Hi!

263 14 6
                                    

"Sis! Fudgeeee!" nakakabasag ng tengang sigaw ni Anne habang papatakbong lumalapit sa akin.

"Hoy Annita tigil-tigilan mo nga ako sa kakatili mo!" sambit ko nang makalapit na siya

"Sis shocks!" muli niyang sigaw habang nagtatatalon sa harap ko.

Pinagtitinginan na tukoy kami ng mga tao dito sa labas ng building namin.

Muli kong tinignan ang nababaliw ko nang kaibigan, pilit niyang pinapakalma ang sarili niya.

"Oh my gosh, take a deep breathe Anne."

Saad niya habang pinapaypayan ang sarili niya gamit ang kaniyang mga kamay kasabay ng paghinga niya ng malalim.

Kung di ko lang to kaibigan nginudngud ko na to!

Hinawakan niya ang dalawa kong kamay.

Nakakatakot yung ngiti niya, para bang takas sa mental.

"Vice may mall show si Vhong Navarro dito sa atin!" muli niyang sigaw at isinama pa ako sa pagtalon-talon niya paikot.

"So?" sagot ko at pilit siyang pinapahinto sa pag talon.

Itibigil na niya ang pagtalon at binitawan ang mga kamay ko.

Sa wakas!

"Anong so?" inis niyang saad at galit akong tinignan

Sasagot na sana ako nang ipinakita niya sa akin ang wallpaper ng phone niya.

"Sis si Vhong Navarro yun! The Vhong Navarro! Ang hari ng dance floor, ang rom-com king, at ang isa sa pinakasikat at pinaka-hot na dancer sa bansa natin," nakangiti niyang saad habang ibinabalandra sa mukha ko ang phone niyang wallpaper si Vhong.

"Oh tapos?" saad ko

"Ano naman kung si 'The Vhong Navarro' yan huh?" dugtong ko bago pa siya makasagot

Sandali niyang tinignan ang phone niya bago muling tumigin sa akin.

"Sis hindi mo ba nakikita yung charisma niya? Yung charm niya? Yung kagwapuhan niya?"

Alam kong kilig na kilig na siya ngayon habang pinagpapantasyahan niya si Vhong sa harapan ko.

Nakakadiring nilalang!

"Pango yung ilong niya." pambara ko

"Ang basher mo!" saad niya kasabay ng paghampas sa akin

"Yes, hindi katangusan yung ilong niya pero aminin mo gwapo pa rin naman diba?" hindi ko nagawang masagot ang tanong niya. Napatingin lang ako sa phone niya.

"See? Hindi ka makasagot kasi totoo," muli niyang saad na may halong pang-aasar.

May itsura din naman kasi talaga yung Vhong Navarro na yun. Tsaka napanood ko na yung mga sayaw niya, magaling naman talaga siya.

Hindi ko rin naman maitatanggi na ang gwapo niya lalo na pagsumasayaw siya.

Pero syempre di ko yun aamin kay Anne. Ayokong masabunutan.

"Oh, ano naman kung may mall show siya?" pag-iiba ko ng usapan.

"Samahan mo ko," nagpa-cute pa talaga ang isang 'to. Nag-pout pa

Nagpapaawa na naman.

As if naman gagana sa akin yung eksena niya na yan

"Ayoko, may gagawin ako."

"Eh sa sunday pa naman yung mall show niya, may three days ka pa para gawin at tapusin kung ano man yung gagawin mo. Sige na please," muli niya pagmamakaawa

VhoIce Story CollectionWhere stories live. Discover now