SUMASAKIT na ang ulo at nangangalay na ang balikat niya sa kababasa ng mga reports at business proposals na ipinapasa sa kanya. Simula nang dumating siya sa opisina ay ito na kaagad ang hinarap niya. Sinabihan pa niya ang secretary na wag siyang istorbohin, walang tawag at walang pwedeng pumasok sa opisina niya. Pero kahit yata ginawa niya na yun hindi pa rin nababawasan ang kailangan pa niyang pag-aralan sa katunayan parami pa yata ng parami. Ah! yan ang mahirap kung ikaw ang nagpapatakbo ng kompanya, sayo lahat ang desisyon at kailangan pag-aralan lahat ng gagawin sa kompanya. Kung may kapatid lamang siya e di sana may katulong siya sa pagpapatakbo nito.
Sumandal muna siya at ipinikit ang mata. Mula ng pumasok siya ng 7am ay hindi na siya lumabas ng office. Pasado ala-una na at wala pa siyang kain. Kapag ganun na marami siyang ginagawa ay hindi na niya napapansin ang oras. Titigil lamang siya kapag kailangan niyang hilutin ang katawan kapag nangangalay na. Nagtagal pa ng ilang minuto bago siya tumayo. Kinuha niya ang cellphone at lumabas ng office. Nagugutom na siya at kailangan niyang kumain kung gusto pa niya na makapagtrabaho ng maayos mamaya. Nakita niya ang secretary na busy sa page-encode.
" Liza " tawag niya dito. Alam na nito kung anong ibig sabihin niya kaya kinuha nito ang plan book.
" Yes sir, mamaya pong 5pm may meeting kayo kay Mr. Morales, tomorrow 9am sa D.A.S.H., 2pm kay Mr. Napoleon at 7pm may dinner date po kayo Ms. Gohil. "
" Kindly call Miss Gohil na hindi ako makakapunta sa date. " Si Argee Gohil, nakilala niya ito sa isang common friend. Mula noon hindi na siya tinitigilan nito. Kahit na ipinaliwanag na niya dito na hindi siya nakikipagrelasyon. Pero kahit ganun hindi pa rin daw ito titigil sa kanya kaya pinabayaan na lang niya. Hindi lang sila normal na magkakilala, kundi may nangyayari din sa kanila, well he has a lot of them. Hindi lang ito ang babae niya. Hindi siya playboy, alam ng mga ito mula sa simula na he is not in a commitment at game naman ang mga ito kaya hindi siya namromroblema. Dito lang talaga kay Argee na lumaking spoiled brat kaya hindi siguro matangap na hindi niya ito gusto. Napabuga na lamang siya sa isipin.
" Yes sir, ahm sir tumawag nga pala si Sir Marcus kanina pinapasabi na kung may time daw po kayo ay tumawag po kayo sa kanya. "
" Ok, is that all? "
" Yes sir " pagkasabi nito ay umalis na siya. Binabati siya ng mga employee at tango lang ang sinagot niya sa mga ito. Bumaba siya sa building at sumakay sa sasakyan niya. Nagdrive na siya papunta sa restaurant nila, they have a lots of business hindi na yun katakataka dahil mula talaga sila sa pamilya ng mga businessman.
PAGDATING niya sa restaurant ay agad siyang binati ng mga staff. Pinagmasdan niya ang nangyayari sa loob at sa palagay niya ay ayos naman. Pinuntahan niya ang manager ng restaurant may mga tanong lang siya dito regarding sa takbo ng negosyo. Pagkatapos niya i-review ang daily report ay dun lang siya kumain. Pagbalik niya sa office ay tinanguan niya ang secretary at alam na nito kung ano ibig sabihin niya. Meaning no calls,no visitors and etc.
Pagpasok niya sa loob hinarap na niya ulit ang mga iniwan na papers, hindi na naman niya napansin ang oras. Pasado alas 4 ay tumigil na siya sa ginagawa at kinuha ang proposal papers na ipinadala ni Mr.Morales. Nagustuhan niya ang offer nitong resort sa Batangas, bukod pa sa ganda ng project nagustuhan rin niya ang sharing of stacks, 55% ang shares niya at 45% naman kay Mr.Morales. Meaning siya ang may majority shares sa project at 55% ng kikitain ng resort ay sa kompanya ang bagsak. Syempre hindi naman ganun ganun lang yun, kung ilan ang percentage ng shares niya ay yun ang babayaran niya sa expenses ng pagpapatayo ng resort, but money is not a problem for him. Basta alam niya may future ang isang negosyo, hindi siya magdadalawang isip na tumaya sa chances. Ganyan sa negosyo, you have to take a risk with including hard work.
BINABASA MO ANG
Campañero 1: ZETREX VASH AUSTON "My Tribe Girlfriend"
RomantikSi Anaya Lakambini ay isang simpleng mangyan na naninirahan sa bayan ng Pinamalayan, siya at ang mga kasama niya ay namumuhay ng tahimik NOON yun ng hindi pa nila nakikilala si Zetrex Vash Auston ang lalaking di umano ay bago ng ng mamay-ari ng lupa...