Tribe four

12.1K 242 8
                                    

MAAGA silang gumising ng araw na yun, araw ng pyesta sa bayan kaya kailangan nilang agahan ang pagpunta. Susulitin nila ang dami ng tao sa bayan para magbenta ng mga gulay at mga kamote. Lahat sila ay aalis at ang isang jeep na bumabyahe papuntang bayan ang sinakyan nila yun lamang ay sa taas sila pinasakay. Ayan ang masakit, walang gustong tumabi sa kanila kaya napipilitan sila na sa taas sumakay kesa naman ang maglakad sila baka hapon na sila makarating sa bayan. Kaya nagtiis na lang sila, kahit malamig dahil alas sinko pa lang ng umaga ay wala silang reklamo. Pagkababa nila sa bayan ay agad sila naglakad papuntang palengke, wala naman talaga silang sariling pwesto sa palengke ang tanging pwesto nila ay sa labas. Meron din namang bumibili sa kanila dahil mas mura ang mga gulay nila kumpara sa loob. Yung iba tumatawad pa sa kanila, mura na nga ang presyo nila tatawad pa kulang nalang hingin na lang nila. Sa kanya nakatuka ang pagbibilang ng bayad at sukli ng mga namimili, ang kanyang ina at kapatid ay nasa plaza katulad ng iba pang mga mangyan. Marami kasi ang namimigay sa kanila kapag may ganitong okasyon, kadalasan mga turista na ngayon lang nakakita ng mga mangyan. Bago mag-alas 10 ng umaga ay pinuntahan ako ni Ligaya, pinipilit niya ako na sumama sa plaza pero dahil nga walang kasama si amang sa paninida ay hindi ako sumama at nangako na lang na susunod. Pero tuluyan nang hindi ako nakapunta sa plaza, ang balak ko ay hintayin muna na bumalik sila inang bago ako umalis at alas dose ng bumalik sila ng kapatid ko.

"ate sayang hindi ka nakapanuod ng morion" sabi ng kapatid ko habang kumakain ng chicken joy, may nagbigay daw kasi na foreigner sa kanila ng Jollibee sayang daw at hindi kami kasama kaya dalawa lang ang naibigay.

"ayos lang yun, wala namang bago sa palabas eh." Sabi ko, kumakain rin ako pero ang baon namin ang kinain ko, pinaubaya ko na kina inang ang isa pang bigay ng foreigner.

"anak hinihintay ka pala ni Ligaya sa plaza, ikaw naman ang pumunta duon at ako naman dito isama mo na ang kapatid mo."

"opo inang" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kami kumain ay nagpahinga muna kami bago pumunta sa plaza. Naghiwalay kami ng kapatid ko dahil sasama daw siya sa iba pang mga batang mangyan kaya wala akong magawa na mag-isang naglibot sa buong plaza nagbabakasakali na makita ko si Ligaya. Una kong pinuntahan ang stage pero wala siya duon, umakyat ako sa rainbow pero wala rin na saan kaya ang babaeng yun. Hindi niya pinansin ang mga nakatingin sa kanya at nagpatuloy lang sa paglalakad. Minsan ay may nakakasalubong siya na kakilala tulad ng dating classmate niya sa High School na si Mitch.

"Anaya kamusta na?!!" ngumiti siya sa dating kaklase, maarte ang babaeng ito pero hindi katulad ng iba ay mabait naman ito. Ito lang yata ang nakikipagusap sa kanya pero hindi sila naging close kasi may sarili itong barkada at siya naman ay wala.

"Ayos lang naman ako, mas gumanda ka ngayon" sabi niya, totoo naman yun pwede ngang mag modelo ang babae sa tangkad, ganda at puti nito.

"ay nako Anaya, matagal ko nang alam yun. hahaha" sabi nito at tumawa ng malakas kaya napatingin sa kanila ang ibang tao.

"teka sino kasama mo dito bakit ikaw lang mag-isa?" tanong nito

"hinahanap ko yung kaibigan ko kanina pa kasi niya ako hinihintay hindi ko naman alam kung saan na siya napunta."

"ah baka nanjan lang yun. Anaya, sigurado ka ba talagang mangyan ka?" biglang tanong nito.

"huh?"

"kasi para sa isang mangyan masyado kang maganda, magdamit ka lang at mag-ayos madami na ang hahanga sayo."

"hahaha nakadamit naman ako ah" natatawa kung sabi, matagal na niyang alam na pranka ang babae at makailang beses na rin siya nitong tinanong kung mangyan talaga siya. Kung hindi lang mabait sa kanya ang babae sasabihan na sana niya na sila lang ba ang may karapaatan na maging maganda, porke ba mangyan pangit agad. Hindi lang naman siya ang maganda sa kanila, ang kaibigan na si Ligaya maganda rin naman.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon