo, ang mga kasama mo kapag pinalayas kayo. Yun lang yata ang hinihintay niya na marinig sa sarili at sa isang iglap ay bumalik ang galit niya dito.
"Hindi kami aalis sa lugar na ito mister." Matigas niyang sabi. Nilakasan niya ang loob, sa kanya nakasalalay ang buong tribo niya.
"Pardon?" Napakurapkurap ito at tila doon pa lang natauhan ang lalaki.
"Narinig mo ako mister, hindi kami aalis sa lugar na ito nandito na ang buhay namin at kung kukunin mo pa sa amin ito para mo na rin kaming pinatay."makahulugan niya sabi, tama naman ang sinabi niya, dito na ang buhay nila.
Hindi ito umimik at tinignan lang siya habang nakahawak sa magkabilang bewang. Bakit ba ang gwapo nito kahit sa anong posisyon. Anaya!! Hindi oras para lumandi!! Sita niya sa sarili.
Kung kailangan niyang magmakaawa gagawin niya wag lang sila paalisin nito. Ano naman lang ang magmakaawa siya sanay na siyang nagmamakaawa sa ibang tao.
"Mister, nagmamakaawa ako wag mo naman kaming paalisin dito. Hindi naman namin sakop ang buong lupain mo maliit lang ang hinihingi namin kung saan ang tirahan namin doon lang kami hindi kami lalapit pa sa iba." Hindi na niya napigil ang pagluha, naalala niya ang malungkot na mukha ng mga kasama niya, ang luha ng kanyang pamilya. Pakiramdam niya wala silang karapatan na mabuhay dahil lahat nalang ay kailangan nilang hingin sa iba. Hindi ba pwedeng kahit ito na lang, maging kanila naman o kahit hindi na sa kanila basta hayaan lang sila na manirahan ng masaya at payapa.
"Look magpapatayo ako ng rancho dito, maraming pupuntang tao gusto niyo ba yun mabubulabog ang simpleng pamumuhay niyo?" Sa sinabi nito parang nagpanting ang pandinig niya. Sino ito para magsalita na parang may pakialam sa kanila eh ito nga itong kumukuha ng tirahan nila.
"Matagal ng nabulabog ang simpleng pamumuhay namin simula ng binili mo ang lupain na ito! Simula ng dumating ka wala ng simple sa amin!"
"Pwede bang wag kang sumigaw!!" inis na sabi nito.
"Anong gusto mong gawin ko huminahon ha yoon ba kukunin niyo nga ang tirahan namin! Paalisin niyo na nga kami hihinahon pa ba ako?!"
"Hindi yun ang ibig kong sabihin, pwede naman tayo mag-usap ng hindi nagsisigawan ang lapit lang natin sa isa't-isa oh hindi naman tayo mga bingi." Ngalingaling batuhin niya ito ng bato sa sinabi, namimilosopo pa.
"Alam mo nagsisisi ako na nangako pa ako kay ginoo na hindi kita sasaktan." Tiningnan siya nito. "Dahil iniisip ko ngayon na nilulunod na kita jan sa ilog para wala na kaming problema!"
"Woah woah woah hindi ko alam na mas maganda ka pala kapag nagagalit" nakangisi nitong sabi. Bigla nag-init ang mukha niya, ano ba tumatakbo sa utak ng lalaki na ito.
"Now your blushing, cute"
"Aaarggh!!" sigaw niya. Hinid siya nakapagtimpi kumuha siya ng bato, nahulaan naman nito ang gagawin niya kaya agad itong tumakbo palayo sa kanya. Binato niya ito pero ang luko nakailag pa, kahit isa lang tumama kahit sa nuo lang kontento na siya.
"Hey hey stop that!!"hinabol niya ito ng bato.
"Nakakainis ka, nakakainis bwiset ka bakit pinanganak ka pa!! lumapit ka dito para malunod na kita!!"
"Nah uh, magpapakasal pa tayo." sa sinabi nito ay hindi na lang dugo ang tumaas pati balahibo niya tumaas na rin. Huminto siya sa pagtakbo at sinamaan ng tingin ang lalaki pero ito ang lawak pa rin ng pagkakangiti, ano ba ang nakakatuwa.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomanceSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...