Tribe eleven

10.1K 225 0
                                    

Sa nagdaang mga araw ay maayos na ang pakikitungo niya kay Zetrex, hindi na niya ito madalaw sungitan minsan na lang kapag sobra siyang iniinis nito. Hindi nagbago yun minsan nga mas lumala pa, ang dahilan nito ang cute daw niya kapag namumula sa galit. Ang ganda lang ng rason no. Hindi rin naman nagbago ang ganti niya dito, ang pagbato ng bato pero lagi rin naman nakakaiwas madaya. Ang resulta tatawanan lang siya ng malakas kesyo duling daw siya dahil di makatama, duh sa araw-araw na pagbato niya dito sanay na ito umiiwas sa mga tira niya.

Pagminsan, nakakatangap na sila ng tuksuhan sa mga kasama nila. Lagi kasing nakabuntot sa kanya ang binata, sa umaga sasama ito na magturo sa mga bata at kung minsan pa nga ay ito ang nagtuturo at siya naman ay nakikinig na lang. Sasama din ito sa kanila sa bukid, hindi na ito tinuturuan ng amang dahil alam na nito ang ginagawa kaya madalas maaga sila nakakabalik sa kubo hindi na rin nito inulit ang pagbabahag baka daw may gumahasa dito pero alam niya siya ang pinariringan dahil sa kanya nakatingin. Ang kapal talaga ng mukha. Sa hapon naman ay hindi na siya nag-iisa na pumupunta ng ilog dahil sumama na ito, pagminsan naliligo sila pag minsan ay tumatambay lang at kahit ano na lang ang pagusapan nila. May alam na rin siya sa buhay nito, nagiisa lang pala ito na anak at mag-isa na lang na tumitira sa bahay abala daw ang mga magulang nito kaya madalang nalang sila magkitakita. Nalungkot siya ng malaman yun, natandaan niya noong mga panahon na nag-aaral pa lang siya ay isang beses lang sa isang lingo kung makita niya ang pamilya, sobrang lungkot niya noon ano pa kaya ito na swerte na kung makita ang magulang isang beses sa isang buwan hindi niya yata kaya yun.

Tatlong pong taong gulang na ito pero hindi halata sa itsura parang kaedad nga lang niya ito. May negosyo daw ito sa Manila at mag-isa lang siya na nagpapatakbo. Hindi pala basta-basta ang lalaki, ang hirap nitong abutin. Malayo ang antas nila sa pamumuhay, magkaiba ang mundo na ginagalawan nila. Dito siya sa mapupuno na lugar at doon naman ito sa nagtataasan na mga gusali. Ang hirap lang kung kalian niya napagtanto sa sarili na mahal na pala niya ang lalaki ay saka niya malalaman na hindi sila para sa isa't-isa.

"hey" nilingon niya si Zetrex, nasa ilog siya nakasandal sa puno habang pinagmamasdan ang agos ng tubig. "kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala." Nagkaroon kasi ng maliit na salo-salo sa kanila dahil ang isa nilang kasama ay nanganak.

"dito lang naman ang tambayan ko" sabi niya dito ng hindi lumilingon, tumabi ito sa kanya.

"akala ko kasi kasama ka ni Ligaya." Hindi siya sumagot, tulad ng dati kinuha nito ang kamay niya at hinawakan. Tiningnan niya ang kamay nila na magkahugpong, hangang kalian maghahawak ang mga kamay nila, hangang kalian sila magiging ganito. Darating ang araw na lilisanin rin nito ang lugar nila, bumalik man ito ay matatagalan na at baka sa pagkikita nila ulit ay may sarili na itong pamilya.

"kalian ka aalis?" wala sa sarili niya na tanong dito, tumingin ito sa kanya nginitian lang niya ito.

"pinapaalis mo na ba ako?" natawa siya sa sinabi nito, may halong pagtatampo kasi ang tono nito.

"hindi naman, naisip ko lang na may buhay kang iniwan sa labas hindi pwede na nandito ka lang sa amin. May mga taong naghihintay sa pagbabalik mo." May nobya na naghihintay sa pagbabalik mo, yun sana ang gusto niyang sabihin pero hindi niya tinuloy baka iba pa ang isipin nito.

"hmmm" pinaglaruan nito ang mga daliri niya sa kamay bago tumingin sa kanya at ngumiti.

"anong nginingiti-ngiti mo jan?" sabi ko, hihilahin ko sana ang kamay ko pero hindi niya binibitawan.

"wala alam ko kasing mamimiss mo ako kapag umalis na ako." Inirapan niya ito pero natawa siya dahil bigla nitong kiniliti ang leeg niya, nandoon kasi ang kiliti niya.

"ahahaa Zet hahaha t-tama n- ahahaha"

"ahaha ikaw kasi, iniirapan mo ako ito sayo" mas lumakas ang tawa, tumayo ako at tumakbo palayo sa kanya.

Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon